CHAPTER 23
Brook"I'M SORRY?" he asked me confused. Lukot na lukot ang noo nito habang inaayos ang pagkakasabit ng backpack sa kaniyang balikat.
Napaisip naman ako sa sinabi ko, "Ha?"
"Ha?" panggagaya nito.
Sa halip na sumagot ay hindi ko nalang ito pinansin. Siguro dahil nahiya ako sa nabitiwan kong mga salita.
"Are you okay?" he asked me again.
Sobrang putla ko ba talaga?
"Ayos naman ako." Hindi makatinging sagot.
"And your baby too?"
Doon na ako napabaling sa kaniya, "How did you know I'm pregnant?"
"I told you, I'm a nurse and you look like one."
I pouted at him, kung hindi lang s'ya g'wapo baka isipin kong stalker ko s'ya. Pakiramdam ko, sobrang g'wapo niya talaga. Hindi ko alam na may ganito pala kagwapo sa Davao. O dahil buntis lang ako. Kahit ang asawa ni ate Helda, tingin ko g'wapo rin. Posible kayang gano'n?
"I'm Ham by the way."
"Hi burge," kinaway nito sa'kin ang kaliwang kamay. Then he smiled at me.
Kumunot bahagya ang noo ko. Ham ang sinabi ko pero burge ang tinawag sa'kin. Hindi ko alam kung sinadya iyon o hindi narinig ang sinabi ko. Tulala nalang akong pinagmasdan ang maganda niyang mukha.
Ang ganda nang kurba ng kilay nito, ang tangos ng ilong, hugis ng nagkikislapang mata, tapos moreno at ang ganda ng pangangatawan.
'mukhang may tipo na agad ang baby ko ha.'
Alam ko naman kasing hindi ako ganito, except for Kitch because he's not one of them for me. Para sa'kin kahit hindi maligo ng isang taon ang ama ng baby ko, g'wapo pa rin ito sa paningin ko.
Nagpakawala ako ng buntong hininga, how could I rest every time I'll think of him.
Mabilis na nanubig ang mga mata ko, hindi pa nga nag-iisang araw na mi-miss ko na ang baklang 'yon. I want to go home, but I need this, my baby needs this.
'magtitiis si mama para sa'yo,'
Sa pag-iisip hindi ko alam na nakauwi na ako. Hindi ko na rin napansin ang lalaki.
While I'm lying on my small bed inside the room I can't control but think of him. Kung ayos ba s'ya, masaya ba s'ya, kumakain ba s'ya, o kung nasa condo ba s'ya. Anong ginagawa niya. O kung hinahanap niya ba ako.
Hindi ako galit, at hindi ako magagalit. Kailangan ko lang mag-ingat para sa baby ko. Babalik din ako, at kukunin ko ang sa'kin. Ang akin, akin lamang.
I still love him despite everything that happened. Gusto ko lang na malayo sa mundo kung saan nawasak ako. Gusto kong makasama ang anak ko. Ayokong mawalan ulit, ayokong maging kampante ulit because if I lose someone important again, I don't know if I can still fight for a living.
Humihikbi akong napahawak sa tiyan ko. "Kapit ka lang baby ha, huwag mo iiwan si mama. Hindi ko talaga kakayanin. Mamahalin at aalagaan kita. Just be with me baby, I would do everything for you."
Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak. Nagising ako na halos mataas na ang araw. As usual, nahilo ako at nasuka. Mabuti nalang ay malapit lang ang banyo sa kwarto ko kaya mabilis ko itong natakbo.
Hindi naging madali ang lahat, pero kinakaya ko. Sanay akong may kasama at gumagabay, pero ngayon nahihirapan ako.
Hinihiling ko lang, na sana tama ang naging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomansaHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...