CHAPTER 16

325 12 0
                                    

Thursday.

10am na ng umaga ng magising si Elise. Mabuti na lang ay 1pm pa ang duty niya kaya ayos lang na matulog siya ng mahaba dahil puyat din siya dahil sa duty niya kahapon.

Tumayo siya at pumasok sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo. Inayos niya muna ang higaan niya bago lumabas ng kuwarto niya. Nang makababa siya ay tanging si Naida ang isa sa mga kasambahay nila lamang ang naabutan niya.

"Ate Naida,Nasaan po sina Daddy?"tanong niya sa isa sa mga kasambahay nila.

"Wala ngayon sila,Eli. May binisitang kaibigan. Pinapasabi nila na baka raw gabihin sila"sagot sakanya ni Naida. Napatango na lang siya.
"Kumain ka narin,Elise. Meron nang agahan na nakahanda sa mesa"sambit pa nito.

"Opo"sagot niya at naglakad na papuntang komedor. Naabutan niya roon si Manang Belen ang mayordoma na inaayos ang mga pagkaing nakalatag sa mesa. Nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kaniya kaya nginitian niya rin ito.

"Kumain kana,iha"sambit nito. Tumango siya at umupo na. Naglagay siya ng pagkain sa plato niya at tahimik siyang kumain. Habang si Manang Belen naman ay iniwan muna siya at babalik na lang kapag tapos na siyang kumain.

Nang matapos siya ay dinala niya ang pinagkainan niya sa kusina at nilagay ito sa sink.

"Hinayaan mo na lang sana iyan,iha at ako na lang ang magliligpit ng pinagkainan mo "sambit ni Manang Belen na nasa kusina.

"Ayos lang po,Manang"nakangiting sambit niya. Nagpaalam na siya rito at bumalik sa kuwarto niya.

Nang maisara niya ang pinto ng kuwarto niya ay pumasok siya sa banyo para maligo. Nang matapos siya ay nagsuot siya ng black longsleeve na tinuck in niya sa maong pants niya tinupi niya ang sleeve niya hanggang siko. Sinuot niya ang black shoes niya.

Pagkatapos ay sinuot niya ang relong pambisig niya. 11:20am narin. Naglagay lang siya ng light make-up pagkatapos ay tinali niya ang buhok niya ng pa-bun. Nang matapos siya ay kinuha na niya ang bag niya at susi ng kotse niya bago lumabas sa kuwarto niya.

Nang makaupo siya sa driver seat ay binuksan ni Rika isa rin sa mga kasambahay nila ang gate. Iminiobra niya ang kotse niya palabas.

Nang tuluyan na niyang nailabas ang kotse niya ay nagpaalam sa kaniya si Rika bago nito muling isinara ang gate. Kumaway lang siya rito bago binuksan ang makina at nagdrive na paalis.

Nang maipark niya ang kotse niya sa parking lot ng hospital ay lumabas na siya ng kotse niya.

Nang makapasok siya sa opisina nila ay naabutan niya roon si Ami na nakaupo sa swivel chair nito at mukhang pagod.

"Ayos ka lang,Ami?"tanong niya ng mailagay niya ang bag niya sa ibabaw ng mesa niya. Tumingin ito sa kaniya at pagod na sumagot.

"Kaya pa"maikling sagot si Ami. Tinapik niya ang balikat nito bago pumasok sa banyo na nasa opisina nila at nagbihis ng scrub. Nang makalabas siya ay sinuot na niya ang white coat niya.

Tinignan niya ang relong pambisig niya. 12:40am narin.

"Anong oras off duty mo?"tanong sa kaniya ni Ami. Lumingon siya rito.

"10pm. Ikaw?"balik tanong niya.

"7pm"sagot ni Ami.

Sabay silang lumabas ni Ami. Nang makarating sila sa lobby ay saktong dumating ang ambulansiya ng hospital. Kaya naman ay agad silang tumakbo ni Ami para salubongin ang pasyente.

Nang maibaba na ang streacher lulan ang pasyente ay nagulat siya kung sino ang lulan nito. It was Mike his white tshirt is soak with blood. His face has wounds. His forehead is dripping with blood. Her eyes move towards his left thigh,blood is visible in his grey pants.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now