CHAPTER XVII

23 10 0
                                    

"Bes..." Panimula kong tawag kay Vannie habang nakaupo sa Jeep na aming sinasakyan.

"Bakit Bes?" Tanong nito habang busy sa pagtipa sa kanyang CP.

Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, gusto ko manghingi ng opinion niya para ma-analyse ko kung tama ba ang ginawa ko o mali. Hindi ko rin mawari kung totoo ba yung pangyayari na yun kagabi o likha ng panaginip ko. Hayss

"Kasi kagabi..." Panimula kong saad, "ano kasi..." Dugtong ko pa dito.

Tumigil siya sandali sa pag-CP niya at mataman akong tiningnan.

"Ano yun be?" Curious na tanong nito.

Ito na yun. I need help, kaya Go!

"Kasi kagabi diba habang nagtatabulate tayo, lumapit sa akin si Jerome..." Sambit ko, "Tapos kinausap niya ako...Tinanong niya ako kung pwede daw ba sya manligaw." Kwento ko sa kanya na tila nangangamba pa.

"Ayyiiieeehhh" Tukso nito.. "Anong sinagot mo?" Dagdag na tanong nito.

"Nag-Oo ako, kasi diba ligaw lang naman.. Getting to know each other." Depensang saad ko dito, " Pati wala naman siguro masama, diba?" Sambit ko pa.

"Oo naman bes, ayyiiieehhh." Sang-ayon nito na nakapagpalubag ng aking loob. "Magkaka-Lovelife ka na ulit." Dugsong pa niton muli.

Nginitian ko sya at hinayaan na syang mag-CP, dahil alam ko namang kausap niya si Jhon.

Nang makarating kami sa sakayan ng tricycle ay doon na kami naghiwalay ng daan. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano may nakakaalam na at nabigyan ako ng assurance na, okay lang ginawa kong desisyon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakauwi na din ako, deretso ako sa aking silid at nag-check ng CP.. Nagbabaka-sakali? Just kidding.

Habang busy sa pagaasikaso sa sarili upang makapagpahinga na rin muna at kulang pa ang aking tulog. Wala naman makakausap pa at umaaga pa. Nang maalala kong I-text si Mai at kamustahin.

To: ICT_Mai

Kamusta bes?
—SEND—

Baka magtampo, masira pa mood nun haha aga namin umalis ih. Ayoko pa sanang umalis kaya lang naisip ko, wala akong kasabay umuwi at di ko alam ano iaakto ko dahil sa pangyayari ng gabing yun. Hayss

From: ICT_Mai

Ok naman be, daya niyo aga niyo umalis.
—END—

Hayss di ko alam kung ano sasabihin dito sa babaitang to haha

From: ICT_Mai

Be hinahanap ka nga pala ni bes Jerome.
—END—

Di ko na muna pinansin ang message niyang ito, ewan ko ba ang gaga ko siguro? Kasi hanggang ngayon may pagaalinlangan akong nararamdaman. God give me a sign, please.

Habang nagmumuni-muni biglang nagtunog ang aking CP, akala ko si Mai. Hindi pala,

From: ICT_Jerome

Panget?
—END—

Akala mo naman kung ano na hahaha magre-reply na sana ako nang...

From: ICT_Jerome

Natapos niyo po ba yung tabulating and reasoning? Nagmessage kasi si Sir, hinihingi na ih. Hindi ko pa mahanap ang papers dito.
—END—

Jusme yun lang pala. Kaloka!

To: ICT_Jerome

Wait, check ko sa akin. Alam ko kasi nasa akin di pa kasi tapos ang reasoning, what time ba need?
—SEND—

Wala man lang Goodmorning? Hello? Hahaha, assumera! Habang naghahanda ng aking almusal ay kinuha ko na sa bag ko ang mga tabulate keneme at chineck isa-isa.

