CHAPTER X

24 16 0
                                    

"Ano mga bes? Di pa kayo tapos? Kayo na lang kasi inaantay dito e." Singit ni John na nasa unahan na.

Actually, yeah dismiss na kami pero may practice kami today for our performance para sa PE. Jusko! Anong connect ng programming sa PE? Huhuhuhuhu

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at pumwesto na sa aking pwesto na naka-assign sa akin ng di na sya tinitingnan.

Sayaw dito - Sayaw doon.

Makalipas ang ilang oras na pagpa-practice ng sayaw ay dinismiss na kami ng aming choreo.

"Bes, Cr lang kami ha?" Paalam nila Miles sabay hila kay Blossom at Ley.

Inaayos ko na yung gamit ko nang may maramdaman akong presensya sa aking tabi.

"Stella," Pagbanggit ng isang tinig sa aking pangalan. Hinarap ko ito at si...

"Jerome.." Pagsagot ko sa tawag niya.

"Ibabalik ko po ito." Sambit niya kasabay ng pag-angat ng kanyang kamay na hawak ang maliit na paperbag. "Sayo na po, ok na ako." Dagdag pa nito.

Uneasy na naman yung pakiramdam ko, di ko alam kung bakit.

"Luh. Sayo na nga yan, huwag mo na lang isipin na sa akin galing. Isipin mo na lang yan yung bimpo mo." Saad ko dito at pilit ibinibalik ang paperbag.

"Hindi ok lang po, huwag mo na pong intindihin yung bimpong nawala. Nasabi ko na naman po kay mama e." Sagot nito at lumabas sandali ng tawagin siya ni Chan.

Akala ko, ok na.

Pagbalik niya ay nagpaalam lamang sya.

"Uwi na ako, yung paperbag iniwan ko dun sa likod ng bullitenboard." Sambit niya na may pangiti-ngiti pang nalalaman. "Ikaw na po bahala dun." Dagdag pa nito bago umalis.

"Bahala ka!" Pahabol na sigaw ko dito.

Napatingin ako sa ilan kong kaklase na naiwan pa sa loob ng room namin. Takte mga nakatingin. Sh*t.

Nakita kong nakatingin si Gail na para bang nagtatanong.

"Ahm.. ang shunga kasi ayaw kuhain yung bimpo niya hehehehe." Sabi ko dito kahit na walang tanong na sinasabi.

Sakto namang dumating na sina Miles.

"Tara na, uwi na tayo?" Pag-anyaya nila sa amin.

Dali-dali ko ng dinampot ang bag ko at gamit ko. Sumabay na sa kanila palabas ng room.

Habang naglalakad kami ay sumisilip ako sa mga bulliten board na madadaanan namin, malay ko ba kung tinotoo ni Jerome yung sinabi niya na iiwan niya edi sayang naman. Magkano din yun MyGhad!

Laking pasasalamat ko ng wala naman akong makita, gumaan ang loob ko na alam kong iniuwi niya ang binigay ko.

Napangiti ako sa aking naisip na iyon at naging maayos ang araw ko.

Naglakad lamang kaming magkakaibigan at nagpasyang maghiwa-hiwalay sa mismong intersection sa highway. As usual, magkasama na naman kami ni Vannie at Miles.

Makalipas ang ilang minuto ay nakauwi na ako sa aming bahay. As usual, ako na naman mag-isa ngayon dahil nasa eskwela pa si bunso at nasa trabaho pa si mama.

Dahil wala naman akong ginagawa edi ano pa bang aasahan? Edi mag-cellphone. Facebook dito-facebook doon ang peg.

*scroll*
*scroll*
*scroll*

Nang may magpop-up na message sa aking cellphone. Si...

| Jerome Salazar 🔘|

Him: Panget?

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon