Nagising ako sa malakas na kalabog galing sa kabilang kwarto kung nasaan si Andrei. Napabangon agad ako at sumilip sa kwarto niya para tignan ang lagay niya.
"Ignis..." Tawag ni Andrei na parang nasaktan siya dahil nasa sahig na.
I sighed then walked towards him. "'Yan, sige. Inom pa."
"Ah, tangina... Hindi na talaga ako mag-iinom." Bulong niya habang inaalalayan ko siya pabalik sa kama niya.
I laughed sarcastically. "Ang galing mo mag-joke, pwede ka na maging clown sa impyerno."
Hindi niya ako sinagot kaya tinalikuran ko na siya at lumabas ng kwarto. Nang mapagdesisyunan kong magluto ng umagahan, naalala kong hindi nga pala ako magaling magluto.
I tried once but I failed and never tried it again. Sayang, hindi ko namana kay Daddy 'yung talent niya sa pagluluto.
Nag-isip pa ako ng madaling lutuin pero panigurado namang magrereklamo 'yon kung pancit canton, itlog, o kaya naman ay hotdog ang lulutuin ko. Sawa na raw siya ro'n.
Lord, hindi ba pwedeng maghulog ka na lang ng pagkain?
I've decided to cook him an instant ramen later on. H'wag na siyang magreklamo, hindi ko naman kasalanang naglasing siya.
When I was about to get the pot, the doorbell rang so I checked who could it be. Hindi naman siguro si Nixx 'yon dahil baka nag-jojogging pa 'yon.
I opened the door and I think the Lord heard my prayer. It was Nero! I mean, not literally na siya 'yung pagkain... Pero marunong siya magluto kaya parang gano'n na rin.
He was wearing a black-striped button-down dress shirt that has a white t-shirt underneath with
his jeans and white sneakers. Bihis na bihis, samantalang ako naka-pajama pa.
"Tubig! Thank goodness you're here." Hinila ko agad siya papasok at dinala sa kusina.
"Do you want me too cook you something?" He asked while folding his sleeves like he was ready to cook for me. Such a husband material.
I clinged to his arm. "Cook breakfast for me and Andrei, please!"
Confusion registered to his face. "Breakfast? It's already one in the afternoon."
Oh? Talaga? I haven't checked my phone yet so I had no idea. I looked at the wall clock and he was telling the truth.
"Just cook us something we can eat," I said. "Andrei is such a disaster right now."
"Same goes for you, sleepyhead." He shook his head and went to the fridge.
I made coffee for me and Andrei para mabawasan ang hangover niya. Inalok ko rin si Nero pero ayaw naman niya. I went to Andrei's room and gave him the cup of coffee before going back to the kitchen.
"So, bakit nandito ka?" Tanong ko nang makabalik sa kitchen.
"I went to our house then dumiretso na ako rito." He answered while putting oil in the pan.
Umupo ako sa stool habang nakapangalumbaba sa counter top, I was facing him. "How's Dad?"
Sumagot siya habang sinusuot ang apron. "He misses you. Mula pagdating hanggang pag-alis ko roon, kinukulit akong pilitin kang bumisita sa kaniya."
Napailing-iling ako habang tumatawa. "Ang kulit talaga, sabing bibisita ako sa kanya next next week, e."
Nero continued cooking while I sipped my coffee, staring at nothing. My mind was still half asleep. Ang haba na ng naitulog ko pero medyo inaantok pa rin ako. Napagod siguro ako sa biyahe. Tanginang inuman kasi 'yan ang layo pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/234365522-288-k634499.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomanceThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...