Chapter 4: Hypothesis

22 2 0
                                    

*Zerina's POV*

Uwian na ngayon. Tapos na yung camp. Psh. Kaya naglalaka na ako ngayon kasama si Jazzlyn papunta sa school bus.

"Uy bakit umalis kaagad si Kyle kahapon?" Tanong ni Jazzlyn sakin.

"Psh. Papaano, paggising ko nagsusuntukan si Raven at si Kyle!" Bulalas ko.

"Oh eh ano namang koneksyon nung paglayas niya sa away nila?"

"Pinaalis ko silang dalawa sa cottage ko para sa katahimikan. At hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nung Kyle na yun at bigla nalang lumayas ng hindi nagpapaalam. Psh. Mga lalake talag!"

"Kalma lang gurl. Sakay na tayo sa bus." Pagyaya ni Jazzlyn.

Sumakay na kami at konting sandali pa ay umalis na ang bus. Mahaba-habang byahe to. Earphones? I. M. RED. D. :)

Biglang napunta sa isang nakakaantok na kanta at syempre, KUMAIN AKO. Alanganamang matulog ako? Lewl. Ayoko nga. Mamaya nagkaroon na pala hostage tulog mantika pa din ako. Huwag! Ahehe.

kinagabihan

Nandito na ako sa bahay ngayon. Ang sarap dumiretso sa kwarto ko at pakasalan ang napakalambot at napakainit kong kama. Pero, di pwede. Hay naku. Eh kasi, sa aming pamilya hindi pwede ang matutulog nang hindi kumakain. Kompletong pamilya kami. Ako, Yung bunso kong kapatid na si Athena at ang kuya ko, si Kuya Dennis, si Mama at si Papa. Kompleto.

Nasa hapag kami ngayon. At ikinukwento ko sa kanila ang mga nangyari sa akin doon sa camp. Lahat. As in, LAHAT. Ganun ako ka-open sakanila. Sinasabi ko ang lahat ng nangyayari sa amin ni Kyle at ok lang naman sakanila. Basta daw, huwag aabot sa point na magkakaanak kami at kung anong bagay na hindi pa dapat namin ginagawa o minamadali. Ganun sila.

Alam niyo, nagpapasalamat ako at kompleto ang pamilya ko. Bumubuo kami ng masasayang alaala, nagkakaisa kami. Parang isang, pamilya. Isang pamilya na kompleto. Malaking blessing na sa akin ang pamilya kong ito. They are the best blessing God has ever given to me. My Mom, My dad, My brother and my sister. I love them. Jusko. Masasabi ko talagang blessed ako kasi yung ibang mga bata nga diyan, iniwan ng nanay/tatay. Oh di kaya naman, iniwan sa isang orphanage. Yung iba nga hindi man lang nasilayan ang ganda ng mundo dahil sa pagpapalaglag eh. Ang swerte ko sa pamilya ko. Napakaswerte. Thanks, God.

"Eh nasaan na nga pala si Kyle bakit hindi ka niya naihatid?" Tanong ni papa. Tumigil ang tawanan matapos itanong ni Papa iyon.

"Ah, ewan ko po doon at umalis yun. Eh ang sabi ko umalis sa cottage, hindi sa camp!" Pa-joke kong sabi.

"Hmm... Parang L.Q yan anak ah." Saad ni Mama.

Napaisip ako. L.Q.? Lewl. Pinaalis ko lang naman siya sa cottage ko dahil sa gusto kong magpahinga ah? Tapos magtatampo agad siya? Parang napaka-sensitive niya naman kung ganon. :3

Pagkatapos ng tatlong oras naming dinner, ( half hour lang yung kain, 2 and a half hour ang kwentuhan) Umakyat na ako ng kwarto habang ang mga kapatid ko at si papa ay pumunta sa salas para magmovie marathon. Gusto kong maki-jamming sa kanila. Eh sa pagod na pagod ako at inaantok na kaya mas pinili kong umakyat nalang sa kwarto ko at magpahinga. Napakahabang araw din kasi nito para sa akin. At ayokong sagarin ang lakas ko.

Humiga ako sa kama at, HAAAAAAAAAAAAAY BUHAAAAAAAAAAY. Ang sarap. Ang sarap. Namiss ko 'tong napakalambot kong kama! Isang linggo ka ba namang matulog sa tent? Hayst. Ang saya. Alam mo yung feeling na napakasarap sa higaan mo, and its like you wanna marry you bed legally? Para TIL DEATH DO US PART. Ahehe.

Oh and its 10:00 pm. At parang naninibago ako. Siguro dahil nakauwi na ako dito sa bahay? Or is there something going on that I should know because I dont know. Hmmp. This is some deep sh*t. lewl.

Ah! Alam ko na! Cellphone! Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang 15+ messages. Puro, "Good Evening! Jgh from Camp! FFTB na din! Tara Text? Gm. #14" at kung anu pang mga uri ng mga kaanuhan sa Group messgages. Pweeh. May "Fresh from the bath" pa! At ano namang paki ko? Anong gusto mo? Amuyin pa kita? Dilaan pa kita? Pweeh. Ahehe. Tapos may mga "g0oD eVen1nG mgA bH3!" ANG JEJE! Ahaha. Eh ang effort pala ng mga taong to eh! Hayst.

Mental Note:

Mag-shota ng JEJE para MA-EFFORT.


At ngayon, alam ko na kung anong kulang sa araw ko. Yung text niya. Madalas kasing nagtetext sa akin si Kyle nang 9:30 pm ng "Hi baby, I Love you. Kamusta araw mo?" Ganyan na ganyan ang mga text messages. As in. Eh di ba nga, nakabisado ko kung anong oras, at kung anong laman nung messages diba? Pero ngayon, 10:00 pm, at wala pa din akong natatanggap na text. Eh kahit nga magkaaway kami, nagtetext pa din siya sa akin ng ganun eh. Ano nang nangyari ngayon? Bakit parang, hmmp. Galit kaya siya? Nagtatampo? Tama ba si mama? Letche! -,-

Pero kasi dati, kapag may misunderstandings o away kami nagtetext pa din siya sa akin. Bakit ngayon, ? what the eff. Nagbago na ba siya ng hindi ko nalalaman? Nagsawa na ba siya? Kung ganun, sana handa na ako. Kasi sa tingin ko, hindi ko kaya. Hindi ko kayang i-take ang pagbabago niya.

Tinext ko siya. At 10:44 pm na, wala pa din siyang reply. Baka nabasa na niya? At hindi siya nagrereply dahil nagtatampo siya? Bakit naman siya magtatampo? O baka naman busy siya? At hindi pa nababasa ang text ko? Baka naman naholdap siya? O nanakawan ng cellphone? Baka naman nawala lang yung cellphone? O grounded ng cellphone? Ay, college na siya. Di na siya naga-grounded. Sh*t.

I hate this feeling. I'm always thinking sh*t when I'm worried or... ugh. I hate this.

I hate you Kyle. I hate you because you are making me feel this right now. NASAAN KA NA BA AT IPAPAALAM KO SAYO KUNG GAANO AKO NAGAALALA NGAYON.

//an//

AHEHE. Baka may mga wrong grammar ako, paumanhin. Ahehe.

Dear Boys,

Never ever ignore your gf's messages, kahit na busy kayo o kahit na ano pa. Try your best para replyan sila kasi hindi niyo alam kung anong mga bagay ang pumapasok sa isip nila kapag iniignore niyo ang mga messages nila. Ok? ok.

Forever? Change.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon