CHAPTER XI

27 16 0
                                    

"Siguro gagawin na lamang namin ni Vannie itong Introduction or Chapter I tapos i-edit niyo na lang kung ayaw niyo or may idadagdag kayo." Seryosong sambit ko sa kanila.

Naglakas loob na akong magsalita kahit di ko alam kung papansinin ba nila or hindi, wala gusto ko ng matapos itong pag-uusap na ito. Para makauwi na ako, Exhausted na ako. Gusto ko ng magpahinga.

"Taray, galit?" Pabirong komento ni Jerome na syang ikinagulat ko at inaabot pa ang kamay ko, dali-dali ko naman iniiwas ito. Samantalang kanina ay wala man lang pumapansin sa akin kundi si Vannie lang.

"Hindi. Nagsasabi lang kasi paniguradong walang ibang gagawa nan kundi kami lang talaga ni Vannie." Sagot ko ng di natingin sa kanya sa librong tinitingnan ko ako nakatingin.

Hindi na sya umimik pa at maya-maya lang ay nagpasya na silang tapusin na ang ginagawa at magsi-uwi na.

Yung totoo? Wala man lang pahabol? Or concern man lang? Edi Okay! Kami lang naman ang utusan e. Hayss kaadwa.

Nagpasya na kaming umuwi ni Vannie habang naglalakad kaming dalawa ay wala puro ako dada ng dada. Ewan ba naman nakakairita kasi yung pangyayari. Ayoko kasing ganun, hello? Maasahan naman ako e! Dahil alam nila yun mukhang maabuso pa. Tsk.

"Ayaw man lang magpaka-professional ng taong yun e." Irita kong banggit habang naglalakad kami ni Vannie.

"Oo nga bes, hayae na." Saad nito.

Di na lamang ako umimik pang muli at naglakad na kami papunta sa sakayan.

Makalipas ang ilang sandali ay nakauwi na ako sa amin, nawala rin naman ang init ng ulo ko at pagkainis sa taong immatured.

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa mga gawain ko. Tambak na naman pala ang mga kailangan kong gawin, school works, thesis, at kung ano pang review ekek. Dahil biyernes ngayon, may dalawang araw akong gawin ang lahat.

Kinabukasan ay wala naman akong ibang gagawin kundi ang asikasuhin ang Acads ko and also to review some papers. Sosyal! Hahahahaha dahil tinatamad pa akong mag-aral, nag-wattpad muna ako. At sa di inaasahan ay inabot na ako ng maghapon sa pagbabasa sa wattpad.

Dumaan ang sabado't linggo na walang gaanong nangyari kundi aral lang, stay sa bahay, magbasa sa wattpad. Ganun kaboring ang buhay ko kapag nasa bahay hayss.

Lumipas ang mga araw at ganun lang ang treatment namin ni Jerome sa isa't-isa para bang di kami naging friends back then. But! All of sudden nagbago ang takbo ng kwento. Do you believe na nakikisama at ok na ulit siya sa akin? Nagpapakasweet pa and also balita ko wala na talaga siyang girlfriend at natapos na niya yung unfinished business nila nung ex niya. Back to normal na ulit kaming lahat, asaran at kung ano-anong kulitan na ulit. Para bang walang nangyari nagalit ang mga kaibigan ko sa kanya and also nagka-iwasan kami ganurn.

Para bang nanaginip lang ako ng mga sandaling naging magulo kami. Imagine naging mas sweet, caring and malambing siya sa akin ngayon. Naiilang na ako kasi parang iba na to.

Until may nag-birthday na isa naming friend. Nang nagkausap kami ay bigla niyang natanong kung kailan ako magbi-birthday. He suddenly said na kapag nag-legal age na ako, he will court me.

Nung una akala ko biro lang nang...

-----

October 05, 2017

It's my birthday. Akala ng mga kaibigan ko ay may mangyayari na 18 ekek but suddenly hindi natuloy gawa ng na hospital ang grandmother ko which is yung father ko ang magbabayad ng hospital bills niya. Kaya in the end, We ended up na magkakainan na lang sa bahay. Kaunting salo-salo na lamang.

Pero dahil ganun nga isinakto na lamang ng saturday ganapin which is October 7. I'll invited my professor which is like my second father, Mr. Reo. And also the squad who I belong.

Kasalukuyan kaming nasa classroom nang...

"Paano ako pupunta e hindi nga ata ako invited e." Narinig kong sambit ni Jerome habang kausap sina Miles na nagiisip na ng mga kalokohan sa celebration ng birthday ko.

"Hindi naman pala na-invite e. Hahahahaha" Mapang-asar na pagpaparinig ni John sa akin.

"Uy beshwang! Happy birthday." Bati ni Leo sa akin, nginitian ko naman ito at..

"Salamat. Regalo ko?" Pasasalamat ko at biro na rin malay mo hahahahaha.

"Naku tsaka na hahahahaha." Natatawang saad nito. "Wala man lang invite?" Dagdag na saad pa nito.

"Ay wala namang celebration e hahahaha punta na lang kayo sa saturday sa bahay, may kaunting salo-salo." Pag-anyaya ko dito.

"Sige ba! Sama ko si Ren at Josh ha?" Nakangiting sabi pa nito bago nagpaalam na babalik na sa kanyang silya.

"Tingnan mo yung iba in-invite, samantalang ako di ata talaga invited." Narinig kong ungot ni Jerome. Hinarap ko na sila at...

"Di ko na dapat kayo sabihan, automatic na kasi yun. Nag-message din ako sa gc natin ah." Sambit ko dito.

"E bakit sila Leo in-invite mo? Ako di mo man lang in-invite." Malungkot na saad pa ni Jerome.

"Bahala kayo, basta kaya di ko kayo sinabihan kasi alam ko na dapat automatic na yun. Kayo pa ba?" Saad ko at bumalik na sa ginagawa.

Lumipas pa ang ilang oras ay nasa isang laboratory kami yung malayo sa room namin, nagtataka ako kung bakit nagbu-bulungan ang mga katabi ko. Jusko! Ano to? Bakit parang kinakabahan ako? Anong meron?

And then ng ma-dismiss kami ay iniwan agad ako ng mga kasama ko. Medyo nainis ako kasi nagsosolo ako pabalik sa classroom namin.

Habang naglalakad ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko para bang feeling ko may mangyayari na hindi ko malaman kung ano. Abot-abot ang kabog ng aking dibdib.

Nang malapit na ako sa classroom ay wala naman akong kakaibang napansin dahil glass yung wall ng classroom namin which is nakikita yung mga tao sa loob ng room. Tiningnan ko na lamang ang mga kaklase kong nasa loob ng room at wala naman akong napansin na kakaiba dahil mga naka-upo sila sa kanya-kanya nilang silya. Nang marating ko ang pintuan ng aming classroom ay mas lalo ako nakaramdam ng malakas na kabog ng dibdib hanggang sa unti-unti kong pihitin ang doorknob ng pinto upang mabuksan ito. Nang....

-----

Hope you enjoy this story. Don't forget to Follow, Votes and Comments.

All rights reserved.

-viyxx

Unforgetable Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon