PROLOGUE

177 40 4
                                    


Tila ba parang isang panaginip ang aking natamasa ng mga sandaling na kasama kita.

Panaginip na kapag nagising ay hanggang memorya na lamang.

Para bang isang istorya sa isang libro ang ating kwento.

Kwento kung saan na para bang isang Fairytale o mala-Wattpad ang datingan.

Hindi ko malaman kung nangyari nga ba ito o sadyang nilikha lamang ito ng aking mahabang pagkakatulog o ng aking malikhaing isipan.

Hindi ko mawari kung tama bang nakatatak ito sa aking puso't-isipan o kailangan ko na itong ibaon sa limot at magising sa mahabang pagkakatulog.

Maari mo ba akong balikan at sabihing nais natin muling ituloy ang kwentong naudlot ng sandali?

Kwentong naudlot ng dahil sa ating magulong puso't isipan.

Hindi malaman kung ano nga ba ang susundin, ang tinitibok ba ng puso? O ang sinasabi ng ating isipan?

Hanggang ngayon marami pa ring bumabagabag sa akin.

Nais mo ba akong lapitan at linawin ang mga sandaling di ko malaman kung galing lamang ito sa aking panaginip o sadyang nangyari nga ito ng mga sandaling di natin inaasahan?


-----

Hope you enjoy this story. Don't forget to Follow, Votes and Comments.

All rights reserved.

-viyxx

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon