A/N: How's everyone doing? Are you enjoying the story? Feel free to express your opinions and all. On this cahpter, I tried to do the Third Person Omniscient. Let me know kung nalilito kayo or what. Anyways, VOTE! VOTE! VOTE! And enjoy reading!!😚
'What the fuck was that? Did he felt it too?' sabay na tanong nila sa kanilang mga isip.
Nagkatinginan silang dalawa at sabay na nag-iwas ng tingin. Awkward.
Nakinig na lang si Nero sa guro, samantalang si Ignis naman ay nakatulala sa labas ng bintana.
'Minsan talaga ayaw kong pumwesto sa tabi ng bintana e. Kesa kasi nakikinig ako sa guro, napapatulala ako sa labas. Kaya ang ending, bagsak ako sa quiz na ibinibigay nila pagkatapos mag-discuss.' Naisip ni Ignis.
Bumalik si Ignis sa reyalidad nang may kumuhit sa kaniya. "Ano?!" Ignis half shouted, half whispered at Nero.
"Bingi ka ba? Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am." Inis na ani Nero.
Pagtingin ni Ignis sa harapan ay nakatingin silang lahat sa kaniya kaya napatayo na lang siya. "Uhm, M-Ma'am …." Hindi alam ni Ignis ang sasabihin dahil nakatulala lang siya kanina pa.
"Para saan daw 'yung circulatory system." Bulong ni Nero.
Hindi alam ni Ignis kung paniniwalaan niya ito o hindi. 'Bahala na nga, sapak talaga sa'kin 'to 'pag hindi 'yun 'yung tanong. Buti na lang naga-advance reading ako.' Ignis thought.
"The Circulatory Sy-System is t-the life support structure that nourishes y-your cells with nutrients from the food y-you eat and oxygen f-from the air you breathe." Utal-utal na sagot ni Ignis, hindi dahil sa hindi siya sigurado sa kaniyang sagot, kundi dahil baka hindi tama 'yung sinabing tanong sa kaniya ni Nero.
"Very good, Ignis. You may now sit down." Papuri sa kaniya ni Mrs. Daniva at saka nagpatuloy sa pagdi-discuss.
He sat down and looked at Nero. "Uhm, thanks."
Nero looked at him. "Wow! Una nag-sorry ka, tapos ngayon naman nagt-thank you ka. Bumabait ka na, ah?"
Ignis rolled his eyes at him "Mabait naman talaga ako. Hindi mo pa kasi ako ganoon kakilala."
Natahimik si Nero nang halos isang minuto kaya nilingon siya ni Ignis and he was taken aback to see Nero staring at him.
Then Nero asked, "Would you let me if I would like to know you better?"
"Uhm, o-oo naman. Mukha ka n-namang mabait. K-kaya, why not?" Ignis was stuttering because of Nero's stares. It's not just a stare, he could see it in his eyes that there was something more, but he couldn't name it.
Nero smirked, "Mukha lang talaga, ha? Hindi ka pa sigurado?"
"Alanganin naman talaga." Natatawang aniya.
"By the way, bakit master tawag nila sayo?"
He just shrugged so I didn't bother to ask him again. Nakinig na lang silang pareho hanggang sa matapos ang pagdi-discuss. Sumunod naman ang Filipino subject at pagkatapos ay break time na.
May dalawang babae na lumapit kay Ignis nang mag-break time.
Naglahad ng kamay ang isa sa mga babae kay Ignis. "Hi! Ako nga pala si Andrea Rivera."
Morena, pandak, maikli ang buhok, chubby at maganda. That's how he described her.
"'Wag mong lalapitan 'yan, malandi 'yan." singit ni Nero.
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomanceThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...