Days passed and Kyle is still not texting me. Maski nga anino niya di ko makita. Ano ba talaga ang meron? Hindi ko na siya dama. Ilang araw na akong nagaalala sakanya. Ilang araw na din akong nagdududa. Ano ba talagang meron? Meron na ba siyang iba? Ano baaaa? Taeng yan! Eh para na nga akong tanga eh! Ano ba? Sh*t naman oh. Ugh.
"Uy girl, sayang yung soda." Saway sa akin ni Jazlyn.
Di ko namalayang napipi ko na pala yung soda can na obviously may laman na soda. Oo nga, sayang.
"Gurl, kalma ka lang kasi." Saad ni Jaz.
"EH BAKIT BA HA? PUT*NG IN* EH ILANG ARAW NA AKONG NAGHIHINTAY NG PAGPAPARAMDAM NIYA EH! TAPOS KAKALMA AKO? ABA!" Di ko sinadyang mailabas ang galit ko.
At nararamdaman kong nakatingin ang lahat ng mga estudyante sa amin—sa akin. Pweeh.
"Tara na nga."
Hinila ako ni Jazlyn palabas. Ewan ko dito kung saan kami pupunta. Eh kasi, naiinis ako. Nakakainis. Nakaka... Nakakaiyak. Eh kasi, ilang araw na eh. Ilang araw naaaaa. Ano ba? Magpaparamdam ba siya o ano? Nakailang text ako eh. Nakailang tawag na. Sa cellphone niya, walang sagot. Sa telepono sa bahay nila, wala daw siya doon. Hindi daw nila alam. Ilang araw na din daw wala doon.
Nasaan siya? Sh*t Im f*cking worried. Mahal ko siya at namimiss ko na din siya.
"Sis, huwag kang magdrama. Today's our day."
Our day? Lewl.
"We'll have our BFF day. Tara kalimutan mo muna yang Kyle na yan." Mula sa nakangiting mukha niya, nagcross-arms siya, nagpout at nag-act ng parang nagtatampo, "Lagi na nga lang siya yung inaasikaso mo eh. Nakakaselis kaya!" Psh. Pacute.
"Pacute! Tara na nga!" Napangiti niya ako. Ito talagang bestie ko, lagi akong pinapasaya. Ang saya magkaroon ng best friend n katula niya. Hay. Thank God.
Pumunta kami kung saan-saan. Ang una naming pinuntahan, department store. Oh yas. Ang daming magagandang mga dress! Mga high wasted shorts, mga damit, oh and mga shoes! Ugh. Mapapadami yata ang mga mabibili ko nito.
Kumuha kami ng siguro 20+ dresses, 5 skirts, 10 tshirts, 10+ shoes at madami pang iba.
Tried it at the fitting room. Ha, oh yeah. I look fab, hippy and oh, gorgeous. We are both gorg.
Ang saya saya Kasama ang best friend mo lalo na sa mga ganitong panahon. Haay. :)
Then pumunta kami sa McDo. Nagorder ng napakadaming Fries. Eh pareho kaming adik sa fries eh. 5 large fries lang naman binili namin. Eh sa masarap eh. Wala eh. Meserep? Meserep.
Tapos bumili naman ng ice cream sa mga stall, alam niyo ang masarap? ANG BUHAY. AAHHAAHHAH.
Pumunta sa Grocery at bumili naman ng root beer. Saya nuh? Ganun kasaya ang buhay ko kapag kasama si Besty.
"Jaz, maraming salamat ah." Pagpapasalamat ko kay Jazlyn.
"Para saan?"
"Para sa ngayon. Kasi, ito. Pinapasaya mo ako. Salamat Jaz. I love you."
"Ah, ok lang yun! I love you too bestyy."
Ang saya saya talaga ng araw ko ngayon. Alam niyo yung blessed? Ako.
Diba parang nakakatuwang isipin na sa kabila ng kalungkutan mo sa buhay, may mga tao pa din na itatry pangitiin ka kasi mahal ka nila and they care for you. Sa nangyayari ngayon, masasabi kong sobra na ang blessings na ibinibigay sa akin, and I'm very thankful.
Napagusapan naming sa bahay matutulog si Jaz tutal wala namang pasok bukas. Sabado eh. Kaya, SLEEP OVEEEEEER. Ahehe.
Sinamahan ko muna siya sa bahay niya para ipagpaalam siya kay tita at kumuha ng mga gamit niya.
And, YES! Pinayagan siya! Ahehe. Masaya tooo.
Pumunta muna kami sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng ice cream, pasalubong daw ni Jaz para kila mama. Close talaga kasi ang pamilya namin, kaya best friends kami.
Pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay at nag-dinner. Pagkatapos ay naki-jamming na kami sa Midnight date ng buong pamilya. Movie marathon ang peg, tapos food trip. Ganun. Tapos kwentuhan.
Hindi ko talaga ma-describe kung gaano kasaya ang buhay ko. Yung mga ngiti nila, yung ngiti ni Athena, ni kuya, ni bestyy, ni papa, at lalong lalo na si Mama. Sa lahat ng mga magagandang ngiting nakita ko, kay mama ang pinakamaganda. Kapag masaya siya, ang ganda ganda niya. Ang saya saya ko kapag masaya siya. Words can't describe how I love them, how I love mom, how wonderful my life is. I am truly greatful.
"Oh anak, anong titig yan?" Nahuli ako ni mama na nakatitig sakanya.
"I love you, ma." Ang tanging reply ko.
Niyakap ako ni Mama. Ang yakap na kahit kailan man ay hinding hindi mapapantayan ng kahit sino pa man maski si Kyle. Ang yakap na mainit, punong puno ng pagmamahal. Ang yakap ng isang ina.
"Oh? Nagyayakapan sila dun oh! Sali nga!" Yumakap din si Kuya.
At sumunod naman 'tong si Athena at si Papa.
"Jaz! Sumama ka na dito!" Yaya ni papa kay Jaz.
"Ha? Huwag na p—"
Hinila siya ni papa at dinama namin ang init ng pagmamahal sa aming pamilya. Ang swerte ko, napakaswerte.
Fast forward ng konte
12:00 am na at matutulog na kami ni Jazzlyn ng tignan ko ang cellphone ko, 7 missed calls at 35 messages from an unregistered number.
Tumawag ulit ang number at sinagot ko iyon, "Tingin ka sa bintana mo."
Ha? Anong? Kyyyyyle. Gabi na ah!
//an//
Lagi nating ipagpasalamat ang mga blessings sa atin, kahit maliit na blessing yan o malaki man, ang blessing ay blessing. Never forget that. :)
BINABASA MO ANG
Forever? Change.
Teen FictionA girl named Zerina has everything she ever wanted. She has the perfect life. And ang tanging bagay nalang na gusto niya ay ang mga bagay na ito na manatili sa kanya, forever. But sometimes, things don't work the way we want them to. Will she ever d...