CHAPTER 12

379 16 1
                                    

NANG makarating ang dalawa sa mall ay agad nag-park ang binata sa parking lot ng mall. Nang maayos ng naka-park ay naunang lumabas ang binata at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.

Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad sila papasok.

Nang makapasok na sila ay tinanong siya ng binata.

"Saan mo unang gustong pumunta?"tanong sa kanya ng binata habang nakatitig sa kanya kaya naman ay nakaramdam ng pag-kailang ang dalaga.

Ibinaling niya sa iba ang tingin para makaiwas sa tingin ng binata.

"Ahm....doon na lang"sagot niya at tinuro ang isang store ng mga damit pang-babae.

"Okay...Tara"sambit ng binata at hinawakan siya sa kamay at hinila siya papunta sa store na tinuro niya.

Habang ang dalaga naman ay nakatingin lang sa kamay nilang magkahawak ng binata. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Alam niya kong bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil ganon din ang nararamdaman niya sa dating nobyo. Natatakot siyang baka kong mahal na niya ang binata ay baka iwan siya nito o di kaya ay ipagpalit sa ibang babae..nasisiguro niyang sobra siyang masasaktan kung mangyari nga iyon. Nalilito din siya dahil sa tuwing na-aalala niya ang dating nobyo ay hindi na siya masyadong nasasaktan. Isa pa noong nakaraang gabi ay hindi matanggal sa isip niya ang binata na ngayon ay kasama niya at hawak pa ang kamay niya.

Nang makarating sila sa store na tinuro niya ay agad siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa binata at nagsimulang maglakad-lakad habang pumipili ng gusto niyang bilhin.

Nang makapili siya ay bumaling siya sa binata pero nagulat na lamang siya ng makitang wala na ang binata sa puwesto nito kanina kung saan niya ito kanina iniwan.

Naglakad-lakad siya para hanapin ang binata pero napatigil lang siya sa paglalakad ng may magsalita sa likod niya.

"Elise"rinig niyang pamilyar na boses agad niyang nilingon ito. Nagulat siya ng makita si James ang dati niyang nobyo.

"Kamusta kana?"tanong sa kaniya ng binata.

"Ah...a-ayos lang naman"utal na sagot niya.

"Mag-isa ka lang ba?"muling tanong nito sa kanya. Sasagot na sana siya ng may babaeng dumating at agad na yumakap sa binatang kaharap niya. Napaiwas siya ng tingin.

"Ikaw?!!!"galit na sambit ng bagong dating. Tumingin siya sa babae at natawa ng mahina ng makitang ang babaeng yon ay ang naka-away niya sa party. Ang ipinalit sa kaniya ng dating nobyo.

"Mag-isa ka lang ba? Kawawa ka naman"maarteng sambit ng babae puno ng panunukso ang boses.

"Be nice,Sandra"saway ng binata sa babae na nag-ngangalang Sandra. Sumiring lang ito bago siya sinamaan ng tingin.

Natigilan lang siya ng may umakbay sa kaniya.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala"sambit ng binata na mukhang hindi napansin ang dalawang tao na kaharap niya.
Ngumiti siya rito bago sumagot.

"Hinahanap din kita eh bigla ka nalang nawala"sagot niya.

"May nakita kasi akong dress na mukhang babagay sayo kaya naman nawala ako"sagot ng binata.

Napatigil lang sila ng biglang may tumikhim.

"Oh....may kausap ka pala?"sambit ng binata na ngayon ay nakatingin na sa kaharap niya.

"Mike..this is James. James...this is Mike"pakilala niya sa dalawa. Natigilan naman ang binatang nakaakbay sa kaniya.

"Nice meeting you... Pare"sambit ng binatang katabi niya seryuso ang boses nito.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now