CHAPTER 13
MADAMING SALITA ang lumalabas sa bibig nito ngunit ni isa roon ay wala akong naintindihan. Para siyang bubuyog na naghahanap ng honey.
'At ako ang honey n'ya' sabat ng utak ko.
Ipinalig ko ang ulo ko para walain ang naisip ko. I know I feel something about him and also I know that we can't. Pareho ang gusto naming kasarian kaya malabo. Naisip ko man s'yang gawing tunay ngunit mukhang malabo.
Nang tanungin ko s'ya kahapon ay may parte sa puso ko na sana masabi niya ang ninanais ng puso ko ngunit nagkamali ako.
Kailanman hindi naging malikot ang puso ko sa isang lalaki. Pero hindi ko inaakala na magiging ganito sa isa pang bakla. Ramdam ko naman na hindi pa ito malala kaya siguro p'wede pa. P'wede pang pigilan at baguhin.
Matapos ko siyang punasan at palitan ng damit ay kinumutan ko s'ya. Hindi ko mapigilan na titigan ang maamo niyang mukha habang nakapikit ang mga mata at litaw ang mahahaba nitong pilik mata. Pakibot-kibot ang mapupula nitong labi. Parang kay sarap niyong hagkan.
May nakahalik na sa'kin pero isiping ang mga labi ni Kitch ang nakadampi mukhang ang sarap. Hindi ko namalayang labi nalang n'ya ang tinititigan ko.
"Halikan kaya kita?" walang pigil hiningang saad ko habang titig na titig sa kaniyang mga labi na inaakit ako.
"Then do it."
Nagulat ako at napatitig sa mga mata ni Kitch na ngayon ay dilat na. Pumupungay ang mata nito dahil sa alak. Pero imbes na bawas pogi ay nagmukha itong kaakit-akit.
"S-sorry." mabilis akong lumayo ngunit mabilis niyang nahila ang kanang kamay ko. Sabay ng pagpatong ng katawan sa makisig nitong dibdib ay ang malakas na pintig ng puso ko.
Hirap akong mapalunok at pigil hininga ng ilang layo nalang ay magdadampi na ang aming mga labi.
Mapupungay ang mga mata nito habang titig na titig na rin sa labi ko tulad ko sa labi niya.
Nang unti-unting lumapit ang mukha niya ay hindi na ako makapag-isip ng matino. Hindi ko alam ang gagawin, if I will let him kiss me or not, but my mind wants it too. And it was too late to avoid it because he did it already. Nakadampi na ang labi niya sa labi ko.
Nanghina bigla ang kalahati ng katawan ko at napahawak na lamang ako sa kan'yang dibdib. Mula doon, dama ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
'I like you' bilang usal ng utak ko. I'm starting to like you.
Isang halik niya ang nagpagising sa'kin, mababaliw na ata ako.
When he started to move his lips, I close my eyes tightly. My mind wants to respond to his kisses but my body has no strength to kiss him back.
Nakapikit lang ako habang dinadama ang malikot niyang labi na hinahalikan ang labi ko. Namalayan ko nalang na nasa magkabilang side na ang pareho kong hita sa mga gilid ng bewang niya. Eksperto s'yang gumalaw at talagang nakakawala ng lakas.
He moves his lips slowly and full of respect. Sa halik niya hindi ko ramdam na kinakapos na ako ng hininga.
Mabagal at nakakabitin ang bawat kilos ng labi nito. Malambot at mainit na nagdudulot ng pagkainit ng buong katawan ko.
Nakakahibang ang halik n'ya at parang ayoko ng matapos pa. Damang dama ko ang bawat kilos niyon.
Nang sumubok na humalik pabalik sa kan'ya ay saka s'ya tumigil at lumayo. Iminulat ko ang aking mga mata at gano'n nalang ang pagkadismaya ko ng makitang tulog na tulog na. Nakaawang ng bahayag ang namulang labi dahil sa halik.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomanceHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...