CHAPTER V

60 27 0
                                    

Makalipas ang ilang sandali at natapos na kami sa pagbibilog at pagka-cut ng mga ito. After nun ay tinulungan na namin ang iba sa kanilang ginagawa habang inaantay ang pagkain para sa tanghalian.

After a few minutes, naghahain na kaming lahat ng pagkain namin sa mesang portable na nilabas ni Ley para dito kami sa may likod bahay kumain dahil mahangin at masarap kumain dito parang nasa probinsya.

"Magku-kutsara at tinidor pa ba kayo?" Ley asked us. "Huwag na! Di niyo naman alam gumamit nun hahahaha" pabirong dagdag pa nito habang naglalapag ng mga plato sa mesa.

"Huwag na tayong magkutsara, magkamay na lang tayo mga bes." Suggestion ni John na sinang-ayunan naman naming lahat.

Natapos kami sa aming paghahain at naghugas na ng mga kamay dahil mga desidido kamin lahat na magkamay sa pagkain. Matapos maghugas ng kamay ay nagkanya-kanya na kaming upo sa harap ng hapagkainan.

"Diyan ka na bes Rome! Sa tabi ni Stella." Saad ni John habang nakangiti na sinang-ayunan ng mga baliw kong kaibigan. Jusko hahahahaha kung di lang malawak ang pagi-isip ko ay paniguradong nalagyan ko na ng malisya ito.

Magkatabi kami ni Jerome sa hapagkainan. Ganito ang ayos namin sa bilog na mesa.

Ley - John - Vannie - Miles - Blossom - Mika - Chan - Jerome - Ako

So napapagitnaan ako ni Ley at Jerome. Dahil sa tukso ng mga kaibigan namin ay si Jerome pa ang nagsandok ng aking pagkain.

"Kumain ka ng marami babe." Saad ni Jerome habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato.

"Hep! Tama na yan." Pigil ko sa paglalagay ng pagkain nito sa aking pinggan. "Tama na to, di ko mauubos e." Dagdag ko pang saad dito.

"Tama na yan? E, ang unti lang nan ah" Komento nito.

"E basta tama na yan. Kumain ka na rin." Sambit ko dito at nagtuon na sa aking pagkain.

"Ang sweet naman mga bes hahahaha" Rinig kong komento ni John.

"Ako din Mika, ipaglagay mo din sa aking plato." Paglalambing ni Chan kay Mika na pabiro.

Si Chan ay naging kaibigan na rin namin dahil kaibigan siya ni Jerome.

"Tigilan mo nga ako Chan!" Saad ni Mika na nagpatawa sa amin dahil sa kanyang reaksyon na para bang nandidiri.

Kumakain kami na may kasamang kwentuhan, tuksuhan at kulitan. Ewan ba naman sa mga ito e bakit naisipang kami pa ang pagkatuwaan hayss.

Bigla akong nakaramdam ng inis ng...

"Oh kain ka pa.." Sambit ni Jerome habang nilalagyan ulit ang plato ko ng panibagong pagkain.

"Ayoko na. Tapos na ako." Saad ko dito pero...

"Kumain ka pa.." Sabi pa nito.. Wala na sumabog na ang inis ko. Hayss.

"Pinilit ko na nga lang ubusin yung pagkain ko e tapos papakainin mo pa ulit ako? Nasusuka na nga ako!" May halong inis ang aking tono ng banggitin ko ang mga salitang ito.

Kasabay ng aking pagtayo at pagpasok sa loob ng bahay nila Ley at dumeretso sa lababo upang makapaghugas ng kamay. Tila may dumaang anghel ng umalis ako sa hapagkainan namin dahil naging tahimik ang lahat tila ba walang may balak magsalita, nakakainis naman kasi masuka-suka nga ako e tapos papakainin pa masasayang ang pagkain e.

Di muna ako bumalik sa labas, nagpalipas muna ako ng ilang sandali sa may sala nila Ley upang antayin silang matapos sa pagkain.

Nang Matapos silang kumain ay lumabas na ako upang tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan.

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon