CHAPTER 26

375 13 5
                                    

Napahiwalay sa kaniya ang binata dahil sa gulat sa sinabi niya.

"W-What did you say? C-Can you repeat it again?" Nauutal na tanong ni Mike. Puno ng gulat ang mga mata nito. Her smile grew even bigger.

"I'm inlove with you,Mike." Buong pusong sambit niya.
"Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa'yo. Plano ko sa nang ayain ka magdate pero dahil nagseselos ka kay James ay binigyan na kita ng kasiguradohan na hinding-hindi na ako makikipagbalikan pa sa kaniya."

"So,girlfriend na ba kita?" Umaasang tanong nito. She smiled and nodded.

"Yes,"

"Yes!!" Malakas na sigaw ni Mike habang ngiting-ngiti. Puno ng kasiyahan ang mukha nito.

Nagulat siya ng hilahin siya nito at yakapin ng mahigpit.

"I love you so much,Elise." Bulong sa kaniya ni Mike kaya napangiti siya.

"I love you too,Mike." Sagot niya.

Humiwalay na sa kaniya ang binata. Nginitian siya nito.

"Pumasok ka na. Kailangan mo ng magpahinga. Susunduin kita bukas." Sambit ng binata. Tumango siya at tinanggal ang pagkakasuot ng seatbelt. Nang bumaling siya kay Mike ay lumabas na pala ito at naglakad papunta sa shotgun seat at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thanks,"

Nang makababa siya ay ganon na lang ang gulat niya ng hawakan siya nito sa bewang at hinila palapit sa binata. Napahawak siya sa matipuno nitong dibdib.

"Mike," she whispered while staring at him.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kaniya hanggang sa magtagpo ang labi nila. Napapikit siya.

Nang humiwalay ang labi nila ay yinakap siya ng binata.

"I love you so much," bulong sa kaniya ng binata.

"I love you," tugon niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa binata. She felt so happy. Hindi niya inakalang muli siyang magmamahal ng ganon kabilis. Pero wala siyang pinagsisihan dahil alam niyang si Mike na ang nakatakda para sa kaniya.

"Sige na,pasok ka na." Nakangiting sambit ni Mike ng humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya.

Tinitigan niya ang binata bago ngumiti.

"Okay,see you tomorrow." Paalam niya at naglakad na papasok. Bago niya isara ang gate ay kumaway siya sa binata. Nakangiting kumaway din sa kaniya pabalik ang binata. Sinenyasan niya itong pumasok na sa sasakyan nito. Tumango lang ang binata.

Nang makapasok siya ay ang pag-alis rin ng binata. Napakalapad ng ngiti niya habang naglalakad siya papunta sa kuwarto niya.

Nasa unang baitang palang siya ng hagdan ng marinig niya ang boses ng kuya niya.

"Ang saya mo,ah" sambit ng kuya niya mula sa likuran niya kaya agad siyang humarap dito.

"Yeah,I'm so happy." Masayang sambit niya.

Natawa sa kaniya ang binata,agad na siyang nagpaalam sa nakakatandang kapatid at nagpatuloy na sa pag-akyat.

Nang makapasok siya sa kuwarto niya ay agad na siyang pumasok sa bathroom.

**
Thursday....

Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam na gumising siya. She felt so happy.

Ngiti-ngiting inayos niya ang higaan niya bago pumasok sa bathroom para mag-shower.

Pagkatapos ay nagbihis siya. She just wore a lightpink sleeveless shirt and baggy white pants. Paired up with white shoes. She tied her hair into a bun before putting light make-up.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now