CHAPTER VII

37 23 0
                                    

Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.

Kinuha ko ang inaabot niyang polbo at nilagyan ko siya sa mukha, pinupunasan ko na ang mukha niya ng aking kamay ng iabot niya ang kanyang bimpo.

"Napadami yung lagay.." Humahagikgik kong saad dahil namumuti ang kanyang mukha na parang espasol hahahaha.

Sumimangot siya na parang bata kaya lalo akong natawa habang pinupunasan at pinapantay ang polbos sa kanyang mukha.

"Uuuuy! Ang sweet nila!" Mapang-asar na saad ni Mark at tinawanan ng iba.

"Ang arte e, ayaw ng sya ang magpolbo sa sarili. Gusto may magpo-polbo pa." Sambit ko sa mga ito na ang tinutukoy ay si Jerome.

"Ano ba bes! Naglalambing yan. Di mo ba feel?" Singit naman ni Mai.

Nagkatinginan kami sandali ni Vannie sa isa't-isa dahil naaalala namin yung mga pinagsasabi nung babaitang girlfriend raw ni Jerome sa akin sa chat. Nawala ako sa mood ko makipag-asaran at kulitan kaya medyo nanahimik na lamang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan na binubully nila si Mark.

"Grabe nga e ang takaw, imagine ilang bahay yung pinuntahan natin tapos sandamakmak ang pagkain na nasa bawat plato. Grabehan ang katakawan hahahaha." Singit na pang-aasar ko dito. Actually naging ka-close ko na rin si Mark, ang hilig mangulit at mang-asar rin ng isang ito at FYI lang naging crush ko to hihihihihi..

Ang cute kasi ng mga Mata nito parang laging kumikislap at nakangiti kahit na bad mood ka mapapangiti ka kapag nasilayan mo ang kanyang mga mata.

Nakaka-chat ko din ito ng madalas pero hindi ganun na para bang araw-araw, wala parang di kami mauubusan ng kwento at asaran kapag magkausap sa chat na di alam ng mga friends ko na nakaka-chat ko ito. Sa personal medyo close din kami lagi niya nga akong inaasar na laging nakatawa sa kanya kahit na magsasalita palang sya. Naging crush ko siya sa classroom namin, I admire his beautiful eyes. Landi ba? Wala e para bang nakaka-akit yung mga mata niya. Di ko mapigilan na masilayan ang kanyang mga mata.

Makalipas ang ilang sandaling pamamahinga, asaran at kulitan sa may terrace nila Mai ay nagpasya na kaming umuwi dahil dapit-hapon na rin naman. Malayo pa ang high way dito kina Mai kaya kinailangan pa naming sumakay ng tricycle papuntang high-way.

"Jerome." Tawag ko kay Jerome bago kami sumakay sa tricycle. "Oh bimpo mo." Sambit ko kasabay ng pag-abot ng kanyang bimpo.

Lumapit sya sa akin at.

"Sayo po muna." Saad nito at nginitian pa ako.

Wala na akong nagawa kundi hawakan na lamang ito at sumakay na kami sa tricycle. Ako, Vannie at si Blossom ang nasa loob na bahagi ng tricycle samantalang si Chan at Jerome naman ang nasa labas.

Malayo-layo pa ang high way sa kinaroroonan namin, ang bilis magpatakbo ni Manong ng tricycle sobra ang hangin na aming nadadama. Naglabas ng pagkain si Blossom at sa di inaasahang pangyayari ay nalaglag ang pabango nito mula sa kanyang bag, ang masaklap di kami marinig ni Manong kaya pinabayaan na lamang namin yung nalaglag. Habang nakain kami ay di ko napansin na nilipad na rin ng hangin ang bimpong nakapatong sa aking bag.

"Bes! Nilipad yung bimpo." Medyo natataranta kong sambit sa dalawa kong kasama sa loob, medyo natigilan din sila at.

"Di na natin makukuha yun bes, ang layo na natin e. Kita mo nga yung pabango di na natin nakuha.." Komento ni Vannie,

"Hala di ko kasi bimpo yun e, kay Jerome bes." Medyo malungkot kong sambit pa dito.

Kinakabahan na ako na ewan dito sa loob, mukhang importante pa naman yung bimpo. Ayoko sa lahat may mga bagay na mawawala ng dahil sa akin lalo na kapag importante.

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon