"Ano po ba talagang meron at dinala niyo ako dito?" Tanong ko pagkatapos tanggalin sa akin ang blind fold na inilagay nila sa akin.
Nandito kami ngayon sa isang Dressing room. Isang napakalaking dressing room.
Isinuot nila sa akin ang isang white, long gown. "Bakit? May ganito?" Tanong ko matapos ako lagyan ng belo.
Kahit anong tanong ang itanong ko, wala pa din silang imik sa akin. Parang binibihisan lang nila ang hangin? Hangin kasi hindi nila pinapansin kahit alam nilang nasa harap naman nila ako.
"Papa? Bakit nandito ka?!" Tanong ko ng magulat akong nandoon si papa. Gawsh. O_O
Di umiimik si papa at isinabit ko lamang ag braso ko sa braso niya ng iabot niya sa akin ang braso niya.
"IKAKASAL BA AKO PAPA?!" Pasigaw na tanong ko kay papa. Wala pa ding imik si papa.
Lumabas kami ng dressing room at pagkabukas ni papa ng pintuan, nakatambad sa amin ang isang pair ng kurtina. Binuksan si papa ang kurtina at mayroon nanamang kurtina. KALOKA TONG KASAL NA TO AH, PURO KURTINA AAAAMP!
Nagulat ako ng mabuksan ni papa ang last na kurtina. Nasa isang kasal nga ako. Red roses, mga guests na nakatingin sa akin, ang pari, yung... Perfect. I... I... Im speechless. who would do such wedding play as this to me?
Nakita ko ang groom ko, nakatalikod lang siya. Naka-black suit... Matangkad, ang... Ah. Likod palang pogi na. Okay, si Kyle ito.
Bago kami lumukad ay bumulong si papa, "Anak, ikakasal ka na." Kinabahan ako. I—I am so happy. Happy af.
Naglalakad na kami sa Red carpet ng dahan dahan. And the closer I get to the altar, the more I feel happy and feel... Excited. Gaano ba ako kaimportante sa buhay ng groom kuno ko? Ano bang papel ko sa buhay niya at sinali niya ako sa booth na ito. Siguro napakalaking halaga ng pera ang ibinayad niya sa booth na ito para sa akin. Nagpapasalamat ako sakanya, dahil... Dahil—he made my day.
Nang makarating na kami sa altar—WHAT DA?
"RAVEN? ANONG—" He cut me.
"Ssh. Kinakasal tayo. Yung boses mo." Bulong niya matapos niyang pigilan ang pagsigaw sa pamamagitan ng isa niyang daliri.
Di na lamang ako umimik at naglakad nalang papunta sa harap ng pari.
Ano ba yaaaaan! Yun na yun eh! Akala ko si Kyle na eh! Kinikileg ako. Sheyyyyyt. Pero hindi eh! Si Raven! SI RA–VEN! Potekm dissss ugh!
"You may now kiss the bride" Yah the priest just— ugh.
Nagharap kaming dalawa at... Sheyt. Ang awkward nito.
I just awkwardly looked at his eyes, but... Yeah. I failed. I found myself looking at any direction. Gawd. Awk—ward.
And then, now... Palapit na siya ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. And I just... Parang... Ang bagal. Ang bagal ng paggalaw ng mga bagay sa paligid ko. Parang, may sinasabi sa akin ang destiny. Parang... Aish. No. Si Raven? Ang jerk na ex-crush ko? No. Never in a million years.
Malapit na talaga ang mga labi namin at nagassume nanaman ako. Hindi niya ako hinalikan sa bibig. Sa ilong lang. ALAM NAMAN NIYA SIGURO NA MAY BOYPREN AKO KAYA HINDI PWEDE. ANO SIYA? HILO? P*KYUUU.
Inirapan ko si Raven, at ang pari. "Tapos na ba tong korni na seremonya na ito?" Di ko namalayan na nailabas ko pala ang malditera mode ko. Shit lang. Napa-lakas ko yata ng masyado ang boses ko doon.
Nagtaray lang ulit ako ng nagtaray at umalis na ng bwiset na booth na yun, na parang isang run-away bride. Haha. Feel ko naman ang gown ko. And in all fairness, ang ganda nung gown! Wag ka!
BINABASA MO ANG
Forever? Change.
Teen FictionA girl named Zerina has everything she ever wanted. She has the perfect life. And ang tanging bagay nalang na gusto niya ay ang mga bagay na ito na manatili sa kanya, forever. But sometimes, things don't work the way we want them to. Will she ever d...