CHAPTER 8-BATUTA

1.4K 62 10
                                    

CHAPTER 8
Batuta

“So...may condo ka na?” Thrina asked.

Nandito na kami ngayon sa isang pamilihan ng school supply sa loob ng mall.

“Y-yes...” utal na sagot ko. Hindi ko magawang titigan siya. Nagkunwari akong inabot ang isang istabelo at kinulikot at mangha sa kulay. Lihim akong napapabuntong hininga sa ginagawa ko.

“Ba't ka namumula?”

“H-hah?” bilis na lingon ko sa kaniya at hinawakan ang mukha. “H-hindi ha.” hindi ulit makatingin sa kan'ya.

“Nauutal ka pa.”

Kabog ng dibdib ko ang tanging narinig ko. Bakit ko ba ito nararamdaman, ano naman kung alam niya? Pero...

“N-nothing...ang gandang kulay 'no?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Hmm...” sagot na lamang niya.

Hindi na siya nagtanong pa ulit. We continued to purchase our belongings hanggang sa makaramdam kami ng gutom. Isang restaurant ang napili naming kainan.

“Good evening ma'am enjoy your food.” bati sa amin ng waitress nang ma-serve ang pagkain. Babatiin ko na sana s'ya pabalik ng maunahan na ako ni Erythrina.

“Salamat.”

“Ikaw... how's your summer vacation?” I asked Thrina while preparing a fork and spoon. Wala narin ang waitress kaya malaya ko na siyang nakakausap.

Malaki ang restaurant, madaming taong nasa kaniyang kaniyang table at masaya kasama ang kanila mga kasamahan na kumain. Masasarap nga naman ang menu dito kaya dinadayo.

Nakabukas na ang dilaw na ilaw sa bawat gilid ng salamin ng restaurant, oras na rin kasi ng gabi.

Nagkibit balikat lang siya. “Busy, nakapasok na ako sa isang coffee shop. Malapit lang rin sa UP.”

Inubos ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako magsalita. “Wow, congrats.”

Tipid lang siyang ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain.

Nagsisimula na ring dumilim kaya siguro, dinner na din namin ito.

We didn't talk that much. Nang matapos kumain ay saglit kaming namahinga at muling nagpatuloy sa pamimili. Tanging mga importanteng gamit lang ang nabili namin.

Nagtitipid si Thrina kaya naman kakaunti lang ang nabili niya unlike mine na umabot ng tatlong libo. Kulang pa nga 'yon kung tutuusin, sumubok naman akong magbigay kay Thrina but nothing happened, she didn't accept it. Dati pa naman s'yang gan'yan 'di pa ako nasanay.

Nang matapos sa pamimili ay umuwi rin kami. Naghiwalay lang kami sa sakayan ng jeep.

Malamig ang simoy ng hangin sa labas at nagsisimula na ring mamasa-masa ang kalsada dulot ng ambon mula sa kalangitan. Nagawa ko pang tumingala sa papadilim ng langit, makapal at madilim ang ulap. Sigurado uulan ng malakas.

Bago pa man bumagsak ang patak ng ulan ay pumara na ako ng taxi pauwi. I want to go home...our home but I know Mom. She'll not going to get me in. Tatawag at tatawagan nito si Kitch para sunduin ako. Ayoko naman maistorbo ang baklang 'yon dahil busy siya. Busy s'ya sa sinumang impaktong kausap niya sa phone ng umalis ako kanina. At hindi manlang ako pinansin.

Minuto lang ang lumipas ng marating namin ang destinasyon. Papalakas na ang ambon nang makababa ako ng taxi.

“Gusto niyo po ma'am ihatid ko na kayo? Mukhang madami-dami ho ang dala niyo.” bakasakaling saad ng taxi driver. Maganda naman ang offer n'ya at mukha naman siyang pagkakatiwalaan pero kaya ko naman.

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon