"Lalapitan ko, magpapakilala ako..." sambit pa nito.
"Luh." Saad ko dito at tumayo na. Lumipat ulit ako sa pwesto nina ate Ley at inasikaso sila.
Makalipas ang ilang oras ay nagpasya ng umuwi sina sir Reo at sina ate Ley, inihatid ko silang lahat sa sakayan ng tricycle at nagpasalamat sa pagdalo.
Naiwan na lamang sa bahay ay ang mga barkada ko at yung mga bakla na nagiinuman sa isang sulok.
Nagpasya na akong magpalit ng damit dahil gabi na naman, yung kulay pink na dress na suot ko ay pinalitan ko ng short at red na tshirt. Naglagay din ako ng jacket at tinali ko ito sa aking beywang.
"Hala! Dalaga na ang ate namin." Nakangiting pang-aasar ng aking tita. "Ate? Nilalagnat ka? Bakit ka nagshort?" Dagdag na asar pa nito na tinawanan lang ng mga barkada ko.
Tumabi ako sa tabi nila Miles ulit ngunit ang nangyari ay tumayo si Miles gawa ng kumanta siya at ang naiwan sa aking tabi ay si Jerome.
Nagdesisyon akong buklatin na lamang ang mga regalo sa akin lalo na yung galing kay Ley. Explosion scrapbook ang gift niya ang ganda, sobrang na-appreciate ko. Hart hart.
Hawak-hawak ko sa aking kamay ang scrapbook nasa aking tabi si Jerome at nagaabang din sa kung anong laman ng scrapbook.
"Ang cute" nakangiti kong sambit habang tinatanggal ang pagkaka-ribbon nito.
"Oh walang iiyak ha?" Sambit ng aking katabi, dahil madilim sa labas ay naglabas ng phone si Jerome at in-open niya ang flashlight nito upang magsilbing ilaw ko..Naiilang ako dahil parang agaw atensyon kami sa aming ginagawa.
Nang mabuklat ko ang unang maliit na kahon na nasa unang page ng scrapbook ay nagulat at natawa ako dahil nakita roon ang aking paborito na polvoron hart-hart. Nakangiti ko itong dinampot at inilagay sa aking tabi.
"Hahahaha yung paborito mo." Natatawang saad ni Jerome.
Isinunod ko naman ang unang pahina ng scrapbook. Shocks! Nakakainis naiiyak na ako! I really appreciate this one. Huhuhuhuhuhu
"Ang astig ni Ley sa mga arts e.." komento ng katabi ko, "Walang iyakan ha?" Dagdag na biro pa nito.
"Tsk." Inismidan ko na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng sa scrapbook. Nakakatats naman hahahahaha grabe,
Ganito ako kababaw na tao, simpleng effort ang pinaka-dabest for me.
Pero umasa ako sa regalo ng isang tao jusko! Stella! Napaka-shunga umasa e.
Back to the scrapbook na lang at baka sa inis ko ay mahampas ko ang katabi ko.
Natapos kong buklatin ang regalo sa akin ni Ley, grabe sobrang blessed ako para magkaroon ng mga kaibigan na ganito. Hayss sana until our last breath in this world ay magbe-bestfriend pa rin kami.
Nang sumapit na ang medyo kalaliman ng gabi ay nagpasyang magsi-inuman ang mga barkada ko, inayos nila ang isang mesa at doon nag-ayos para ma-start na ang jamming.
Hindi pa nagsisimula ay sinundo na ni tito si Miles, gabi na kasi kaya nagpsya na rin kaming ihatid kasama ko si Blossom pero dahil masyadong ewan ang isa ay sumama na rin si Jerome.
Nakaakbay ang isa nitong kamay sa aking balikat habang naglalakad kami nang, ibaba niya bigla ito.
Nakow! Kaya naman pala e, nakasalubong kasi namin sina Mama at yung kapatid ko. Kaya naman pala e, kinabahan din ako dun ah hahahaha pero may part sa akin na nasaktan achuchuhuchu hahahaha.
Nang makalayo na kami sa pwesto kung saan namin nakita sina Mama ay ibinalik niya ang pagkaka-akbay sa akin at...
"Ninong.." bati niya kay tito, ang papa ni Miles.
BINABASA MO ANG
Unforgetable Moment of Us
Teen FictionA Senior high school life with a full of surprises for Stella, a grade 11 student at Knight Academy. Stella is a nerd minus the nerdy clothes and glasses but she had a braces, she is not totally type of nerd but she love books than talking with othe...