Kinabukasan nakuha na namin yung pina-hardbound at nakakatuwa sa loob ng 3 months ganito kakapal ang nagawa namin, imagine that. Nakaka-proud! Parang kasing kapal ng encyclopedia ito, hahaha.
Sa shop kami dumeretso kaya ngayon naglalakad na kami papuntang school.
Habang naglalakad yung mga nakakasalubong namin na taga-same University, napapatingin sa dala namin.
Nang makarating kami sa school, grabe agaw atensyon yung hardbound namin.
"Hi sir!" Bati namin sa teacher na nakasalubong namin.
"Grabe! Ano yan? Encyclopedia?" Bati nito pabalik.
Tinawanan lamang namin ito at nagpaalam na.
Dumeretso lang kami kay Mr. PR and Sir Reo for final checking and submission.
Makalipas ang mga Araw...
Hindi ko inagahan ang gising kasi pang-gabi pa naman ang schedule namin for Graduation Picture. For sure late na naman magstart sa dami pa naman ng students, hayss..
Nagising ako mga quarter to 12pm, sakto usapan kasi ng squad mga after lunch na magpunta sa school.
Paglabas ko ng kwarto, wala na pala sina mama dahil as usual maaga na naman pumasok.
Dumeretso na ako sa CR at ginawa ang usual routine ko, pagkatapos naman nagtimpla na ako ng kape at magluluto na rin ng pwedeng kainin. (Si crush kaya pwede? Haha)
Lumipas ang ilang oras tapos na ako sa lahat. At viola! Malapit na mag-alas dos susme!
"Anong petsa na Stella!" Bulong ko sa sarili ko habang mamimili ng isusuot, kailangan kasi spaghetti strap or off-shoulder ang top.
Bahala na! Dinampot ko na ang Off-shoulder na slightly hanging top kong floral tsaka jeans at dali-dali itong isinuot tsaka nagsuklay.
Nagmamadali na ako dahil ang phone ko malapit na sumabog sa notifications ng mga kabarkada ko. Naka-schedule pa din pala kami for Hair and Makeup.
Hayss. Hassle!
Nang ready to go na ako, nagtatakbo na ako palabas ng bahay. Sana may masakyan pa akong trike.
Thanks God! Nakasakay naman ako ng deretso sa Uni.
Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa Laboratory, nabasa ko kasi kanina sa message nila Vannie nasa Lab sila.
Nang makarating ako sa lab di muna ako agad pumasok, inayos ko muna ang sarili ko kahit na pinagtitinginan ako sa labas. Jusme! Malay mo naandun na si crush sa loob chals.
Inhaled - Exhaled Wooh!
Kumatok muna ako bago dahan-dahan na pinihit ang seradura ng pinto. Nang makapasok ako...
"Hello sir!" Bati ko sa adviser namin.
Tsaka naglakad palapit kina Vannie.
"Akala ko super late na me. Hahahaha" bati ko dito.
"Hindi naman bes," sagot nito, "kinis at puti ng balikat natin ah." Pagbibiro nito.
"Sus!" Sabay hawi ng buhok ko patalikod. "Hinilod ko yan ng bongga hahahaha" Lokoloko kong sagot dito.
"Luka" Sambit nito kasabay ng pagtawa.
FYI. Makinis talaga ang balat ko, kadalasan naman napapansin ng karamihan na maputi ako pero sa tingin ko naman morena lang ako.
Alagang? Syempre maalaga ako sa sarili ko kahit na pinabayaan nila ako JUST KIDDING.
Wala kaming ibang ginawa kundi mag-asaran at magkulitan sa loob ng Laboratory habang naghihintay ng tawag.
BINABASA MO ANG
Unforgetable Moment of Us
Teen FictionA Senior high school life with a full of surprises for Stella, a grade 11 student at Knight Academy. Stella is a nerd minus the nerdy clothes and glasses but she had a braces, she is not totally type of nerd but she love books than talking with othe...