CHAPTER 7
KittyILANG MINUTO na ang lumipas simula ng mawala ang tawag but my mind is still shocked. Yes, I know that Raz is gay and I already saw him with some guy.
Pero ang marinig na may kasama siyang ibang lalaki ngayon at tabi matulog ay parang ang hirap tanggapin. Hindi naman ako tutol sa LGBT pero...
"Ayssh...akala ko naman nagalit siya kanina sa nangyari pero mukhang hindi. Papakasarap pa ata ang bakla. Hindi nagshare."
Padabog akong nahiga sa kama at natulog nalang. Hindi ikakaila na nasaktan ako roon. Sinong bang hindi? Bakla talaga siya. Wala manlang feelings.
Humanda siya sakin.
Isang linggo ang lumipas ng sadya ko siyang iwasan. Kahit madalas ay nalalaman kung nasa bahay siya ay iniiwasan ko na magtagpo ang landas naming dalawa. I don't know pero gusto ko lang iwasan siya. Simula ng marinig ko ang boses ng kasama niya ay may kirot sa puso ko. Siguro normal lang dahil fiancé ko naman siya.
"Mommy I want to leave here. Kahit sa bahay nalang ako." Ilang beses na akong nakiusap kay mommy tungkol dito but nothing change. Kahit sa hotel o saan basta ayoko na dito.
Pangalawang linggo na simula ang nangyaring tawagan. Bagot na ako dito sa bahay. Laging si Kella ang kasama ko.
"Anak pa'no mo makikilala si Raz kung hindi ka mapapalapit sa kaniya?" tanong ni mommy mula sa kabilang linya.
"Mom, I don't want to know him. And please, talk to Dad to stop this because I didn't want to be engaged anymore!"
"What are you talking about? We're already talked about that."
'dahil bakla siya.' I want to say but I know I can't. "Because I want." bagkus na sagot ko. I know Raz want this too. May be he's scared of his dad so I will do it for him. This is for us.
I sighed.
Natapos ang tawag na hindi maayos.
Nasa balkonahe ako ng bahay nila Raz kaya naman nakikita ko ang labas ng bahay nila. Tahimik at masimoy ang hangin. Mga naglalakihang bahay na tanging mayayaman ang may-ari.
Bigla akong napatanong sa sarili ko. Kapag mayaman ba kailangan rin na mayaman ang mapapangasawa? Pa'no naman ang nararamdaman? Mababalewala nalang para lang sa kayamanan?
Kung gano'n lang, dapat hindi ko pairalin ang nararamdaman.
"So..."
Napakunot ang noo ko ng may magsalita mula sa aking likuran. Malambot ang boses 'yon kaya alam ko na agad kung sino.
Wala si tita at tito rito kaya kampante ako kanina na mag-isa hindi ko alam na pupunta pala siya.
Dahan-dahan ko siyang hinarap at pinigilang hindi siya titigan sa mukha. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano, pero hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko ang narinig ko.
"What are you doing here?"
"This is my house?" taray niyang tanong pabalik. May hawak siyang baso na may lamang alak at pakinding na lumapit sa akin.
Kung tutuusin hindi naman siya masyadong bakla. Pero hindi naman maipagkakaila sa mga kilos niya na bakla siya. Lalaking lalaki pa rin ang suotan niya. Ang kilos niya lang talaga ang nagpapakita kung sino siya.
Nang makalapit siya sa akin ng tuluyan ay hindi ko na maiwasang sulyapan ang makinis niyang mukha.
Lamang na lamang talaga ito sa akin ng isang ligo.
"Girl...I'm sorry if you feel that way." panimula niya.
Napalunok nalang ako at hinintay ang susunod pang sasabihin.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomanceHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...