CHAPTER 10-TANGGAP

1.1K 64 16
                                    

CHAPTER 10
Tanggap

NAGING MALAMIG ang pakikitungo namin sa isa't-isa sa mga lumipas na buwan. Ginawa nga n'ya ang sinabi kong walang pakialamanan. Although he tried to approach me but I always avoided him. Hindi dahil galit pa rin ako sa kan'ya sa ginawa n'ya but because of the anger, I feel every time he comes home late. Hindi ko naman s'ya matanong kung saan s'ya lagi pero panigurado nasa lalaki niya at nagpapakasarap. Lagi naman.

Hindi na rin naulit pa ang pagpunta ng mga kaibigan n'ya. Hindi ko alam kung saan na sila tumatambay ngayon.

Sinubukan ko na ring umuwi samin pero ang ending sinusundo ako ni Kitch. At kailanman hindi s'ya nagtanong kung bakit. Mula no'n madalas na s'yang gabihin umuwi at sa sala na rin s'ya natutulog. Minsan naaawa ako pero kapag naiisip ko na gabi s'ya umuwi at isiping may kasamang lalaki ay umuusbong agad ang galit ko sa kan'ya.

"Ms Novcio, can I speak with you?" Tanong sa'kin ng accounting professor namin. Kinabahan naman ako dahil baka sa grade ko na naman ito. But next month pa naman ang exam namin.

Tapos na ang time namin sa kaniya kaya halong kaba at pagtataka ang nararamdaman ko. Kabado akong sumunod hanggang sa makarating kami sa labas ng room.

Humarap s'ya sa'kin at inayos ang kaniyang salamin. She's wearing a pink dress up. May edad na siya ngunit maganda parin ang pangangatawan.

"Sorry for taking some of your time Ms. Novcio, I'm just worried about Ms. Villas grade. She's absent for more than two weeks. I want to ask if you know what's happening to her. She's your friend, right?"

Sa tanong ng professor, muling sumagi sa isip ko si Thrina. Magtatatlong linggo na nga s'yang hindi pumapasok.

I sighed, "Yes ma'am, she's my friend and I'm sorry but hindi ko po alam ang nangyayari sa kan'ya pero kakausapin ko po."

"Okay good. Sayang ang scholarship n'ya kung sakali. Matataas pa naman ang grado n'ya sa'kin."

Tumango lang ako at maya-maya lang ay nagpaalam na sa'kin ito.

Isang subject nalang ako for today so maybe pupunta ako kung saan s'ya nakatira. Kinuha ko ang phone at nagsimulang i-dial ang numero ni Thrina pero out of reached ito.

Abala ako sa kakatawag kay Thrina habang tinatahak ang koridor nang may sumulpot sa harap ko.

"Hey babe."

"Hi," sagot ko na 'di na tumingin sa kaniya.

"Bar later?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya, never niya akong niyaya mula ng maging kami. Yes, we're in a relationship. Kitch knows about us. Lagi akong hatid sundo ni Nic sa condo. But Nic didn't know about Kitch and I relationship.

Hindi ko alam kung kailan ko siya sinagot, wala sa isip ko ang magtanda sa mga bagay bagay.

"Nic, I'll go to my friend after the class and siguro gagabihin ako kaya hindi siguro ako makakasama."

Bigla agad na nagbago ang mukha ni Nic, hindi malaman kung galit at nagtitimpi o disappointed. Pero ng makitang nakatitig ako sa kaniya ay pilit s'yang ngumiti. "Then...next time babe."

Ngumiti ako pabalik at tumango. Hinatid niya ako sa pinakahuling klase ko.

Mabilis namang natapos ang klase at ilang beses ko nang sinubukang tawagan si Thrina pero hindi ko pa rin makontak.

Kaya naman nang makalabas ng unibersidad ay agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng tita ni Thrina kung saan s'ya nakatira. Ilang ulit akong nag-text hanggang sa hindi ko na nagawang magtext kay Kitch para magpaalam. Nagsisimula na rin kasing dumilim ang kalangitan at mukhang uulan.

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon