Sa bagal ng oras sa school ay pansin na pansin ko pa rin yung kakaibang treatment nila Miles sa akin, hayss ang hirap. Di ko alam kung anong dahilan. Bakit sila ganito? Di ko alam if I did something wrong? Eh kausap at kakulitan ko lang naman sila kanina. Hayss
Tapos habang nagso-solo ako sa isang silya na di kalayuan sa totoo kung upuan ay nakita ko silang nagkumpulan at parang mga nag-uusap.
Nagbusy-busyhan na lang ako sa aking pwesto, nag-doodle na lang ako ng kung ano-ano para malibang pero lagi pa rin akong napapasulyap sa kanila. Di kasi ako sanay sa ganito...
"Bes..." tawag ni Vannie sa akin kasabay ng pag-upo sa katabi kong silya.
"Hmm?" Tugon ko dito..
"Bes.. kaya pala ganun sina Miles ano..." Nahihirapang panimula ni Vannie sa akin, umayos na ako ng upo at tumingin sa kanya ng seryoso baka kasi may nagawa akong kasalanan na di ko alam? Or something else na di nila nagustuhan hayss.
"Bakit daw bes sila ganun?" Tanong ko. "May nagawa ba ako? Kasi bes nakakaramdam na ako ng inis." Seryoso ko pang dagdag.
"Wala ka namang nagawa bes, ano kasi tungkol kay Jerome bes." Saad niya.
"Oh kay Jerome naman pala e, bakit damay ako? Bakit ganun yung treatment?" Komento ko pa.
Ewan wala na ganito talaga ako kapag naiinis wala nang pakundangan kung magsalita, dere-deretso.
"Actually kay Jerome talaga bes kaya lang nadadamay ka gawa ng tungkol sa inyo." Sabi nito, "Sabi ni Miles, bakit daw ba ganun si Jerome di malaman kung ano ba talaga ang meron kayo, di naman nanliligaw or what diba? Pero ang treatment sayo iba parang girlfriend na parang kayo..." Dagdag na saad pa nito.
Tama naman sya e, kung ako nga sa sarili ko natatakot na kasi parang nasasanay na ako sa ganun na treatment niya sa akin. Baka kapag kung kailan ay may nadarama na ako para sa kanya ay bigla naman itong umiwas hayss alam kong on and off sila ng gf niya. Ayoko naman maging Rebound, kahit na anong gawin ko sa huli ata magiging ganun ang tingin sa akin ng lahat.
Di ko sya naimikan dahil sa kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko pati na rin ata sa puso ko? Hayss
"Kasi bes alam mo may punto rin naman kasi sila e, try to hear them out bes. Alam ko namang di ka namin kagaya e, alam kong alam mo ang gusto nilang iparating dahil concern sila sayo pati ako concern sayo bes." Sambit pa nito.. "Ayaw namin maranasan mo yung mga bagay na di mo naman dapat maranasan." Dagdag na sambit nito.
"Oo bes, mas ok naman talaga sa akin na kausapin nila ako pero bakit ganun bigla akong nainis kahit na di naman dapat e." Saad ko dito na may ngiti sa labi.
"Mga bes.." tawag ni Vannie kina Miles. "Lika na kayo dito, usap na kayo dali.." Dagdag nito na ngumingiti-ngiti pa.
Nagsipuntahan naman sila at naupo.
"Anong meron.." pabiro kong sambit kay Vannie na para bang wala kaming napag-usapan kanina.
"Miles at Ley nasabi ko na yung kaunting detalye na gusto niyong iparating kay Stella, kasi ganito naman dahil mas matagal ko ng kilala si Stella sasabihin ko yung mga pagkakakilala ko sa kanya." Panimula ni Vannie, "Actually mga bes si Stella ganyan talaga yan kasi lumaki na yang close talaga sa mga lalaki. May pagkaboyish na nga yan e, yung mga ginagawa ni Jerome yung paghi-hilig ng ulo ni Stella sa balikat niya ay parang natural lang kay Stella yun." Sambit pa nito.
"Actually mga bes totoo yun nasanay na ako sa mga ganung treatment sa akin ng mga kuya-kuyahan ko at mga barkada kong lalaki para kasi akong prinsesa kung tratuhin." Paliwanag ko pa sa mga ito, "And kung may problema man kayo sa akin sabihin niyo sa akin mismo kasi diba sabi ko nga sa inyo na mas better na sambitin niyo sa akin lahat ng problema niyo sa akin kesa sa iba ko pa malalaman or what. Hindi naman po ako magagalit e kung alam kong may pagkakamali din naman ako. I will listen to you naman po e," Dagdag ko pang saad.
BINABASA MO ANG
Unforgetable Moment of Us
Ficțiune adolescențiA Senior high school life with a full of surprises for Stella, a grade 11 student at Knight Academy. Stella is a nerd minus the nerdy clothes and glasses but she had a braces, she is not totally type of nerd but she love books than talking with othe...