"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday... Happy Birthday to you! Happy Birthday Ste!" Magiliw na kanta ng mga barkada ko habang may hawak si Blossom na isang plato na may mga cookies na nagsilbing cake? Hahahaha how sweet of them.
"Happy Birthday Ste!" Sambit ni Blossom kasabay ng pag-abot sa akin ng plato na may mga cookies. "Regalo ko oh." Dagdag pa nito kasabay ng pag-abot sa akin ng isang paperbag.
Para kaming walang kasama sa classroom kung mag-ingay ang barkada ko. Kaya dumadami ang haters ko e hahahahaha.
"Picture!" Singgit ni Mai at pumwesto na sa tabi ko. Pinag-gitnaan nila ako ni Blossom at ang aming photographer ay ang aming kaibigan na si Chan hahahahaha.
"Ok na." Saad ni Chan sa amin. "Happy Birthday Bes." Bati pa nito.
"Salamat." Pagpapasalamat ko sa kanila.
Inalok ko silang lahat ng cookies na binigay sa akin at..
"Tulungan na po kita," Banggit ni Jerome kasabay ng pagkuha sa akin ng ilang gamit na hawak ko.
Pagkatapos ng kaunting salo-salo sa cookies ay naupo na ako at excited na buksan ang regalo ni Blossom.
"Sa sabado na regalo ko bes para may dala ako sa sabado." Saad ni Jhon sa akin at ng iba pa naming barkada.
"Ako na po." Suggestion ni Jerome kasabay ng pagkuha ng paperbag upang tanggalin ang staple nito. "Masugatan ka pa e." Dagdag pa nito.
Tinanggal niya na ang staple ng paperbag at inabot sa akin ito. Dali-dali ko namang sinilip kung anong laman nito.
"Ayyiieehhh! Thank you Blossom! Alam mo talaga kung anong gusto ko." Masayang sambit ko kay Blossom at dali-dali kong pinagkukuha ang laman ng paperbag.
Hello kitty na nailaw, different colors of highlighter, Hello Kitty stickers and eraser, Hair Curler, Memo pad na ang design ay vintage, at yung banana chips na gustong-gusto ko hahahaha.
Im so thankful hihihihi. Mababaw ba? Wala e ganun talaga ako.
Abala ako sa pagtingin ng regalo ng malaglag ang Negative ng picture ko sa sahig. Pupulutin ko na sana ito nang napulot na ni Jerome.
"Akin na lang po ito babe." Sambit ni Jerome na nakatingin pa sa akin.
"Luh! Hindi pwede, bagong negative yan e." Saad ko dito na kinukuha ang negative.
"Please?" Sabi nito kasabay ng pagkabit niya nito sa kanyang ID na suot.
Wala na akong nagawa pa, jusko! Pinag-interesan pa ang picture ko? Huhuhuhu.
Dahil sa di maiiwasang nasa classroom kami ay may papansin tsk.
"Happy Birthday! Happy Birthday.." tuloy-tuloy na kanta ng kaklase naming di ko ka-close? Alam mo yung feeling na naiiyamot ka kasi sobrang lakas ng boses na abot na sa kabilang classroom.
Lumipas ang ilang minuto nang pag-iingay ng mga kaklase ko ay may prof. Na pumunta sa room namin at...
"Bakit ang ingay niyo?" Engineer Suarez ang prof. na nasa kabilang section. Ito na nga ba sunasabi ko, jusko! Pasaway kasi itong mga kaklase ko.
"May birthday lang po Ma'am!" Pabirong sagot naman ni Vince ang kaklase naming papansin na kumakanta kanina.
"Sinong may birthday?" Masungit na tanong pa ni Ma'am Suarez.
"Si Stella po Ma'am." Sagot muli ni Vince.
"Oh! Happy Birthday." Sambit nito sa akin. At may sinabi pa ngunit di ko na naintindihan pa.
BINABASA MO ANG
Unforgetable Moment of Us
Teen FictionA Senior high school life with a full of surprises for Stella, a grade 11 student at Knight Academy. Stella is a nerd minus the nerdy clothes and glasses but she had a braces, she is not totally type of nerd but she love books than talking with othe...