From: ICT_Jerome

Pwede po bang pa-send na now ng picture? Need na ni sir po ih. Salamat
—END—

So? After ko mabasa yung text niya ay dali-dali ko naman kinuhaan ng picture ang mga nagawa namin kagabi at Isinend ito sa kanya sa FB Messenger.

| Jerome Salazar 🔘|

Me: Ayan na, kapag may kulang diyan di pa namin tapos ni Vannie.

After ko maisend lahat ay kumain na ako ng breakfast af naghahanda na para sa aking labahin. I will do my laundry today dahil magiging busy ako later, I think so?

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalang na ako ng labahin sa washing machine at habang naghihintay, tamang browse muna sa SocMed. Then...

| Jerome Salazar 🔘|

Me: Ayan na, kapag may kulang diyan di pa namin tapos ni Vannie.
Him: Salamat po pala, Panget!
Him: Bakit nga po pala ang aga niyo umuwi?

Magkasunod na mensahe nito. Napaisip naman ako, oo nga naman bakit nga ba maaga? Haha

| Jerome Salazar 🔘|

Him: Bakit nga po pala ang aga niyo umuwi?
Me: Tumawag na kasi si Nanay yung lola ni Vannie kaya sumabay na din ako kasi dami ko pa din gagawin.

Reply ko dito, nang matapos na sa pag-ikot ang washing machine ay pinaikot ko muli ito. Bakit ba? Trip ko ih Hahaha

| Jerome Salazar 🔘|

Me: Tumawag na kasi si Nanay yung lola ni Vannie kaya sumabay na din ako kasi dami ko pa din gagawin.
Him: Hindi mo man lang ako ginising, hindi tuloy kita naihatid kahit man lang sa sakayan.

Ow? May pa ganurn? Hahaha

Habang busy makipag-landian ay Char! Busy kakareply kay Jerome ay isinasabay ko naman ang aking labahin. Well, Multitasking!

Lumipas ang oras, minuto, sandali at panahon. Well masasabi ko naman na mukhang desidido ang lolo niyo manligaw, kaya naman One time ini-open up ko na rin ito sa buong squad at masaya naman ako na naging okay ang lahat.

Isang araw habang naglalakad kami nila Vannie, Jhon at Lei, hindi nawala ang tuksuhan.

"Bes, sagutin mo na si bes Jerome." Saad ni Jhon habang nakikipagkulitan sa kanyang bebe hahaha

"Oo nga naman bes." Pag-sang-ayon ng kanyang kasintahan.

"Hay naku hahahaha" Yan na lamang ang aking nasambit. "Getting know each other muna mga beshy." Dugtong kong saad.

"Bes, alam mo yung month of love niyo na lang ang patagalin niyo hindi yung ligawan." Banat ni Jhon, "Kasi bes kapag kayo na naman syempre makikilala at makikilala niyo lalo ang isa't-isa." Dagdag pa nito.

Napaisip naman ako sa kanyang sinaad. May point pero may dahilan kasi kung bakit ko pinatatagal kahit ayoko naman. Hayss another isipin na gusto ko na namang i-open up sa kanila pero naisip ko na sa akin na lang muna.

Lumipas pa ang mga araw at panahon pero bakit ganun? Para  bang may pagaalinlangan pa rin akong nadarama sa kanya? Ako ba ang may problema?

Girl instinct ang sinunod ko, sa tingin ko naman na tama.

One time habang may program sa school syempre nasa court na naman kami, magkatabi kami habang hawak niya ang aking kanan na kamay. Then suddenly my father chat me, and I reply kahit na kita at nababasa niya yung message. Sa akin wala lang yun kasi diba? soon to be na naman. Mutual Feelings naman na ih.

He asked me, why daw ang cold ko magreply sa father ko. Then syempre I felt comfortable and secure na sa kanya, I open up at him that ganun lang talaga di ako showy na tao. Akala ko he understands those Attitude of me, pero di pa pala.

I'm showy person but one thing I know to myself, and I cleared it na to myself na I have these feelings for him na. I want him to feel the same kasi when day pass by parang may kakaiba na.

-----

Hope you enjoy this story. Don't forget to Follow, Votes and Comments.

All rights reserved.

-viyxx

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon