"Ganito na lang.. Kasi diba kulang pa kami ng isa?" Simula ni Jerome, "Sino pwede namin maging kagroup sa kanila except sayo?" Tanong nito sa akin.
"Si Miles na lang kaya?" Suggest ko. Tutal sila naman na talaga ang magbestfriend ih and ayoko mahiwalay kina Vannie hehe
"Pwede din," Sang-ayon nito.
Kinausap namin si sir Reo and then sila Miles naman.
"Mga bes, ganito na lang..." Panimula ko, "Kasi diba kulang sina Jerome ng isa, nag-ask kami kay sir Reo if pwede isa sa inyo then he agreed naman." Sambit ko pa, "Miles? Ok lang ba na ikaw maging kagroup nila? Para safe ka na rin kasi di ka ilalaglag ng dalawang yun hehe" Dagdag ko pa.
Nagiisip pa si Miles kung ano ang isasagot ng...
"Ok lang sa inyo bes?" She asked us.
"Oo naman atleast kaunti na lang iisipin natin, diba?" Saad ko dito.
"Okay..." Malungkot na turan ni Miles,
Tbh, nakaramdam ako ng selos. Ako sana yung kasama ni Jerome madalas hahaha pero inialis ko sa isip ko yun dahil pag-aaral to. We need to focus first.
Settled na ang groupings, mas advance sa amin sina Jerome dahil may client na sila agad. Kami? Kailangan pa namin maghagilap ng client and offer a service.
Habang magkakasama kaming magkakabarkada, Jerome talked to me.
"Panget, kayo na lang kaya magpatuloy ng system natin before?" He said,
"Ayoko mahirap yun haha" Tangi ko kahit na gusto ko talaga yung Topic.
"I-enhance mo na lang po, marami pa naman hole yun ih." Saad pa nito.
"Oo nga bes, yun na lang gawin natin kesa magpunta pa tayo sa former school natin." Saad ni Vannie.
"Tingnan natin if kaya and ma-approved." Sagot ko na lamang.
May point naman and may mas maganda akong plan for that database.
Ini-open up namin kay Sir Reo ang plan ng group ko and he also helped me to elaborate and expand my knowledge how can we develop the first system.
Isinama niya ako kay Mrs. Zep, our school registrar. I-diniscuss ko ang proposal na nagawa namin nila Vannie and Ley. Bukod sa enhancement and develop, bale magiging new system talaga sya because from the start yung program ay gusto namin na kami mismo ang maggawa.
After some discussion, we made our deal.
End Flashback
Everyday we need to gather data of each student, manually. Kaya todo overtime kami para matapos agad.
Habang abala sa system, I decided na magpahinga muna kasi marami na naman akong natapos na. Vannie and Ley, busy sa papers and in the end of the day ako pa rin naman ang magcheck ng papers kaya hinahayaan ko muna na sila ang abala muna dun.
Medyo di rin maganda pakiramdam ko, parang binibiyak ang ulo ko kaya nagyukyok muna ako sa desk ko. Pahinga muna kahit ilang minuto.
Hindi ko na napansin ang grupo nila Miles na nasa center table sa unahan and grupo nila Mai na nasa kabilang chairs lang, dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ulo.
Kahit nakayuko at pinipilit na umidlip ay naririnig ko ang mga usapan nila.
"Vannie, masama ba pakiramdam ni Ste?" Ley asked Vannie.
"Ewan ko lang pero kanina pa yan nagsasabi na masakit ang ulo." She answered.Maya-maya pa ay nilapitan ako ni Mai..
"Oy be!" Pagkulbit nito.
Nagtunghay naman ako at nagpunas ng pawis, di ko namalayan na nawalan pala ng kuryente kaya di nagpa-function ang aircon sa room.
"hmm?" Sagot ko.
"May sakit ka?" Nag-aalala nitong tanong, kasabay ng pagdampi ng kamay sa aking leeg at noo.
"Masakit lang ulo ko bes gawa ng laptop." Saad ko dito.
"Pawisan ka na be.." She said, "Kung di mo na kaya, umuwi na kayo nila Vannie para makapagpahinga ka." Dagdag pa nito.
Tinanguan ko na lamang sya at...
"Idlip lang ako, malapit na naman sila matapos ih" Sambit ko kasabay ng pagyukyok na muli..
Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Jerome, he asked Mai about sa akin. Then,
"Mark, ipahiram mo muna nga yung portable fan mo." Sabi ni Jerome kay Mark,
Iniutos niya kay Mai na ayusin ang fan para mahagip ako ng hangin. Concern ang lolo niyo? Hahaha. So?
After a few minutes, nakatapos na din sina Vannie and Ley sa papers. We decided na umuwi na para makapagpahinga.
Lumipas ang araw abala ang lahat sa Thesis and OJT, may mga maaga na alis ng school para mapuntahan ang mga client. Samantalang kami nila Vannie and Ley, sa school lang hahaha.
Dumating na naman ang araw na kompleto kaming magkakabarkada sa classroom nagawa ng Thesis. Habang abala ang lahat, talo-talo muna bawal magkwentuhan. Seryoso muna dapat.
Oras na para umuwi, kailangan ko muna mag-retouch haha para di busangot paguwi.
Niyakag ko muna sa CR si Vannie and Ley. Nagsuklay, nagpolbo at tint muna before umuwi para fresh pa din.
Nang malapit na kami sa classroom abala ang dalawa magchickahan ng marinig ko na pinag-uusapan ako nila Jerome. Yes! They're talking about me pero di naman nakakasama sa akin ang pinaguusapan nila.
"Pero mahal mo?" Narinig kong tanong ni Bloosom.
"Syempre naman, liligawan ko ba kung hindi?" Sagot ni Jerome.Nakapasok na kami sa room and kukunin na lang namin ang gamit namin. Nang maayos na lahat, we bid our goodbyes sa mga maiiwan hahaha.
"Uwi na kami, Ate Miles." Saad ko kay Miles, "Mai, Blossom.. Uwi na kami, Bye!" Paalam ko pa sa dalawa kong bestie.
"Bye, Ingat!" Sagot naman ng mga ito.
Nang makalabas na ng classroom, ihahatid daw kami ni Bloosom sa Gate kaya inintay na lang namin sya sa labas ng room...
"Bes! Ingatan niyo si Ste ha!" Bilin ni Jerome, "Di ko yan pinadadapuan ng lamok." Pahabol pa nito.
"Pero mahal mo?" Balik na saad ni Bloosom.
Alam ko naman na wala lang yan hahahaha, sinasanay ko na sarili ko.
"Oo naman kaya ingatan niyo!" Sagot nito. "Pakisabi, I love you." Dagdag nito at lumabas na nga ng room si Blossom na natatawa.
"I love you daw, bes" Sabi sa akin ni Blossom, napakamasunurin talaga nito ih. Jusko hahaha
"Ih?" Saad ko dito, "I love myself too" Nilakasan ko ang pagsabi nito kahit na kaharap ko lang si Bloosom at tumalikod na, nauna na akong maglakad palabas ng school.
Wala ng magagawa yang 'I LOVE YOU' mo, di na yun mababalik sa dati. Gagi.
Huwag marupok Stella, huwag ka ng gumaya sa mga bestie mo na ayaw na daw pero rumurupok Hahahaha.
-----
Hope you enjoy this story. Don't forget to Follow, Votes and Comments.
All rights reserved.
-viyxx
BINABASA MO ANG
Unforgetable Moment of Us
Teen FictionA Senior high school life with a full of surprises for Stella, a grade 11 student at Knight Academy. Stella is a nerd minus the nerdy clothes and glasses but she had a braces, she is not totally type of nerd but she love books than talking with othe...