PROLOGUE

2.5K 29 7
                                    

--PROLOGUE--

Nang makarating siya sa condo ni James ay hindi na niya pinindot ang doorbell at ti-nype na lang ang passcode ng pinto. Nang bumukas ay agad siyang pumasok.

"James!"pagtawag niya sa nobyo habang pinapalibot ang tingin sa buong condo.

Nang hindi niya makita ang nobyo ay pumunta siya sa kuwarto nito. Nang pumasok siya sa kuwarto ng nobyo ay wala ring tao roon. Aalis na sana siya ng makarinig siya ng mga boses na nanggagaling sa banyo. Agad siyang nakaramdam ng kaba habang unti-unti siyang lumalapit roon. Nagbabadya narin ang mga luha niya.

Nang tuluyan na siyang nakalapit sa pinto ng banyo dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob pero hindi niya iyon magawang buksan.

Nadurog na ang puso niya ng marinig ang boses ng nobyo niya na sinundan ng boses ng isang babae. Dahan-dahan siyang napabitaw sa pagkakahawak sa doorknob at napaatras. Isa-isa ng tumulo ang mga luha niya. Sobrang sakit sa dibdib niya. Hindi niya man nakita ay alam niyang ang nobyo niya ang nasa loob. Alam na alam niya ang boses nito.

Napako ang tingin niya sa kama ng may mapansin siyang box na nasa ibabaw ng kama.

Kahit na nanglalabo ang tingin niya dahil sa luha na umaagos ay lumapit siya roon at kinuha niya iyon.

Dahan-dahan niya iyong binuksan. Mas lalo siyang napaiyak ng makita ang laman nito.

Kinuha niya ang pinakaunang litrato ng nobyo niya kasama ang babae nito. Tinitigan niya ito at ramdam niya na mas lalo pang nadudurog ang puso niya.

Ibinaba niya ang hawak niya at agad na tumakbo paalis sa lugar na iyon.

______

She meet him.
He meet her.

They meet each other in an unexpected way.

A girl from a heartbreak. Will she be able to love again?
A guy that will do anything just to make her fall inlove again. Not in the same guy but him.









¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

This is a work of  fanfiction. Some names,characters,businesses,places,etc is from the imagination of the author. If some parts is familiar to you it's purely coincedental.

Love Again

A Donbelle story

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now