CHAPTER XIX

19 9 0
                                    

New Year's Eve

Nothing special happened, celebrating with the fam and of course nawalan ako ng communication kay Jerome. Hindi naman totally nawala parang naging busy lang both side.

Akala ko, okay pa kami. Akala ko lang pala dahil —

January 8, 2018

Natapos na ang Christmas break but still naandiyan ang Thesis, maaga ako nagprepare para pumasok sa school.

Sabay pa din kami ni Vannie pumasok, as usual napaaga na naman kami. Wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan after ng ilang days na di kami nagkita hahaha.

Makalipas ang ilang sandali ay dagsa na ang mga estudyante. As usual, Monday kaya sa cover court and deretso para makapag-flag ceremony. I felt strange, again.

Nakita ko si Jerome but hindi niya pa ako napapansin, so patay malisya ako. I ignored him and focus sa pakikipagkwentuhan sa mga bestie ko.

After a few minutes, nagbalikan na sa kanya-kanyang respective classroom. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Jerome.
Parang iniiwasan niya ako?

Did I do something wrong? Tumatakbo na tanong sa isipan ko. Alam ko kasi kahit wala pa kaming label, pwede naman siguro niya ako kausapin? kamustahin like he always do before.

Habang busy sa klase, afternoon class nasa  discussion  kami ng may cellphone na nagring and kay Jerome pala yun.

"Sir?" He raised his hand and, "May I go out?" Paalam niya, kasabay ng paglabas niya ng pinto.

Malalampasan niya ako di man lang niya ako tinapik or kinulbit? or ewan hayss.

Wala sa discussion ang focus ko, dahil inaatake ako ng ka-abnormalan nag-doodle na lang ako. Kapag stress and bored ako, hilig ko talaga yun.

Maya-maya pa ay pumasok na si Jerome sa classroom, di ko na sya tiningnan.

"Sino yun brad?" Tanong ng prof namin, parang kabarkada lang namin ito. Ahead lang ng ilang years sa amin.

Ka-close na rin namin sya kaya kung kausapin namin sya is like parang barkada.

"Si Meil lang po sir." Walang paga-alinlangan na sagot ni Jerome.

So? nagkabalikan sila?

"Girlfriend mo?" Tanong ni Sir. Tumango si Jerome bilang sagot, wow! Hahaha

Sa inis ko, napapasobra ng diin yung pagdo-doodle ko pati module ko nalagyan ko na.

Girlfriend pala.
Okay, hindi ako magagalit.
Be professional.

'Be professional? Gaga ka ba?' Turan sa aking isipan.

Kalma, self. Study first.

Kumalma ako at itinuon ang pansin sa pagbabasa at pag-doodle sa module ko na hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin ang barkada ko.

Pity, yun ang nakikita ko sa mga mata nila. I just smiled at them, gusto ko makita nila na strong ako. Lalaki lang yan.

Makalipas ang ilang sandali ay uwian na, buti na lang di kami nagkasalubong or what. Mas gusto ko na to, kasi alam ko na naman simula't sapol na si Meil pa din.

Nakauwi na ako at panaka-nakang tinitingnan ang CP, nagbabaka-sakali na may explanation? or closure man lang?

Pero as I expected, wala.

Tinuon ko na lang ang sarili ko sa Thesis and study. Yes, binuhos ko na dun lahat. Bakit, kung magpapakagalit at mangugulo ba ako may papala ako? Lalaki lang yan. Madami nan sa Earth hahaha

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon