CHAPTER 8

456 19 0
                                    

M I K E - Two days later...

Dalawang araw na rin ang nakakalipas ng inihatid niya si Elise. Ever since that day ay hindi na naalis sa isipan niya ang dalaga making him miss her even more.

"Pre,ba't tahimik mo naman masyado?"tanong ng kaibigan niyang si Xander. Naririto sila sa condo ni Xander dahil nag-aya ito ng inoman. Hindi nakarating si Angelo dahil may pinuntahan ito na hindi sinabi sa kanila kung saan.

"May iniisip lang." Sagot niya. At uminom sa can beer na hawak niya.

"Babae yan,no?" Nang-aasar na tanong sa kaniya ni Xander. He sip on his beer before shaking his head. Denying. Kahit na ang totoo ay babae talaga ang iniisip niya.

Xander looked at him like he didn't believe him. He just chuckled at him.

"What will you do if you meet someone whose not leaving you're mind since you meet her?" Biglang tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni Xander.

"Kita mo na! Babae talaga iniisip mo eh!"

Hindi niya ito pinansin at hinintay na lang ang sagot nito.

"Sagotin mo na lang!" Tugon niya at uminom. Napahawak sa panga niya si Xander pinag-iisipan ang isasagot.

"If ako yon,magpapakilala agad ako tapos hindi ko siya titigilan."

"Para ka namang stalker non,kung ganon." Kunot-noong tugon niya. Xander just chuckled.

"Atleast,mapapansin ako di'ba. Malay mo mainlove siya sakin. Baka maunahan kapa,sige ka." Tugon ni Xander.

"E,kakakilala ko pa lang sa kaniya."

"E,ano naman. Kung gusto mo siya e di gumawa ka ng paraan. Sa panahon ngayon marami ng nag-uunahan sa babae,e."

Hindi na siya umimik pa at nanood na lamang sa pinanonood nila.

Nang sumapit ang hapon ay umuwi na rin siya. Naabutan niya sa sala ang mga magulang niya na nanonood. Lumapit siya sa ina niya at humalik sa pisnge nito. Ikinagulat iyon ng mama niya.

"Nakauwi ka na pala,anak. Akala ko gabi ka pa uuwi dahil yon ang sinabi mo?" Nagtatakang tanong ng mama niya.

"Nagbago ang isip ko." Maikling sagot niya at naupo sa isahang sofa.

"Kailan balik rito ni Elise?" Biglang tanong ng mama niya na ikinagulat niya.

"H-hindi ko alam,Ma"utal na sagot ko.

"Bakit naman?"muling tanong niya.

"Hindi ko pa po siya nakakausap mula noong lunes"sagot ko.

"Bakit hindi mo tawagan,may number ka naman niya,di ba?"singit ni Papa. Bakit ba panay tanong nila.Hayyyy nako.

"Busy siguro Pa"sagot ko nalang at tumayo para pumunta sa kwarto.

NANG maisara ko ang pinto ay napa-buntong hininga ako. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa. Napatitig ako sa cellphone ko,nag-aalinlangan ako kung tatawagan ko ba siya o hindi. Nang makapagdesisyon ay di-nial ko ang number ni Elise.
Umabot muna ng ilang ring bago nito nasagot.

"Hello,sino to?"sambit ni Elise sa kabilang linya. Napansin kung parang paos ang boses niya at parang panay hinga niya ng malalim,umiiyak ba siya.

"Si mike to"sagot ko at humiga sa kama.

"May kailangan ka ba?"

"Umiiyak ka ba?"tanong ko.

"Hindi"sagot nito pero rinig ko naman ang mahinang hikbi niya.

"Nasaan ka?"tanong ko.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now