"FOR YOUR first project in third grading, gagawa kayo ng volcano." Anunsyo ni ma'am sa klase.
"Ma'am, kailangan po ba sasabog?" Tanong ni Rex.
"Yes, anak. Mamaya ay ipapaliwanag ko sa inyo kung paano ang gagawin ninyo."
"Pwede ko na po ba isubmit si Andrei?" Tanong ulit ni Rex.
"Bakit mo naman isusubmit si Andrei? Mukha bang bulkan 'yan?" Tanong ni ma'am.
"Hindi mukhang bulkan ma'am. Mukhang sabog." Natatawang ani Rex.
"Pu..." Andrei was about to curse at Rex but he saw how their teacher eyes widened, giving him a warning. "Punta ka sa bahay ta's kausapin mo 'yung pagong."
"Ogag, wala tayong pagong!" Singit ni Andrea.
"Ikaw, pagong." Ani Andrei.
"Ha?" Tanong ni Andrea
"Hanap ka kausap mo." Pambabara ni Andrei.
"O, tama na 'yan." Awat ni ma'am sa dalawa.
"Ma'am, individual po?" Tanong ng isa sa mga kaklase nila.
"Hindi, anak. Lima kayo sa isang grupo. Kayo na ang bahala kung sino ang gusto ninyong makasama sa grupo."
"Ma'am pwede pong pito?" Tanong ni Andrei.
"Lima." Pinanindigan ni ma'am ang sinabi n'ya.
"Please, ma--"
She cut him off, "Lima."
"Yiii, papayag na 'yan si ma'am! Payag na! Payag na! Payag na! Pa--" Pang-uuto ni Andrei habang pumapalakpak.
"Fine. Since 47 naman kayong lahat dito at para matahimik ka na, Rivera. Lagot ka sa'kin 'pag palpak ang gawa ninyo." Pabirong banta ni ma'am kay Andrei.
"Yes, ma'am!" Sagot ni Andrei na may kasama pang pagsaludo.
After that, they listened to the discussion and how to do the volcano.
Their Science class was about to dismiss when Andrea suddenly shouted.
"Aha! Alam ko na kung bakit mo sinabi na ako 'yung pagong. Akala mo siguro slow ako, 'no?" Sambit ni Andrea habang nakaturo sa kambal niya.
"Seriously, kambs? Iniisip mo na akala ko slow ka?" Andrei asked, brows furrowed.
"Oo! Ha! Kala mo--"
"Well, tama ka naman ng iniisip." Andrei cut her off.
The whole class laughed at the twins. They got used to it because they are always bickering in the class.
When lunch time came, they formed a circle using their armchairs as always. Nero was sitting next to Ignis on the right side, while on his left was Andrei. Nang mapatingin si Nero sa baunan ni Ignis, napansin niya na kakaunti ang pagkain nito kumpara sa palagi nitong dala.
"Diet ka?" Natatawang tanong ni Nero.
"No, I was in a hurry so I only packed a little lunch. Good thing I didn't came late or else, cleaner nanaman." Paliwanag ni Ignis.
"Gusto mo?" Alok ni Nero sa pagkain niya. Napadami kasi ang pagkain niya ng kaunti dahil ang ate niya ang naghanda nito.
"Talaga? Ang alam ko malakas kang kumain. Baka mabitin ka?" Natatawang tanong ni Ignis.
"Edi, 'wag. Ikaw na nga 'tong inaalok, e."
Hindi talaga kumuha si Ignis dahil nahihiya siya. Nagpatuloy sila sa pagkain habang nagkukwentuhan.
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomansaThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...