CHAPTER VIII

45 20 0
                                    

Lumipas ang ilang sandali ay nag-reply sya... Kinakabahan ako habang kini-click ang message niya.

| Jerome Salazar 🔘 |

Me: Jerome?
Him: Bakit?
Me: Sorry... Di ko naman sinasadyang lipadin yung bimpo mo e, sorry.
Him: Ok lang.

He reply, pakiramdam ko hindi ok. Ewan pero salungat ang nararamdaman ko para bang ang cold ng dating.

| Jerome Salazar 🔘 |

Him: Ok lang.
Me: Sorry, papalitan ko na lang. Sorry kasi parang importante yung bimpo tapos hinayaan ko lang malipad ng hangin. Papalitan ko na lang, di man maibabalik yung sentimental value nung bimpo atleast napalitan ko yung bimpo. Sorry ulit.

Panay ang hingi ko ng paumanhin, mukha na akong timang dito sa aking pwesto dahil isa-isa ng pumapatak ang aking mga luha na di ko malaman bakit. Dala ba ng pagka-guilty? Or...

Tumunog ulit ang messenger notification ko at...

| Jerome Salazar 🔘 |

Him: Ok lang.
Me: Sorry, papalitan ko na lang. Sorry kasi parang importante yung bimpo tapos hinayaan ko lang malipad ng hangin. Papalitan ko na lang, di man maibabalik yung sentimental value nung bimpo atleast napalitan ko yung bimpo. Sorry ulit.
Him: Bigay ni Mama yun pero Ok lang, nasabi ko na naman kay Mama e.

Sagot niya sa mensahe ko lalo akong naguilty mygod! Pero iba yung kutob ko hayss.

| Jerome Salazar 🔘 |

Him: Ok lang.
Me: Sorry, papalitan ko na lang. Sorry kasi parang importante yung bimpo tapos hinayaan ko lang malipad ng hangin. Papalitan ko na lang, di man maibabalik yung sentimental value nung bimpo atleast napalitan ko yung bimpo. Sorry ulit.
Him: Bigay ni Mama yun pero Ok lang, nasabi ko na naman kay Mama e.
Me: Sorry ha, pakisabi sa Mama mo sorry. Papalitan ko na lang talaga.
-----MUTE NOTIFICATION-----

Yeah! Kahit na ako yung may kasalanan pinili kong di na muna sya kausapin kasi naiiyak talaga ako, di ko alam kung bakit sobrang guilty ba? Hayss ewan hinayaan ko na lamang na di na muli munang silayan ang convo namin para di na ako makaramdam ng sobrang guilty at sakit.

Busy ako sa pakikipag-usap sa aking kaibigan na si Vannie, ang topic pa rin naman ay yung bimpo na nilipad. Hayss.

| Vannie Bautista 🔘|

Her: Bes? Nagchat sa akin si Jerome, tinatanong if kausap daw ba kita?

Yan ang huling mensahe sa akin ni Vannie bago ako makaramdam ng antok pero nawala ito ng mabasa ko ang mensahe.

| Vannie Bautista 🔘|

Her: Bes? Nagchat sa akin si Jerome, tinatanong if kausap daw ba kita?
Me: Huh? Bakit naman?

Magulong tanong ko pabalik dito dahil bakit naman niya pa ako kailangan kausapin e samantalang kanina ng kausap ko sya ay parang ang cold niya tapos ganito siya hayss.. Jerome! Anong ginagawa mo?

| Vannie Bautista 🔘|

Her: Bes? Nagchat sa akin si Jerome, tinatanong if kausap daw ba kita?
Me: Huh? Bakit naman?
Her: Hindi ka daw niya kasi makausap, di ka daw nagrereply or seen man lang sa message niya. Ano bang meron? Nag-away kayo?

Mahabang reply nito at sinabihan ko na lamang siya na sandali lang at pumunta sa messenger app ng phone ko. Puro message nga ni Jerome. Hala bakit kaya? Binasa ko ang mga mensahe niya, puro "panget" naman ang nakikita ko e at may nabasa din akong magpagaan ng loob ko.

"Sorry kung nagui-guilty ka sa nangyari, hayae na wala na e di na naman maiibalik yun kasi nalipad na. Sorry panget. Umiyak ka daw? Sorry di ko naman ginustong maguilty ka e." Basa ko sa chat niya sa akin napangiti ako pero naandun pa rin yung guilty na nararamdaman ko.

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon