CHAPTER 40- WAKAS

1.3K 55 3
                                    

CHAPTER 40
Wakas

"GET, sorry ha."

Umiling s'ya, "N-Naiintindihan ko p-po, h-huwag n-na k-kayo u-umiyak."

Nasa Maynila na kami ngunit ang nararamdaman ko hindi pa rin naghihilom.

Matapos ang nangyari ay agad akong nag-book ng flight pauwi. Nagulat pa sakin si Kitch ng bumungad kami sa bahay. Labis ang takot ko sa nangyari. Pakiramdam ko, ako lagi ang may mali.

"You need to rest, baby."

"Si Rhaenyra?" Halata sa boses ko ang pagod.

"Tulog na siya."

Tumango naman ako at dumeretso ng banyo para maligo. Pakiramdam ko pagod na pagod ako at naglakad ng ilang milyang layo.

Nagbabad ako sa shower. Hindi ko ramdam ang lamig ng tubig na dumadaloy sa hubo't hubad kong katawan.

Ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga bago mariin na pinikit ang mga mata, ngunit agad ding itong namulat ng may maramdamang kung anong tumutusok sa likod ko na matigas na bagay. Nang lingunin ko ay doon ko lamang nakita si Kitch na hubo't hubad rin tulad ko. Hindi ko manlang siya napansin dahil sa inisip ko.

Lumantad ang maganda niyang katawan at pandesal niyang natatamaan ng tubig.

"Gusto mo dilig? Lanta ka ata." Nagawa niya pang biruin ako.

Pagod ako umirap sa kaniya. "Pagod ako." Walang kabuhay-buhay na sabi ko.

"Tutuwad ka lang naman." Biro niya na may kasamang tawa.

"Kitch naman..." Hindi ko napigilang mapatingin sa baba niya at handa na nga talaga ito. Agad naman akong pinamulahan at nakaramdam ng init ng katawan. "Bilisan mo ha." Agad na hirit ko at napahawak na sa tiles ng pader. Ilang minuto akong naghintay ngunit wala akong maramdaman na kung ano. Para akong tanga nakatuwad at naghihintay na subuan.

Inis akong napatingin kay Kitch na ngayon ay nagpipigil na talaga ng tawa habang titig na titig sa pustura ko.

"Akala ko ba pagod ka?"

"Fvck you Kitch!"

Doon lang inilabas ni Kitch ang pigil niyang tawa. Hinawakan niya ako sa bewang at hinarap sa kaniya. Habang malakas ang tawa niya ay sinubsob niya ang mukha niya sa pagitan ng dibdib ko.

"You're so sexy baby."

"Tsk, umalis ka. Maliligo ako." Gawain niya talaga mangyaya pero siya din ang aayaw.

Umiling siya habang nasa dibdib ko pa rin ang mukha niya kaya naalog ng kaunti. "Sabay na tayo. Pagod rin ako kakalaro sa anak natin."

Hinayaan ko siya sa gusto niya. Siya na rin ang nagpaligo sa'kin at nagsabon ng katawan ko.

Hindi naging madali ang mga araw na lumipas simula ng umuwi kami galing Davao. I told Kitch about what I felt. Nagpatingin na rin kami sa doctor at sabi stress daw ako at kailangan ng ilang araw na pahinga.

Itinuon ko lahat ng pahinga ko kay Thrina, dahil doon kahit papano ay naging maayos ang pakiramdam ko gano'n rin si Thrina. Hindi man tulad ng dati ay alam kong paunti-unti na siyang nagiging maayos.

"Janine, kumusta ang pag-aaral?" Tanong ko kay Janine matapos makitang iniligpit ang laptop na gamit niya para sa research nila.

"Ayos naman po ate Ham, mahirap pero kinakaya." matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Mabuti, si Thrina?" Tanong ko ulit ngunit ang mata ko ay nasa hagdanan na. Alam ko naman kasi kung nasan siya ngayon.

"Sa k'warto po, tapos na siya mag-almusal. Saka umalis saglit si kuya Thairro kasama si Vanessa."

BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon