Jared's POV
Shxt, ano tong pinaggagagawa ko? Bakit bigla ko nalang nasabi sakanya ang nararamdaman ko? Ugh, saan to galing? Parang masyadong mabilis.
Oo, tama. Matagal na akong may nararamdaman para kay Zerina. Di pa man din sila magkakilala nung magaling kung kapatid, may gusto na talaga ako sakanya. Secret admirer niya ako.
Kaya lang, ayun. Naunahan ako ng tadhana. Nung araw na nagkakilala sila nung kapatid ko, lalapitan ko na dapat siya nun. Eh naunahan talaga ako.
Pero may pasasalamat din ako sa tadhana't dahil sa relasyon nila (na talagang kinainggitan ko), naging malapit ako kay Zerina. Pero, kailangan kong magsungit sakanya.
Kilala kasi akong suplado. At kung magiging mabait ako sakanya, mapaghalataan ako. Hehe.
Ano kayang nararamdaman ni Zerina ngayon? Shxt ka Jared, bakit kasi ngayon pa? Wrong timing ka!
Mabuti at okay lang kay mama na patirahin dito si Zerina. Bakit kasi kailangan pang iwan nung magaling kong kapatid tong si Zerina? Grabe ang sinayang niya.
Teka, nasaan nga ba talaga yung Kyle na yun? Bakit pati si papa naglaho din? Ewan ko ba dun sa mga yun. Bahala sila.
Zerina's POV
HE JUST CONFESSED HIS LOVE AND IT IS SO ON WRONG TIMING. I mean, ugh. Bakit ngayon pa?
Is he out of his mind? Ugh. I mean, kapatid siya ng ex ko. Yung lalakeng minahal ko at iniwan ako. At umentrada pa siya sa mga eksenang ang sakit sakit ng dibdib ko.
Di ko pa siguro agad yun nahalata. Ugh, why am I so numb? Pero nagpapasalamat ako't naging mabait siya sa akin.
I don't know. Di ko alam. I don't know what to feel. Naguguluhan ako sa sitwasyon ko. Sino ba kasi ang nagsabing maging ganto kagulo ang buhay ko?
Napaupo nalang ako sa kama at niyakap nalang ang unan.
Alam niyo yung eksena na wala ka na talagang malapitan. As in, walang wala.
Iniwan ako ng lalakeng pinakamamahal ko, sumunod yung best friend ko na pinagkatiwalaan ko at minahal ko. Then, sinira ng pamilya ko ang tiwala ko. Sino ngayon ang lalapitan ko? Wala.
Yung pakiramdam na, kailangan mo talaga ng mayayakap. Kailangan mo talaga ng balikat na masasandalan. Pero wala eh, unan lang ang meron ka. Magtiis ka.
Napaiyak nalang ako sa sobrang sikip ng dibdib ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Ramdam na ramdam ko, basang basa na ng luha ko itong unan na yakap yakap ko. Pero, damn. Iiyak ako nang iiyak hanggang mapagod ako and that's final.
"Zerina, okay ka lang ba diyan?" I heard Jared knocking on the door.
May malalapitan pa pala ako. Nasa harap ko na pala.
I ran towards the door and quickly opened it. Di ko na pinansin pa ang magiging reaksyon niya o kung ano ang sasabihan niya, niyakap ko lang siya and he just hugged me back using his comforting hug.
"Magiging okay din ang lahat." He said softly as he was rubbing my back.
"I wish I could just click a fast forward button and then everuthing will be fine."
I sobbed on his shoulder. I couldn't contain it. Ang sakit sakit na talaga. I have never felt this way before. It's continuously devouring me. Nilalamon ako ng kalungkutan at ng sakit. Ang sakit sakit sa dibdib.
"Jared, di ko na kaya..."
And then everything was pitch black.
BINABASA MO ANG
Forever? Change.
Teen FictionA girl named Zerina has everything she ever wanted. She has the perfect life. And ang tanging bagay nalang na gusto niya ay ang mga bagay na ito na manatili sa kanya, forever. But sometimes, things don't work the way we want them to. Will she ever d...