Chapter 2: Pain

46 1 2
                                    

Nagulat ako sa nakita ko. Nakahandusay ngayon si Raven matapos ang ginawa niya. Siritan ba naman kasi kami ng tubig ni Raven? Ayan. Sinapak siya ni Kyle ng bongga sa mukha.

Sa sobrang lakas nung pagkakasuntok ni Kyle kay Raven mararamdaman mo ang malakas na pagkakahulog ni Raven sa sahig. Mukhang hindi makagalaw si Raven. At kita s mukha niya ang pamamaga.

"Kyle, tama na. Hindi mo nama—" pagpipigil ko kay Kyle pero hindi niya ako pinatapos.

"Ano bang problema mo tol?!" Pagalit na tanong ni Kyle kay Raven habang buhat si Raven sa kwelyo.

"Ya-ya-yayayain ko—ko sa—sana kayo—na—na—" Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Raven nang biglang itinulak ni Jacob si Kyle. Si Jacob, best friend ni Raven.

"Huwag ka ngang makisali dito!" Sigaw ni Kyle. At susuntukin na sana ni Kyle si Jacob pero ginamitan ni Jacob si Kyle ng Karate. Pakk. Oh, bulagta naman ngayon si Kyle. Tsk tsk.

"Sa susunod pakalmahin mo yang boyfriend mo." Sabi sa akin ni Jacob At binuhat niya si Raven.

/fast forward/ :)

"Eh kasi dapat hindi mo nalang sinuntok si Raven. Kinausap mo nalang dapat siya." Sabi ko habang nilalapatan ng yelo ang nauntog na ulo ni Kyle.

"Eh siya naman yung nauna eeh! Ang bastos niya. Di niya ba nakikitang naguusap tayo ng tahimik? Bastos niya eh!" Galit niyang sabi.

"Oo na. Sige na. Pero sa susunod huwag nang ganun. Kalma lang kasi!"

"Pero, nasira yung moment natin kanina eh! Kabanas." Ayan. Nagpo-pout siya habang nakakunot ang noo. Ang cute niya. *o*

"Pwede naman nating ulitin yun eeh. :)" I smiled at him. Haha. Ang cute niya.

Nanahimik lang siya habang nakapout. Ang cuuuuute. Ganyan yan si Kyle eh. Masyadong madaling uminit ang ulo. Kaya ayun. Sapak ang naabot ni Raven. Basain daw ba namn kasi kami sa kalagitnaan ng moment namin. Tsk. Nandito nga pala kami sa Cottage ko. Nakaupo siya sa kama habang ako nakatayo.

"Oy tigilan mo nga yang pagpout mo. Ang cute cute mo masyado. May naaalala tuloy ako." Ahihi. Naaalala ko si Calum Hood ng 5SOS medyo nagiging kamukha niya kasi si Calum kapag bakapout.

"Sino? Si Calum nanaman? Tsk. Pinagdududahan na kita ah. Parang mas mahal mo yung Calum na yun eh mukha namang paa yun. Mas gwapo ako dun noh." I love it when boys get jealous. Ahihi. *o*)/

"Lul." Tanging reply ko.

Tinalikuran ko siya. Kungwari galit. Haha. Pero—

"De. Joke lang. Ahaha. Alam ko namang Directioner ka eh. Ahehe."

"Oo pero pogi talaga si  Calum."

"Oo na. Whatever you say, my love."

Backhugs Oh yes happiness. This is Layp.

*Raven's POV*

*kinabukasan*

Aray ko. Ang sakit nung sapak nung g*gong yun sakin ah. Hmm..

Yayayain ko lang naman sana sila ng buko juice eh. Pero... Nakita ko silang magkalapit ang mga labi. Nabigla ako. Eh sa nakakita ako ng hose. Siniritan ko sila.

Ah-eh... Yung nakita ko kasi... Parang ang sakit sa dibdib. Na makita siyang may kasamang iba. Sana ako nalang iyon. Sana... Ako nalang.

Lumabas ako ng tent ko at umupo sa gilid ng lawa. Ang mga lalake kasi, sa tents matutulog at sa cottages naman ang mga babae. Ok lang yun. Ahehe.

Ang ganda talaga ng view dito sa campsite. Yung lawa, ang tahimik. Napakatahimik. Ang sarap sa pakiramdam. Idagdag mo pa ang isang napakagandang weather at sariwang hangin.

Puuksh

"ARAY KO SAAN GALING IYON!" sigaw ko dahil sa sakit dahil sa may bumato sa akin. SINO BA IYON AT ITATAPON KO SA LAWA?

Nagulat ako nang nilingon ko siya. Si Zerina pala. Kita sa mukha niya ang galit. Galit siya sa akin, hmm... LAGOT.

*Zerina's POV*

Lumabas ako ng cottage para magpahangin. Eh gusto ko naman kasi ng fresh air noh.

At, oh. Si Raven nagmamasid-masid sa lawa. High ba to ngayon? Ahehe. Pero... May atraso pa sakin—sa amin to ah. Hmm...

"ARAY KO SAAN GALING YON?!" Sigaw ni Raven kasi na-headshot ko siya. Ahahhaahahha. Ang saya saya. :-)

Lumingon siya. At, AHAAAHHAAHAHAAHAHHAAH. Mukha siyang natatae na naiiyak na nagagalit na natatakot. AHAHAHAHAHAHAHAHAA. Fotek.

"Bleeeeeeeeeh" Binelatan ko siya matapos ko siya bigyan ng isang 5-second-death-glare. At syempre tumakbo ako. Ito namang si tanga, naghabol din.

AHAHAJAHHAAAHHAAHAHA I FEEL LIKE I AM THE  WINNER. AHAHAAANAHJAHAHAN.

buuuuuuugsh

*narration*

Hindi namalayan ni Zerina na tumatakbo pala siya sa tabing-lawa at mapatid siya sa isang bato. At dumiretso siya sa lawa, sa kasamaang palad, doon pa siya nalaglag sa pinakamalalim na parte ng Lawa.

//an//

Ahhehehe. Puro PAIN ang chapter na 'to. Haha.

And, hindi po ako maglalagay ng kahit na anong pictures ng characters. Kayo na po ang bahala. Imagine niyo nalang po. Mas masaya magbasa ng libro kapag nagiimagine. :)

Btw, hindi po ako magaling gumawa ng stories pero sana magustuhan niyooo. :-)

Forever? Change.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon