CHAPTER 16-TIGAS

1.3K 70 8
                                    

CHAPTER 16
Tigas

"SO, WHAT'S the plan?" Dinig kong tanong ni Cio.

Kadarating ko lang galing kusina para ipagtimpla sila ng juice.

Gabi na pero imbes na kape ay juice ang gusto nila. I don't know where they were from before they got here. But Kitch told me that they were somewhere near here in our buildings.

Saglit ko lang silang iniwan pero mukhang madami na ang napag-usapan nila.

Magkatabi ang dalawa sa tapat ng kinauupuan ni Kitch. Mukhang naputol ang usapan nila nang makita nila akong dumating.

Inilapag ko lang ang tray na may apat na baso ng juice saka tumabi kay Kitch na nakadekwatro at malayang nakasandal sa mahabang sala. Umayos ito ng upo at inabot ang kamay ko para ipagsalikop ang kamay naming dalawa.

Sanay na ako sa kaniya lalo na kung nasa bahay kami. He always does that, pero mas gusto ko ang more than that. Lagi na niyang pinapatibok ang puso ko ng hindi normal.

Palihim akong napangiti kapag naalala ko ang pinaggagawa namin. Kamay niya palang sapat na. Hindi ko alam na malikot pala ang kamay niya na umaabot kung saan-saan.

"Asus, mamshy we're so proud of you at last, umamin ka rin!" matinis na sabi ni Mash. Nakita nila ang kamay naming magkasalikop.

"Sana kayo rin," magaang sabi ni Kitch habang nasa akin ang kaniyang buong atensyon.

Sabay na napaduwal ang dalawa sa sinabi ni Kitch.

"No thanks, hindi ako mahuhulog sa kauri ko 'no!" Pairap at winisik pa ang kamay ni Cio. Tumango-tango naman si Mash sa sinabi nang kaibigan.

"What's wrong with that?" Inilapit ni Kitch ang mukha nito sa akin at ginawaran ng damping halik ang aking pisngi bago lingunin ang dalawa na pareho na ngayong nakangiwi, bakas sa mukha ang kanilang pandidiri sa nakikita nila sa'min. "Love is for all. Kapag naramdaman mo, wala ka ng magagawa kundi ang pumili. Lumayo o ipaglaban?" muli na naman niyang dinampian ang aking pisngi. Kaiba nga lang sa nauna dahil mukhang sinadya niya iyong patunugin para marinig nang dalawa.

Sabay lang na umirap ang mga ito, "Nevermind, so as we said earlier. What's the plan?" pag-iiba ng usapang tanong ni Mash.

May makulay na scarf ito sa leeg habang naka green polo na hanggang siko ang tupi at isang pantalon na may butas sa tuhod. Parehong may scarf ang dalawa, iyon nga lang ang kay Cio ay kulay pink. Nakasuot ng button-up shirt and jeans.

"What's the plan?" inulit na tanong ni Kitch habang malapit pa rin ang mukha naming dalawa. Mapupungay ang mga mata nito habang masisid na nakikipagtitigan sa 'kin. Pakiramdam ko tuloy kaming dalawa lang ang tao dito sa condo. Kung hindi pa nagawang tumikhim ni Cio siguro ay magkadikit na ang mga labi namin.

Lumayo ako ng kunti bago s'ya lingunin. Nasa akin lahat ng mata nila kaya mukhang ako ang tinatanong nila. "What plan?" puno ng pagtataka ang mukha na tanong ko kay Kitch habang nakatitig sa kan'ya. Ang gandang lalaki talaga, kahit sa umaga na nakita ko na s'yang may muta sa gilid ng mata, never pa akong na-turn-off sa kan'ya.

"Baby, tomorrow is your birthday so..." he pouted. Hindi man n'ya tinuloy pero nakuha ko na ang gusto nilang iparating.

Binalingan ko ang dalawa na tahimik lang kaming pinapakiramdaman.

"Nothing special." Totoo naman. Tumawag sa'kin si mommy if I change my mind and want to have a party at our house but desidido na akong wala lalo na't ilang beses ko ng niyaya si Thrina pero ayaw niya talaga. Gusto ko lang naman na pumayag s'ya so baka p'wede pa akong mag-paparty sa bahay. But since she wasn't then I don't want it to have then. Alam kong para sa 'kin 'yon, pero kung wala si Thrina salamat nalang.

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon