Ignis' POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at ang namalayan ko na lang ay nasa loob ako ng aming kotse papunta sa eskwelahan.
"Ready for your first day?" Dad asked while his eyes are still on the road.
"Dad, ilang beses mo na akong tinatanong, ah?" I answered with brows furrowed.
"I'm just excited for you, son." Nakangiting aniya.
"Mas excited ka pa nga sa'kin e." We both laughed. Then Dad brought his attention back to the road.
Pababa na ako ng sasakyan nang nagsalita siya. "Oh, I forgot to tell you. Hindi na kita masusundo kapag uwian, sumakay ka na lang sa tricycle. Nagsasakay naman sila kahit hanggang sa bahay natin."
Kumunot ang noo ko. "Huh? Why?"
"Kailangan na raw ako sa restaurant nila Tito Wewel mo." Si Tito Wewel ay ang bestfriend daw ni Dad simula highschool. They are business partners. Dad usually help tito manage their business, virtually.
Dati ay pumupunta kami sa bahay nila kapag may free time. May mga naging kalaro ako doon, ngunit limot ko na kung anong mga pangalan nila. Ang natatandaan ko lamang ay isang babaeng apat na taon ang tanda sa akin at isang lalaking ka-edad ko. At ang tanging natatandaan ko sa lalaki ay ang tawagan namin sa isa't isa. Pero ngayon ay wala na akong nababalitaan tungkol sa kanila.
"Okay. Anong oras nga pala ang uwi mo?" I asked.
"Before 7 o'clock in the evening." Aniya.
"Okay. I'll go ahead. Drive safely, Dad." Then I went out the car.
"Okay, son. Have fun!" Ani Dad ng maisara ko na ang pinto.
Umalis na siya at naglakad na ako papunta sa gate.
"Pagsanjan Integrated National High School." Basa ko sa pangalan ng eskwelahan. Nakadikit ito sa pader na katabi ng gate. Those are capital letters that are on the wall made of some sort of shiny metal.
Pagpasok ko sa loob ng school, maraming tao ang nagkukumpulan sa covered court. Mayroon palang flag ceremony na magaganap.
'Hala! Paano ko malalaman kung nasaan ang section ko?' Tanong ko sa sarili ko.
My eyes roamed around the pile of students but it's useless, because I don't know anyone here. Then a familiar guy caught my eyes. I went to his line dahil sabi niya ay magkaklase raw kami. Nang makalapit na ako, tinignan ko siya at tama nga, si Nero.
Kinuhit ko siya at nakita kung paano siya nagulat nang lumingon ito. 'Ang cute talaga nito kapag nagugulat. Gulatin ko kaya lagi?' I unconsciously smiled at him.
"O, ba't nandito ka? At ano ang iningingiti mo diyan?" My smile faded away.
"Dahil 'di ko makita ang section ko at ikaw lang naman ang kilala ko dito, at saka sabi mo magkaklase tayo 'di ba? Kaya dito ako pumunta." I explained.
"Tch. Ang sabihin mo, gusto mo lang akong makatabi." He whispered but I still heard it.
Binatukan ko na. "Assuming ka din pala minsan e, 'no?" Sasagot pa sana siya ngunit nagsimula na ang flag ceremony.
Pagkatapos ng flag ceremony ay nagpunta na sa kani-kaniyang silid ang mga estudyante. Nasa huling huli ako ng linya namin at nasa harapan ko naman itong si Nero, kaya sinundan ko na lang kung saan siya pupunta. Hiningal ako sa pag-akyat dahil tumaas kami hanggang fourth floor nitong building na malapit sa covered court.

BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomanceThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...