CHAPTER 24-WELCOME ANAK

1.2K 71 8
                                    

CHAPTER 24
Welcome anak

NAGULAT TALAGA ako sa narinig ngunit pinili ko ang manahimik. Ayoko na may malaman pa si Rey tungkol sa ama ng baby ko.

Kung anong meron kami, sana doon nalang. Sa tuwing sinusubukan kong huwag isipin ang taong 'yon ay mas lalo akong nahihirapan.

I chose this path, hindi dapat ako malungkot o makaramdam ng kahit anong pagsisisi.

Nagtataka man ay sinubukan kong ibahin ang usapan. Labis man ang kabang nararamdaman ay nagawa ko pa ring ibahin ang usapan.

"S-so... how's your girlfriend?" Utal ko pang sagot. Nanginginig na ang kamay na pinagpatuloy ko ang pagkain ng balat na mangga. Ilang beses rin akong lihim na napabuntong hininga at pinagpapawisan ng malamig.

Pa'no kung malaman ni Thairro na nandito ako? pa'no kung magsumbong ito sa pinsan niya? Lagot na!

Narinig ko mahinang pagpakawala ni Rey nang buntong hininga, tila ba nahihirapan ito na magsabi. "She's fine. We're fine... I guess." Nasa mukha nito ang lungkot.

Ang nasabi lang n'ya sa'kin ay piniling magtrabaho nito sa Maynila para sa ina at kapatid na inaalagaan. Kahit ang pangalan ay hindi ko alam.

"Matagal na kayo?"

Tahimik lang na tumango si Rey. Pinapakiramdaman ang bawat kilos ko.

Panay naman ang iwas ko sa tuwing nasa salubong ko ang mga mata niya. Sabay lukot ng kaniyang noo.

Sa ilang buwan na lagi kong kasama si Rey. Pakiramdam ko, matagal ko na s'yang kilala. He's a good looking guy, the same age as Kitch. Kaya natural na sa kaniya na habulin ng mga babae dito sa Davao.

Inis na naman akong napapikit. Pati ang hintuturo ko ay bahagya ko ng nakagat sa inis. Lahat nalang, nagagawa ko pang isingit sa Kitch sa isip ko.

Sa lahat ng oras ba laging ganito?

"Are you okay?"

"O-oo naman." alanganin kong sagot.

Hanggang sa naubos ko nalang ang balat ng mangga. Pero hindi na nawala pa si Kitch sa isip ko. Dumagdag pa na nandito rin si Thairro. Ang alam ko hindi naman masyadong nagkikita si Kitch at Thairro, pero pa'no kung makita ako rito ni Thairro.

Buong araw kong inisip iyon. Malaki na ang tiyan ko, at kapag nakita niya ako sigurado na sasabihing kay Kitch ang dinadala ko.

Minsan natanong ko ang sarili ko. Bakit kailangan kong lumayo kung kahit saan lagi ko siyang naalala.

"Burge, you okay?" he asked again. Mukhang hindi ko talaga siya mapaniwala sa sagot ko kanina.

I just tsk-ed, kahit kailan panira itong lalaking ito.

"'di ba may pasok ka? Larga na." pagtataboy ko sa kaniya. Nawalan bigla ako ng gana na makasama ang lalaking ito.

Ang totoo kaya ko s'ya tinawagan dahil gusto kong makita pagmumukha niya. Ngayon na nandito na siya. Parang ayoko na.

"Tatawag-tawagan mo ako na parang ako ang daddy ng anak mo tapos ngayon na nandito na ako parang kung sino lang ako na palalayasin mo?" Kunwaring nalungkot s'ya. He pouted and cross his both arms over his chest.

Kung hindi lang ako sanay sa kaniya baka napaniwala niya ako. "So anong gusto mo, dito kana kaya tumira?" may halong pagsusungit sa boses ko.

"Talaga!?"

Halos mahulog ako sa kinauupuan sa sigaw ni Rey. "O sige, dito ka at ako sa bahay mo." kapal ng mukha kung ganun.

Magaan ang loob ko kapag si Rey ang kasama. Pakiramdam ko, nakahanap ako ng taong masasandalan, kakampi at lagi akong sasamahan.

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon