Chapter 28

29 1 0
                                    

"Kapag mug ang natanggap ko, ibabato ko talaga sa mukha ng kung sinumang nagregalo no'n."

Break time nila at nasa labas sila ng room nila. Nasa fourth floor ng building ang room nila at presko roon sa labas kaya doon sila nakatambay.

Malapit na ang Christmas party nila kaya napag-usapan sa room kanina ang mga magaganap sa party. Malapit na rin ang Christmas break nila.

"Sama ng ugali mo, Drei. Malay mo naman walang pangbili?" Sabi ni Nero.

"Oo nga." Segunda ni Rex. "Ganyan talaga 'yan si Andrei. Masama talaga ugali n'yan."

Pabirong sinuntok niya ang braso ni Rex. "Sulsol. Kala mo naman walang plano na ilalagay 'yung picture ng nagbigay na may background na langit kapag picture frame natanggap mo."

Tuloy lang sila sa sagutan habang si Ignis naman ay malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung ano ang ireregalo niya.

Ang napag-usapan nilang magiging paraan ng exchange gift ay bunotan. Lalagyan na lang nila ng number ang mga regalo tapos ay gagawa ng bunotan.

May price minimum and limit para sa exchange gift at naliliitan si Ignis dito. Nahihirapan siyang mag-isip ng pwedeng iregalo sa minimum na two hundred and fifty pesos at limit na three hundred. Buti nga ay mas tumaas ito hindi gaya noong isang taon na one hundred lang.

Pero mas madali naman noon dahil nakalista na ang gustong matanggap noong nabunot niya. Kaya ang kinailangan na lang niya ay bumili ng gusto nito.

Hindi kasi ito gaya noon sa RIS na umaabot ng isang libo o higit pa at 'yon pa lang ang minimum. Pwedeng mag-exceed pero bawal bumaba sa ganoong presyo. Kaya noon ay mas madami siyang pagpipilian.

Nang mag-uwian ay nagpasama si Ignis kay Nero para maghanap ng pwede para sa exchange gift. Pumayag naman ito dahil wala pa naman din daw siya.

Hindi na sumama ang iba dahil meron na naman daw sila at ang iba naman ay sa ibang araw na lang daw bibili.

"Ang hirap naman, lahat lumalagpas sa limit." Napakamot siya sa ulo nang makita ang presyo ng hawak niyang pitaka.

Nero looked at him in disbelief. "Three hundred ang limit tapos sa designer store ka maghahanap? Hilo ka ba?"

Lumingon siya kay Nero at ngumuso. "Nakalagay kasi sa labas sale daw sila ngayon, eh!"

Nero grunted and dragged him to another store inside the mall.

"Ayan, sa department store tayo maghanap. Mas madami kang makikita dito."

Ignis rolled his eyes. "Cheap."

"Yeah, but that's the rule so deal with it." Ani Nero na nagtitingin na sa mga pabango.

Pinapalibot niya ang tingin para makita kung may magugustuhan siya nang humarang sa mukha niya ang pala-pulsuhan ni Nero.

"How does this smell?" Siguro ay ini-spray niya dito 'yung tester.

Ignis sniffed it. "Good but feminine. Try another one, 'yung pwede for both boys and girls."

Nang tanggalin niya ito, ang kabilang pala-pulsuhan naman niya ang pinaamoy sa kaniya. "How about this one?"

"It's nice but too manly. And it smells like," He sniffed it again just to make sure. "You."

Tinawanan siya ni Nero dahil pabango naman talaga niya ang ini-spray niya roon.

"So I smell nice, huh?"

Ignis rolled his eyes. "Yes. And it makes me want to sniff you all day until your scent is gone."

That made Nero's cheeks flushed. Damn, does he even have an idea what he's saying?

Falling Unexpectedly (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon