CHAPTER 14

344 9 0
                                    

Kinabukasan
Tuesday.....

NAKANGITING gumising si Althea sobrang saya ang nararamdaman niya dahil nagka-ayos na sila ni Elise. Tumayo siya at inayos ang higaan niya bago pumasok sa bathroom. Nang lumabas siya ay nakasuot na siya ng Yellow sleeveless blouse with flower design at tinuck-in sa suot niyang white fitted pants. Nagsuot siya ng black boots na hindi masyadong mataas. Umupo siya sa harap ng vanity mirror niya at naglagay ng light make-up. Blinower niya ang basa niyang buhok bago tinali.

Nang matapos siya ay kinuha niya ang  Chanel bag niya at sinuot bago lumabas ng kuwarto niya. Nang makarating sa dining area ay naroon na ang Daddy at Mommy niya kasama ang nakatatandang kapatid na lalaki na si Andrey. Umupo siya sa palagi niyang puwesto at nilagay ang bag niya sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Kamusta ang Theala,anak?"tanong sa kaniya ng daddy niya. Binaba niya ang kubyertos at pinunasan ang bibig niya.

"Its fine,Dad. Nagpa-plano na rin akong magpatayo ng isa pang branch ng Theala sa Laguna"sagot niya. Napatango-tango ang Daddy at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Kaya ganon rin ang ginawa niya.

Nang matapos siyang kumain ay nagpaalam narin siya at umalis narin.

Nang maipark niya ang kotse niya sa parking lot ng Theala ay agad siyang bumaba ng kotse at ni-lock ito bago naglakad papasok sa Theala. Meron naring costumers dahil 8am na ng umaga.

Nang makita siya ng mga empleyado niya ay binati siya ng mga ito. Nginitian niya lang sila bago pumasok sa opisina niya.

Nang makaupo siya sa swivel chair niya ay nilagay niya ang dala niyang bag sa ibabaw ng mesa.

Napabuntong-hininga na lang siya at napasandal sa sandalan ng swivel chair niya. Inaasikaso niya ang pagpapatayo ng bagong branch ng Theala kaya naman ay busy siya. Aalis rin siya maya-maya para kausapin ang Engineer na may hawak sa paggawa ng bagong branch.

Tumayo siya at lumabas ng opisina niya. Agad siyang nakita ng manager kaya naman ay agad itong lumapit sa kaniya.

"May kailangan ka po ba,Ms. Althea?"tanong sa kaniya ng Manager.

"Ice Coffee,please"sagot niya. Tumango naman ang manager at umalis sa harap niya para asikasuhin ang Ice Coffee niya.

Napatingin siya sa lalaking kakapasok lamang. Tinitigan pa niya ito ng mabuti dahil parang pamilyar ang mukha nito sa kaniya. Nang maalala niya ay nanlaki  ang mata niya sa gulat.
Siya ang lalaking nakabunggoan niya noon sa Airport.

Muli siyang napatitig sa lalaki. Noong una niya itong nakita ay nagkainitan sila dahil sa nangyari mabuti nalang ay hindi niya na muli itong nakita pero ngayon.

Napaiwas siya ng tingin ng mapalingon sa kinatatayuan niya ang lalaki para siyang nawalan ng hininga bigla. Ramdam niya ang tingin ng lalaking yun sa kaniya na para bang pinag-aaralan siya. Napahinga siya ng maluwag ng dumating narin ang manager dala ang Ice Coffee niya. Agad niya iyong kinuha ng iabot sa kaniya iyon at nagpasalamat bago muling pumasok sa opisina niya. Umupo siya sa swivel chair niya nilagay niya ang Ice Coffee sa table.

Napailing-iling siya para mawala ang lalaki sa isip niya. Ininom niya ang Ice Coffee niya at bumalik sa trabaho niya.

Nang sumapit ang 3pm ay inayos narin niya ang mga gamit niya. Makikipagkita siya sa Engineer na may hawak sa paggawa ng bagong branch ng Theala sa Laguna. Nang lumabas siya sa opisina niya at nagpaalam sa manager na hindi na siya makababalik mamaya at ito na ang bahala sa Theala.

Nang lumabas siya sa Theala ay agad siyang naglakad papuntang parking lot na nasa tabi lang rin nito.

Bubuksan na sana niya ang kotse niya ng may magsalita sa likod niya.

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now