CHAPTER 25
He didn't care anymoreDON'T LET someone ruin your life, everything that happened will going to be fine just face it and be strong to fight for it. Everything will be okay.
Huwag rin hayaan na lamunin ka ng lungkot sa lahat ng nangyari sa buhay mo. Maging matatag sa lahat ng bagay.
I'm not perfect. As a person, as a woman and also as a mother. Ilang beses akong nalugmok, ilang beses na sumuko, at ilang beses na nadapa. Mahina akong tao but here I am, still fighting for my daughter.
Hindi madali pero masarap sa pakiramdam kapag mahal mo ang inaalagaan. Ilang beses pa akong sinubukan ng problema lalo na sa anak ko. Lagi akong sawi at lumalaban.
Hindi man eksperto sa pag-aalaga ay masaya naman ako na natutulungan ako nila Thrina at Janine. Pati na rin ni Rey. Sa tuwing pagod ako ay sila ang nag-aalaga kay Rhaenyra. Sa loob ng apat na taon ganon ang naging takbo ng buhay ko.
Lumago ang maliit na flower shop na kahit wala sa plano ay nakapagpatayo pa kami ni Thrina ng ibang pang branch.
Doon umiikot lahat ng oras ko na hindi napansin naagawan na para sa anak ko.
"Alis na po ulit kami mama la at papa lo." mala angel na boses nito.
Masaya ako habang pinagmamasdan ang anak ko. Siya ngayon ang dahilan bakit ako narito. She's the reason for everything I had. Minsan man s'ya magtampo alam ko kasalanan ko. For me, she's the best daughter in the universe. Wala man akong panahon sa kaniya ay nagawa niya pa ring intindihin ako.
Parehong baby dress ang suot namin. Pinatahi pa namin ito kay Aling Suling. Kulay kahil at may bulaklak sa kanang balikat. Simple lang ang pagkakadesinyo pero gustong gusto ng anak ko.
"Next time we will go back here. Gusto ko kasama ko na si papa."
Doon unti-unting nawala ang ngiti ko. Malaya akong napabuntong hininga at pinisil ang maliit na kamay ni Rhaenyra.
Kailanman hindi ko pinagkait na sabihin sa anak ko ang tungkol sa kaniyang ama. Pero kailanman hindi ko narinig na hinanap niya ito. Ngayon pa lang.
Hindi pa ako handa na harapin kung ano man ang mga nakaraan ko noon.
"Right mama?" bumaling s'ya sa akin.
Ngumiti na lang ako, hindi ko alam kung anong dapat na sabihin sa kaniya.
Every weekend dinadalaw namin ni Rhaenyra ang puntod ni mama at daddy. Simula ng matuto s'yang maglakad at maintindihan ang sitwasyon na meron ako. Kahit sa mababaw na paraan ay unti-unti kong pinaliwanag sa kan'ya lahat.
"Next time right, I want to see him na po mama." she pouted and sighed falsely.
'I'm still not ready for that baby.' I want to say but my mouth keeps silent.
"Say goodbye to mama la and papa lo na." Iyon na lamang ang nasagot ko.
She sighed again but this time, she tried to smile.
"Okay, po." Then she turned her face in front of us. "As I've said, goodbye na po. Sayang po hindi niyo makikita sa tita ganda and ate ganda. They're leaving."
Si Thrina at Janine ang tinutukoy nito. Mabuti pa sila, haharap na. Ako kailan kaya?
Magkawahak kamay naming nilakad ni Rhaenyra ang second hand na sasakyan nakaparada sa isang gilid. Napansin ko ang bigla niyang pananahimik.
Kanina ang sigla-sigla niya habang inaayusan ng ate Janine niya.
Pero alam ko, hindi ako matitiis ng anak ko. At tama nga.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomanceHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...