CHAPTER 10

437 12 0
                                    

Kinabukasan....
Saturday

NANG magising kinabukasan si Elise ay ramdam niya ang pananakit ng kaniyang mga mata. Napabuntong hininga siya at umupo. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sumasakit ito dahil siguro sa kakaiyak niya kagabi. Tumayo na siya at pumasok sa bathroom.

TULALANG nakatayo si Elise sa ilalim ng shower na patuloy siyang binabasa. Ang isip niya ay lumilipad kung saan-saan. Hanggang sa huminto iyon sa masakit na karanasan. Hindi niya mapigilang umiyak.

Ito na ang huling iiyak ako ng ganito dahil aalisin na kita sa puso at isip ko. Sambit ni Elise sa kanyang isip habang umiiyak at nakapikit na dinadamdam ang tubig na umaagos papunta sa katawan niya.

NANG matapos siya sa pagligo ay nagbihis na siya pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Agad siyang pumasok sa kusina.

Agad siyang lumapit sa ref at binuksan iyon,kumuha siya ng slice bread at nutella. Pagkatapos ay isinara niya muli iyon. Kumuha siya ng pinggan at kutsara at ilinagay iyon sa mesang may kataasan,pagkatapos ay umupo siya sa high chair. Kumuha siya ng dalawang slice bread at linagyan ang isa ng nutella pagkatapos ay linagay sa ibabaw ang isa pang slice bread at kinagatan niya iyon.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng pumasok ang Daddy niya.

"Ba't yan lang ang kinakain mo,Anak?"tanong ng kaniyang ama.

"Hmm....wala akong gana masyado,dad,ito lang kaya kong kainin"sagot ni Elise at muling kumagat sa nutella sandwich niya.

"Nasaan po si Mom at Kuya?"tanong niya.

"Sinamahan ng Mommy mo ang kuya mo sa opisina dahil siya na ulit ang magha-handle noon pero uuwi din raw agad ang Mommy mo"sagot ng kaniyang ama napatango lang siya.

"Ayos ka lang ba,anak?"nag-aalalang tanong ng kaniyang ama.

"I'm okay,dad"sagot ni Elise habang ngumunguya. Napabuntong hininga ang kaniyang ama.

"Nandito lang ako palagi,Anak,pwede kang magsabi sakin,anytime"senserong sambit ng kaniyang ama. Ngumiti ang dalaga dahil sa sinabi ng kaniyang ama.

"I know,dad"nakangiting sambit ni Elise.

"Tapusin mo na ang pagkain mo"nakangiting sambit ng kaniyang ama at iniwan na siya nito. Inubos niya na rin ang pagkain niya. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa kaniyang kuwarto.

Umupo siya sa kanyang kama. Kasabay ng pagtunog ng cellphone niya na nasa bedside table. Napabuntong hininga siya at tumayo at binasa kong sino ang tumatawag. Nang makitang si Ami yun ay agad niyang sinagot.

"Elise"sambit ni Ami mula sa kabilang linya.

"Bakit?"tanong niya at humiga sa kanyang kama.

"Ahm...Gusto mo bang sumama?"tanong ni Ami sa kanya.

"Saan?"tanong niya.

"Sa birthday party ng pinsan ko"

"Sorry,Ami,wala kong gana gumala,eh"sagot ni Elise.

"Please,Elise sumama ka na para naman malibang ka kahit kunti"pamimilit sa kanya ni Ami. Napabuntong hininga siya.

"Kailan ba yan?"tanong niya.

"Mamayang gabi"mabilis na sagot ni Ami na animo'y excited sa magiging sagot ni Elise.

"Sige, payag na ko basta sunduin mo ko rito sa bahay tapos ikaw din maghahatid sakin pauwi"sambit ni Elise. Pumayag na lamang siya dahil hindi siya titigilan ni Ami hanggang sa hindi siya napapapayag.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now