CHAPTER 26-I WILL GET WHAT'S MINE

1K 64 3
                                    

CHAPTER 26
I will get what's mine

“HE WILL not care about it because he doesn't care about you anymore. He's happy now...without you."

Ilang beses iyong paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga ko. Pero aaminin ko. I felt hurt by those words. Mas lalong nadagdagan ang takot ko. Masaya na s'ya, bakit pa namin guguluhin?

I know it's my fault at all pero hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit ang kahihinatnan. Hindi ko inisip ang mangyayari, ang bagay lang na nasa puso ko ay ang lumayo at magpahilom sa puso kong naguluhan at nasaktan.

I closed my eyes tightly and sighed heavily like it was my first time taking a breath. Dama ang pagkadurog ng puso ko but I think, I can't do anything about what happened. It's already happened anyway. I can't take back the time.

“Are you sure you okay? Mula nang iwan kita sa opisina ko hindi ka na umimik."

Hindi ko binigyan pansin si Rey. Naihatid na n'ya ako sa bahay. Walang tao ngayon maliban saming dalawa. Hindi ko rin namalayan kung pa'no kami nakarating ng sala. Ang alam ko lang ay okupado ang utak ko sa iniwang salita ni Thairro. Gusto kong ibuhos ang lungkot na nararamdaman ko.

“Hindi ko naman naabutan si Thairro para matanong." Dugtong pa niya. “Magkakilala ba kayo n'on?" Tanong niya ulit sa akin ng hindi ko nasagot ang nauna niyang tanong.

Tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Muli na namang naalala ang sinabi ni Thairro. Pa'no na?

Lingid kong nanunubig na ang mata ko pero pinigilan ko ito gamit ang pagtayo. “Pasens'ya kana, biglang sumama kasi pakiramdam ko. By the way about the flowers. I already told Carol about that. Daanan mo nalang." Mahina at batid doon ang lungkot. Ayokong kaawaan na naman ako ni Rey sa kalagayan ko ngayon kaya agad ko s'yang pinaalis.

“Sure kang ayos ka lang? Si Rhaenyra na kay ate Helda ba?"

Tango lang ang ginawa ko. Wala nang nagawa si Rey kundi ang magpaalam sa akin. Alam kong abala s'yang tao lalo na sa pamilya niya. Ayaw kong makagulo pa sa bonding nila.

Pinalipas ko muna ang oras bago ko sunduin si Rhaenyra. Tulog ito kaya naghintay ako hanggang sa magising s'ya bago kami umuwi ng bahay.

“You look sad mama, why?" Biglang tanong ng anak ko habang nasa daan kami pauwi. Hindi naman kalayuan ang bahay namin kaya magkahawak kamay namin itong nilakad.

Mabilis na nalingon ko ang anak ko. Alam niya kung kailan masama o hindi ang pakiramdam ko. Siguro dahil ina niya ako. “I'm good baby, mama is just tired. Don't worry about me.” I've touched her left cheek.

She pouted beautifully, “If that's about papa...” hawak ang dorae bear nito ay malungkot siyang yumuko. “Forget it na, gugustuhin kong hindi s'ya makita kung hindi ka naman masaya.”

Awtomatik akong napahinto sa paglalakad gano'n rin ang anak ko ngunit hindi niya ako tiningnan. Yumuko ako sa kaniya para mapantayan ang tangkad at hinarap sa'kin.

Nanunubig na ang gilid ng mga mata ng anak ko. Nagsisimula na rin mamula ang ilong at labi. Kahit ako ay nadala na. “Sshh," pagtatahan ko. Inalo ko na rin ang balikat n'ya. “I'm not sad because of your papa okay?"

“But you look like.” nahihirapang aniya. “Kasalanan ko po kasi pinipilit kong makita si papa.” malungkot na yumuko ito. “Naiinggit lang po ako kay ate Muriel kasi s'ya may papa Mito at mama Helda. Bakit po ako may mama pero 'alang papa?” tuluyang bumagsak ang luha sa kaniyang pisngi. “Tapos sabi niyo mga fairytale lang ang kwenekwento, sabi ni Muriel ang mga fairytale ay hindi totoo. Ibig sabihin si papa hindi totoo kasi kwenekwento niyo lang sa'kin."

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon