CHAPTER 31
Blind"MAMA, BAKIT po minsan ko nalang makasama at makita si papa?" Tanong sa'kin ng anak ko isang araw. Siguro pati s'ya ay napapansin iyon.
I sighed and continue to comb her hair. Napapansin ko nga rin iyon. Sa isang linggo, dalawang beses ko nalang siya mamataan. I've tried to talk to him but he always ignores me nothing. Ilang beses ko nang naisip na sundan siya kung sa'n siya pumupunta. Pero lagi ako pinangungunahan ng kaba. Ngayon hindi ko alam ang isasagot ko sa anak ko.
"May be he was just busy baby." Tumingin ako sa harap ng salamin at doon ko nakita ang kaniyang pagnguso.
Katatapos niyang lang kasi maligo at binihisan at inayos ko ang kaniyang buhok sa harap ng salamin.
"Try to talk to him, mama. I want to be with him the whole day."
Palihim akong bumuntong hininga at tumango na lamang. Pero ang totoo, hindi ko alam ang gagawing pakiusap sa kaniya. Sa naging sitwasyon namin dito, hindi ko naman namalayan na halos tatlong buwan na pala kaming namamalagi rito.
Si Thrina ay naging madalang ang pagkikita naming dalawa. Naging busy na kasi ito sa ibang bagay.
Noong nakatulog ako sa sala ay sinubukan ko rin siyang kausapin at magpaliwanag ngunit umalis nalang ito ng walang pangundanga. Matapos iyon ay doon nagsimula siyang mas lumamig ang pakikitungo sa'kin na pati anak namin ay apektado.
Dahil sa'min, pati anak namin ay naapektuhan. Hindi ko na alam ang gagawin. Sa totoo lang, masakit na ganito kaming dalawa.
Nasa malalim akong pag-iisip nang may nagbukas ng pinto. Mabilis ang naging kilos ko at aligagang tumayo paharap sa kung sinong tao ang pumasok.
Agad na nasinghot ko ang kakaibang amoy. Masakit iyon sa ilong at ulo. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
"Get lost." Hindi malinaw na sabi ni Kitch. Pasuray-suray ito pumipikit-pikit ang mata. Amoy alak siya at lasing na lasing. Sinadya niyang baggain ang balikat ko at binagsak ang katawan sa kama ng walang pakialam.
"Umalis ka nalang kung hindi mo ko kayang mahalin." Mahina at hirap niyang sabi. Nakadapa siya at nakataas ang parehong kamay habang ang kalahating paa ay lumagpas sa kama.
Wala sa ayos ang suot niyang shirt. Hanggang dito ay sagap ko pa rin ang amoy alak niya.
Inayos ko ang pagkakahiga. Pinunasan at binihisan ko siya matapos. Hindi naging madali lalo na sa tuwing magigising siya ay pipigilan niya ako at ipagtatabuyan. Masakit iyon sa dibdib, parang binibiyak ang puso ko sa tuwing ginagawa n'ya iyon sa 'kin. Pakiramdam ko napakalaki kong tanga.
Kahit hindi niya sabihin, alam ko. Ako ang problema niya.
Iniwan ko siyang tulog at piniling makitulog sa k'warto ng anak ko. I know, it's unfair leaving him with a broken heart. Pero unfair pa ba ako kung pinili ko ang baby namin? Unfair pa ba ako na unahin ko ang sarili ko?
Tama bang manatili sa kaniya na hindi buo ang puso ko? Tama bang mahalin siya at hindi s'ya iwan kung alam kong ayaw sa'kin ng lahat?
Oo, mali ako na iniwan ko siya ng matagal pero hindi ako nagsisi na iniwan ko siya para sa kaligtasan ng anak namin. Wala akong pinagsisihan.
Tahimik akong umiiyak habang yakap ang anak mula sa likuran. Mahimbing na itong natutulog ngunit ako ay nasa malalim na pagdurusa.
Kinabukasan ay maga ang mata, nagpaalam lang ako kay aling Nerda na samahan muna ang anak ko. Gusto kong umalis ng bahay kahit ngayon lang. Alam ko naman na hindi ako papansinin ni Kitch sakaling magising o makita ako. Hindi ko na rin sinubukan pang puntahan siya sa k'warto. Baka pagtabuyan na naman ako tulad ng ginawa niya kagabi.
BINABASA MO ANG
BROOK SERIES#2: A TEMPTRESS HEART (COMPLETED)
RomanceHammelyne Novcio was a pure young woman who can easily get what she wants. Except for her freedom. A Freedom to know who she really are. She is enthusiastic to know about her true self. Takot na makapanakit at mawalan ng minamahal. Sa takot na masa...