Chapter 6: Kuya Dennis

36 1 0
                                    

"Zerina, Sorry..." Ang sambit ni Kyle habang nandito kaming tatlo sa kwarto ko.

Inirapan ko nalang siya at, "Bababa muna ako at kukuha ng maiinom." Lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumuha ng root beer.

Ang kapal naman yata ng mukha niya para sabihing, "I'm sorry" ah! Eh nagaalala nga ako eh! Halos malusaw ako sa sobrang pagaalala nung mga araw na hindi siya nagparamdam, tapos ito? SORRY? Aba! HINDE!

"Zerina..." He gave me a back hug infront of the fridge.

Hindi pa din ako kumikibo, ang hirap kaya kiligin habang pinapairal ang pride! Hayst.

"Eh kasi naman, biglaan yung pagpunta namin sa Boraca--" Pinutol ko ang sinasabi niya.

"Boracay? BORACAY?! Aba! Tapos hindi ka man lang nagpaalam sa akin? Anong klase...?" Nagsisisigaw na ako. Wala na akong pakialam kung may binubulabog na ako.

"Eh kasi--"

"Huwag ka nang magpaliwanag!" Dinala ko sa kwarto yung kinuha kong root beer at pansin kong hinahabol ako ni Kyle, mabilis kasi ang paglalakad ko.

At, hmmp. Sinaraduhan ko siya ng pintuan, IN THE FACE. Ang sarap sa pakiramdam ng panalo, HAHAHHAHA P-R-I-D-E

Eh kasalanan niya din eh! Hindi man lang siya nagpaalam! Baka nga pumunta siya ng Bora para makipagdate sa chix niya eh! Pwweeeeh! Tapos may nalalaman-laman pa siyang, 'biglaan'?! Aba! Kahit naman biglaan, dapat nagpapaalam pa din siya noh! Hindi yung pinagaalala niya ako ng ilang araw para lang sa 'biglaang bakasyon' niya! Psh. Manigas siya diyan!

*Kyle's POV*

Sinaraduhan ako ni Zerina ng pintuan, IN THE FACE. F*ck. Eh kasi, kasal nung auntie ko sa Boracay, tapos nung paguwi ko lang galing camp sinabi sa akin. Hapon sinabi sa akin tapos nung kinagabihan na kami umalis.

Tapos kinapa ko yung Cellphone ko sa bulsa ko, and bad news, nanakawan pa ako sa bus! Pakshet day talaga yun. Eh magpapaalam dapat ako kay Zena eh! Pakshet na mandurukot yun, UGH!

Sinubukan ko naman siyang i-message sa facebook, kaya lang WALANG INTERNET! Nagkaroon ng problem sa internet! Sh*t. At wala namang may load sa mga tao sa bahay, at hindi ko naman kayang puntahan si Zerina dahil malayo ang bahay niya mula sa bahay namin. Hanggang sa gumabi na, wala na! Hindi na ako nakapagpaalam kay Zena! Psh. Sh*tday.

Tapos, ito. Nagalala tuloy 'tong si Zerina. Tapos kapag nagsorry ka, because she is mad, hindi ka bibigyan ng chance para magexplain! Mga babae talaga! Hindi ko maintindihan.

Nakita kong papalapit sa akin si Kuya Dennis ni Zerina.

"L.Q?" Tanong ni Dennis

"Parang ganun na nga." Sagot ko.

"Mga babae talaga. Hindi natin maintindihan noh?" Medyo nabigla ako sa sinabi ni Dennis

"Ha..? Oo nga eh." Pagsangayon ko.

Pumunta ako sa sala at si Dennis naman ay pumunta sa kusina. At pumunta naman siya sa sala, may dalang alcoholic drinks na light lang.

"Oh eh ano bang nangyari?" Tanong ni Dennis sa akin.

Ako kasi at ang kuya ni Dennis, kahit papaano ay close. Laking pasasalamat ko nga at close kami di tulad ng ibang nakakatandang kapatid na lalake ng mga girlfriends ng ibang mga lalake diyan na masungit at negative. Si Dennis, siya yung tipo ng kapatid na walang kinakampihan, kasi di katulad ng iba, Open-Minded si Dennis.

Sinabi ko kay Dennis ang lahat ng nangyari, alam niyo kasi lahat ng bagay, honest ako. SInasabi ko ang totoo. Pero...

"Ganyan talaga ang mga babae, eh nuh? Kahit magexplain ka sa kanila, hinding hindi ka nila bibigyan ng chance makapagsalita. Nuh? Pero, ganun talaga. Tayo ang mga lalake at sila ang mga babae. Kailangan nalang natin silang intindihin." Pahayag ni Dennis.

Forever? Change.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon