CHAPTER 27-MERZIA BROOK

1K 54 2
                                    

CHAPTER 27
Merzia Brook

ANG HINILING ko lang naman ang maging ayos ako, pero hindi ko alam na ganito palang ang mangyayari sa taong mahal ko.

The tone of his voice was frightening. In his eyes, it was as if I am nothing to him. Hindi ko na nakikita roon ang kislap ng mga mata niya sa tuwing nakikita ako, hindi ko na nakikita ang matamis niyang ngiti sa tuwing kaharap niya ako. Pero ang puso ko, 'eto tumitibok pa rin ng todo sa kan'ya.

"Long time no see Hammelyne Novcio. I came here to get what's mine, I will get everything and no one can stop me even you. Nagtago ka nang mahabang taon, sana naman may karapatan ako sa anak ko."

Anak natin Kitch, anak natin.

Hindi ako makasagot. Bawat salitang binibitawan niya ay tagos sa puso ko.

"Mama, sabi niya po papa ko s'ya. Pero sa kwento n'yo po sa'kin. Sabi niyo isa s'yang napakabait na prinsipe, but look at his face... It's scary."

Walang pasabi akong lumuhod sa anak ko. Kita sa gilid ng mga mata ko ang paglukot ng mukha ni Kitch sa narinig. Naikuyom rin ang kamao nito habang ang isa ay itinakip sa kaniyang bibig.

"Baby look at me. Ahmm..." kaba lang ang bumabalot sa buong sistema ko. Hindi ko alam pa'no ko ipapaliwanag. Ang puso ko ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok.

"Yeah I've said that he was a kind of prince and..."

"A gay." Tuloy ng anak ko.

Muli akong napalingon sa gawi ni Kitch. Ngayon ay nakayuko na ito at namumula ang tenga. Ilang beses kong nakita ang pag-angat ng kaniyang balikat.

Tumango lang ako at muling tumingin sa anak ko. I touched her face, ilang beses akong lumunok at nagpakawala ng buntong hininga. "Yes, but for now mama can't explain to you but... he's your father." Piyok kong sabi sa anak ko.

Para akong nauubusan ng hininga ng makita ko ang unti-unting pagbabago ng mukha n'ya. Nanunubig na rin ang luha nito sa mata.

"So... he was saying the truth?" Nakangusong umiiyak ang anak ko.

Wala akong nakuhang sagot kaya tanging tango lang ang ginawa ko.

"May papa na ako?" Muli niyang tanong na ikinatango ko lang.

"Papa!"

Mas lalong lumakas ang iyak ko ng patakbong lumapit ito kay Kitch na agad naman sinalubong ng ama ng yakap.

"I'm sorry po papa!"

"No, I'm sorry anak kasi late ng dating si papa. I'm sorry, I'm sorry."

Tulad ko ay umiiyak rin si Kitch habang mahigpit na niyayakap si Rhaenyra.

"May papa na ako. Papa please, 'wag mo na po ulit kaming iiwan. I'm sorry if mama left you, she was brokenhearted that time that's why. Please don't be mad at her because I love mama and I don't want someone to hurt her or be mad at her. She protected me while you were not at my side. She always tells me about you so she can fulfil your presence. I'm really sorry if we left you, papa." Mahabang lintanya ng anak ko na mas lalong kinadurog ng puso ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. "She told me about you, everything about you. Para daw kahit hindi kita kasama kilala ko po kayo. Hinihintay ko lang po na maging okay s'ya saka kami babalik sayo."

Tahimik na nakikinig, lumuluha si Kitch habang pinapakinggan ang mga salitang binitawan ng anak namin. Gano'n rin ako. Parang napirapiraso ang puso ko.

Hindi dapat sana ganito kung inisip ko ang mararamdaman niya.

"I will never leave you again. I'm sorry if papa's late. We will go home." mahinang bulong nito kay Rhaenyra pero sapat na 'yon para mahinto ang sistema ko.

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon