CHAPTER IV

61 28 0
                                    

Nagulat ako sa mensahe na aking natanggap, galing sa isa kong kaklase.

| Mark Reyes 🔘|

Him: Hi!

Hindi ko muna nireplyan malay ko ba? Baka na wrong send lang, hinayaan ko na lang ang message na yun.

Medyo gabi na rin pala ako nakauwi pero naunahan ko pa rin si Mama, pumasok na ako sa aking silid at nagpalit ng pambahay na damit.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang aking mama at sabay-sabay ulit kaming naghapunan. Lagi kaming ganito, nakasanayan na naming intayin si mama bago kumain ng hapunan.

Kinaumagahan ay naging paulit-ulit na lamang ang routine ko... Pero ang kakaiba ngayon ay sa tuwing nakikita kong online si Yuriko, binabalak kong kamustahin or ichat siya. Di ko alam kung bakit, pero nanghihinayang ako. And nasasaktan? Pero Mahal ko pa din siya kahit na dalawang beses na niya akong naloko.

Naging ka-close ko si Mr.Reo, para ko na rin siyang second father. Lagi siyang naandiyan para pagsabihan ako at palalahanan sa lahat ng bagay, nakakatuwa kasi ngayon lang ako naka-encounter na teacher na ganito.

Kasalukuyan akong nasa school ngayon and to be exact nasa room kami, wala pa kaming prof this time.

"Kwentuhan tayo mga bes!" Jhon started, napagdesisyunan naming magtabi-tabi na lang kahit na may sitting arrangement kami. Grade 12 na nga pala kaming lahat ngayon, kaya di na kami masyadong pinapakailaman ng mga prof namin dahil ka-close na namin sila.

Pinag-aayos nila ang kanya-kanyang silya at nagform kami ng pabilog.

"Ano naman pagkukwentuhan natin?" Tanong ko sa mga ito. Medyo pataray ako sa kanila, i dunno pero sanay na naman sila. Imagine parang ako ang pinaka-ate nila dito kahit na may mas matanda pa sa akin.

"Lovelife!" Magiliw na saad ni Jhon. "Kwento ka naman ng Lovelife mo bes! Ah-ah ka, ikaw alam mo na mga lovestory namin samantalang ikaw. Napakalihim eh, tayo-tayo lang naman eh." Dagdag pa nitong saad na sinang-ayunan ng nga kaibigan namin.

"Ok! Magkukwento ako, pero long story so? I-summarize ko na lang? Hahahaha" Pabiro kong sambit sa kanila.

"Sige lang kahit mahaba, wala naman atang teacher na magkaklase sa atin eh" Sambit ni Gail.

"Oo nga bes. Grabe kaya pala di ume-epekto ang charm ng kaibigan ko dahil meron ka na pala bes!" Natatawang saad ni Jhon.

Masyado kasi akong malihim, di ko ino-open sa kanila about sa lovelife ko.. Ang akala nila puro study lang ang alam ko, kahit na medyo mukha akong nerd. Nagkaka-lovelife naman ang Ate niyo!

"Sige ito na, di ko na lang ide-detailed ha? Baka di matapos eh hahahaha.." I said to them and nag-agree lang sila. "Ganito kasi yan, si Yuriko ay First Boyfriend ko naging kami dahil sa circle of friends namin pero may nauna pa kesa kay Yuriko. Di ko nga lang pinayagan manligaw, si Yuriko nung una akala ko biro lang lahat until umabot ng 4 months na lagi kaming magka-usap. Nagpaalam siya ay mali sinabi niya pala na sa ayaw at sa gusto ko, he court me. So parang balewala lang sa akin, until umabot ng 3 months yung panliligaw niya. Nang dahil sa mga friends ko noon nasagot ko siya, ok naman kami LDR nga lang kasi nasa Dubai na siya that time. And ayun lagi kaming nag-aaway and nahihirapan sa timing ng pag-uusap pero nasanay na naman kami bale ako ang naga-adjust para sa amin, nagising ako ng 2am in the morning para makausap siya and babalik ako ng tulog ng mga 4pm o kaya hindi na ganun. Nasanay na ako ----"
Naputol ang kwento ko nang sumingit ang komento ng ilan.

"Grabe naman bes mala-wattpad ang dating! Hahahahaha" palabirong komento ni Miles

"Oo nga," Pagsang-ayon ni Blossoms.

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon