Chapter 16

66 7 3
                                    

A/N: Hi! I just want to inform you guys that I did some edits on some chapters. Ang iba ay tinama ko lang yung errors at yung iba naman ay dinagdagan or binago ko 'yung scene. It's up to you if you want to re-read it. Kung magrere-read kayo, make sure to delete my story first from your library then add it back again. Or pwede rin sigurong maglog-out muna kayo then log in na lang kayo ulit. That's all. Thank you very much to my readers! Ily'all</3

---

"GET AWAY FROM ME! PLEASE!" Ignis shouted as tears kept falling down from his eyes.

"Calm down and don't shout, okay? I won't do anything bad to you." A creepy smile appeared on his face. He caressed Ignis' face that sent shivers down his spine.

"No! Let go of me! Dad! Anybody! Help me, plea--"

Tinakpan niya ang bibig ni Ignis gamit ang kamay niya. "I said, don't shout." Nagbabanta na ang kaniyang tono.

Tinusok ni Ignis ang mga mata niya gamit ang mga daliri niya. Nang mabitawan siya nito ay nanakbo agad ito ngunit nahabol agad siya nito. He grabbed Ignis' hair then pulled him back.

"Let go of me, you mean monster! Dad! Help me! Dad! Anyone--"

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Ignis sa kaniya mula sa kamay nitong halos sakupin na ang isang tabi ng kaniyang mukha.

"You want it the hard way, huh?"

"No!" Napabalikwas siya nang bangon mula sa isang bangungot. Tears were streaming down his face. Hingal na hingal siya at pawis na pawis.

"My n-nightmares... It came back." Hinihingal niyang bulong.

He was staring at nothing, breathing heavily while those tears and sweat were still all over his face. Lutang pa rin ang kaniyang isip nang mag-alarm ang orasan niya.

Maya-maya'y unti-unti siyang nakabawi mula rito. Pinatay niya ang alarm at kumilos na para makapasok sa eskwelahan.

Nang matapos ay lutang pa rin ang kaniyang isip at ganoon pa rin nang bumaba para mag-umagahan at nang ihatid siya ng ama niya.

"Hey, we're here. Is something bothering you? I can hear your sighs while you're staring at nowhere." Nag-aalala rito si Ignacio dahil hindi naman ganito ang anak niya.

He faked a smile before answering him.
"It's nothing."

Bumaba na ito ng sasakyan at kinuha ang project na nasa backseat. Nang makuha ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama na nakatingin pa rin sa kaniya.

"It's really nothing, dad. I'm gonna be late. I got to go." Tinignan niya ang kaniyang relo at nakitang limang minuto na lang ay late na siya para sa flag ceremony.

Bumuntong-hininga pa ito bago umayos ng upo. "Okay, son. Always remember that you can tell everything to dad, okay?"

Ignis smiled at him then nodded. "Yeah, I know. Drive safely."

He watched him as he drove their car away. Nang mawala na ito sa paningin niya ay saka lang siya naglakad papasok sa school, dala-dala ang project nila. Pumunta muna siya sa silid nila at inilagay sa upuan niya ang proyekto bago bumalik sa covered court para makadalo sa flag ceremony.

"Sayang, late ka na sana." Pang-aasar sa kaniya ni Nero na nasa huli ng hanay dahil siya ang pinakamatangkad sa klase.

Hindi naman siya pinansin ni Ignis na ipinagtaka ni Nero. Akmang magtatanong na siya ngunit nagsimula na ang flag ceremony.

Lutang ang isip ni Ignis mula sa simula hanggang sa matapos ang flag ceremony. Nang makabalik naman sila sa silid ay tahimik lang siyang naupo.

Pinatawag ang ibang guro, kasama na roon ang adviser nila kaya medyo magulo sa loob ng kanilang silid.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon