CHAPTER XXIII

18 6 0
                                    

Jerome: Oo na po Ms. Topakin pero ako lang yung pwedeng tumawag sayo ng Ms. Topakin ah.

Wow! Demanding? Ano ba kita? hahaha

Me: At bakit naman? I have my name.

Jerome: Ms. Topakin.. Wala lang kapag special yung tao dapat special din yung tawag.

Special my ass! Basta mo na nga lang ako iniwan sa ere tas may pa-special ka pang gago diyan! I hate it, so d*mn much!

Me: E? Special? Ano yun special child? Grabe.

He just replied some emoji.

Nang dahil sa convo namin di ko natapos ang pagsusuklay, ibinababa ko muna ang phone ko sa mesa na nasa harap ko para makapagsuklay ng maayos.

Nang matapos ako, dinampot ko na ang phone ko dumeretso na ako sa kama at nahiga pero bawal pa ako matulog dahil basa pa ang buhok ko. Kaya napagdesisyunan ko na mag-wattpad na muna, then suddenly-

Jerome: Pwede kang gumala sa Febfair?

Me: Idunno.

Nang-aaya ata to? hahaha well idunno talaga kasi di ko alam hahaha

Jerome: Gala Tayo.

Me: May gala ata kami.

Well di naman ako nagsisinungaling kasi madalas mag-aya mga kabarkada ko ng mga ganung occasion. Last Febfair, nagdate kami ni Ate Miles. Unexpected date yun kaya not sure talaga ako hahaha

Jerome: Pag ako nagyaya hindi ka nasama.

Awts, he hurts? Chos. I always declined kapag sya nag-aaya, I don't know why pero kadalasan kasi busy week sya mag-aya. Wrong timing ba hahaha

Me: E? Grabe! hindi naman.

Jerome: Gala naman tayo. Yung tayong dalawa lang.

Wow! May Girlfriend sya diba? So, bakit niya ako inaaya mag-gala ng araw ng mga puso? Hello? hahaha masyado na akong nabugnot kaya-

Me: Sorry, pero di ba parang mali naman? Nangyayaya ka ng iba? E may GF ka ata? Ok lang naman sa akin kung kasama barkada, pwede pa siguro.

Correct me if I'm wrong? Napakasama naman siguro tingnan lalo na sa part ko na, hello? Iniwan mo ko sa ere tapos ngayon you will asked permission kung pwede tayo gumala? Sa araw pa ng mga puso, he has a girlfriend which is Meil.

I had enough of Meil's tantrums before, hindi kasi nakakatuwa mga nagiging accusations sa akin ng babaeng yun kaya ayoko na sana mapalapit kay Jerome. Even friendship, kung yun lang din naman sisira ng relationship nila huwag na.

Jerome: Ano namang Mali? Masama ba na yayain kitang gumala? Gala lang naman po a tsaka po marami po kasi akong gustong itanong hahaha

Akala ko yun lang, then -

Jerome: Saka Girlfriend? Siguro dati meron.

So? kaya pala. Cool off na naman siguro sila ni Meil kaya, feeling single na naman tong lalaking ito. Hayss Bakit ako? He just giving me a false hope, again. I'm tired of this game. I just want to enjoy and play on my own pero bakit nangugulo na naman sya?

Pinagugulo na naman niya ang takbo ng storya.

Me: Marami kang gustong itanong? Tulad ng? Pwede mo na naman itanong ngayon.

'Please stop me.' Nakapikit kong bulong sa sarili, 'Stop me from drowning myself again.' Dagdag ko pang hiling sa sarili.

I'm praying na sana he will just said na "It's a prank!", but-

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon