CHAPTER 38
Five minutes"BABALIK KA, 'di ba ma?" Nakangiti man ang mukha nito ay naroon sa boses ang paghihinayang na aalis ako. I need to go, ilang araw lang naman akong mawawala.
"Just give me two days baby, mama will come home."
Nakanguso nalang at pilit na tumango ang anak ko habang yakap ang hello kitty nito.
"Nanay Narda, sige 'ho, kayo na munang bahala kay Rhaenyra." Mahinahon kong anas kay aling Narda habang katabi ang anak ko sa pinto ng bahay at nakapatong ang kamay sa balikat ng anak ko.
"Huwag kang mag-alala, akong bahala sa kaniya." Nakangiting sagot sa akin.
Tinulungan ako ni Kitch na isakay ang maliit na maleta sa likod ng sasakyan, pati ang maliit na bag ni Getyro. Gusto ko siyang ipakilala kay daddy kaya sinama ko siya. Kahit doon man lang ang makilala niya ni Get si daddy.
Ihahatid kami ni Kitch sa Airport. Kahit ramdam ko ang pananahimik niya ay pinasa walang bahala ko nalang ito. Kailangan ko naman talagang umalis para asikasuhin ang negosyo ko sa Davao. Hindi ko naman kayang iwan ang anak ko kung hindi lang kailangan. At alam kong nasa maayos siyang kalagayan lalo na't kasama ang ama.
Nang sinabi kong aalis ako patungong Davao ay walang akong nakuhang sagot mula sa kaniya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin hanggang sa makapasok na siya ng driver seat. Sumunod naman ako sa front seat. Sa loob nalang namin hihintayin si Getyro. Bumaba kami kanina na nag-aayos pa s'ya sa kaniyang sarili.
Nang makapasok sa sasakyan ay sinilip ko sa bintana ang anak ko, wala na ito doon kahit si aling Narda, siguro pumasok na sa loob.
Tahimik akong napaayos ng upo habang pasilip-silip kay Kitch na hindi pa rin ako pinapansin. Nakahawak ang isang kamay sa manibela at isang kamay naman ay nakapatong sa bintana habang dinadampi-dampian ang ibabang labi ng kaniyang mahabang hintuturo.
Nakasuot lang siyang ng printed T-shirt at black shorts. Pansin ko rin ang hibla ng kaniyang buhok na nililipad ng hangin at kung minsan at tumatama sa kaniyang kanang mata.
"What's wrong?" Hindi ko napigilang maitanong. Kanina pa talaga siya tahimik.
Saglit lang niya akong nilingon at muling itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan.
"Babalik naman ako e'."
"I know." mahina niyang sagot.
"So, bakit hindi mo ko pinapansin?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Dahil pupunta ka sa kabit mo."
Napakagat labi ako para mapigilan ang ngiti sa labi. Inilapit ko pa mukha ko sa kaniya para makita kung nagbibiro ba s'ya ngunit nawala ang ngisi ko at napalitan ng pagkakunot ng noo ng makitang namumula ang mata niya at may luha sa gilid nito.
"Hey," pinilit kong umangat at pumatong sa kaniya. Sana lang hindi kami maabutan ni Get na ganito ang pustura. "Baby," hinawakan ko ang malapad niyang panga. "I told you, may asawa na si Rey. At kaibigan ko lang s'ya."
"Kaya nga may kabit 'di ba kasi may asawa na siya." Inilayo niya mukha sakin at yumuko. "Natatakot na akong iwan mo." garalgal ang boses nito.
Doon muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni aling Narda sa akin. Tungkol sa nangyari sa kaniya habang wala ako.
"Wala ka bang tiwala sa'kin?"
Mabilis ang naging kilos niya at tinitigan ako sa mga mata, ang luha na nasa gilid lamang kanina ng kaniyang mata ay kumalat na sa kaniyang pisngi. Pula na kaniyang pisngi at tenga.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomansaHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...