CHAPTER 36
Wagas"SALAMAT HAM."
Ngumiti lang ako at tumango, they deserved it. Sila na ang humawak ng restaurant sa loob ng halos limang taon, kaya nararapat lang na ipagkatiwala ko na sa kanila.
Kung tutuusin nabawi ko na ang naging capital ko at tumubo pa ng malaki. But it is just money, mas mahalaga pa rin sa buhay ng tao ang taong nagpapahalaga sa halaga mo.
Kung hindi dahil kay Merian at sa asawa niyang si Kev, hindi lalago ang restaurant na ito. At nakakatuwang malaman na may plano na agad silang magpatayo ng ibang branch sa ibang locale.
Tuluyan ko ng ipinasa lahat ng document sa restaurant ko sa kamay ni Merian and her husband, I know they can handle it very well.
"No need to thank me, you both deserved it. Alam kong nagsakripis'yo rin kayo para mapanatiling maayos ang restaurant na ito."
"Kahit na, salamat pa rin." Merian gives me a warm hug. I just hugged her back. Dama ko ang panginginig niya dulot ng kaniyang pag-iyak sa tuwa.
"Malaking tulong sa amin ito Ham, makakatulong na rin ako sa nanay at kapatid ko, maraming maraming salamat talaga!" walang tigil na pasasalamat niya. Hindi lang siya naging trabahadora ko kundi naging malapit ko na rin na kaibigan. Hindi siya mahirap pakisamahan at mabait rin siyang katrabaho.
Nasabi na niya noon sa akin ang tungkol sa nanay at kapatid niya na hirap niyang tinutulungan kaya alam kong malaking bagay na ito sa kanila.
At tungkol naman sa flower shop ko, mamaya susubukan kong kausapin si Kitch tungkol doon. Ilang beses na rin akong tinawagan ni Carol ukol sa pagbaba ng kita sa loob ng isang buwan. Siguro oras na rin na asikasuhin ko iyon.
Masaya kong iniabot sa kanila ang document na labis na ikinatangis ni Merian, kahit ang mga tao sa loob ng restaurant ay tuwang-tuwa at umiiyak sa tuwa.
"Sana all may gan'yang amo, ako kasi amo ko unuutangan pa ako." Rinig ko sa isa sa mga customer ng restaurant.
"May mga amo talagang ganiyan, yung anak ko nga nakapagtapos dahil sa scholarship na ibinigay ng amo ko sa'kin."
"Nako, hanap muna ako trabaho bago amo."
"Sana all talaga, may mga amo kasi na sadista at kahit bonus pinagkakait pa, bihira nalang ang may among ganiyan. Restaurant pinamigay, nako hindi ko talaga tatanggihan yan."
Lihim nalang ang tuwa ko sa mga komento nila, pero kahit hindi ko marinig ang mga iyon ay masaya pa rin ako.
Hindi na ako nagtagal pa sa restaurant at sumakay na sa sasakyang pinahiram sa akin ni Kitch. Maaga s'ya kanina umalis para raw sa trabaho pero hindi naman masyadong pormal ang kaniyang suot pero hindi na ako nangulikot pa.
Halos magkalahating oras rin ang byahe ko mula restaurant at sa bagong bahay ni Thrina kasama ang asawa niya at si Janine.
Hindi na rin kagulat-gulat kung mala palasyong bahay ang maaabutan ko. "Magmahal ka ba naman ng Brook, reyna ka sa umaga, heaven ka sa gabi." I smirked. Walang sinuman ang hindi ma-i-inlove sa dugong Brook.
Lahat sila g'wapo at masipag, may mga sariling pangarap na walang sino man ang hahayaang makahadlang. Hindi lang pagmamahal ipaparamdam sayo, kaya ka rin nilang paligayahin sa ibang paraan kahit ibang gamit sa pagpapaligaya.
Hindi sila mahirap mahalin dahil kusa mo silang mamahalin hindi dahil sa angking kakisigan ngunit sa kanilang katigasan at kabutihang puso.
Kaya mahal ko ang pangalan Renekitch Raz Brook a.k.a mahilig mambitin.
Habang naglalakad ay naalala ko bigla si Thairro, naging nurse siya sa Davao pero isang beses ko lang siya nakita roon. Siguro dahil nagpa-America sila para sa anak niya.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomanceHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...