CHAPTER 27

342 13 2
                                    

Nang makauwi siya ay napakagaan ng pakiramdam niya. Hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman ng katawan niya.

May ngiti sa labi na nahiga siya sa kaniyang kama. Hindi niya maalis ang kasiyahan na nararamdaman niya. Para siyang nasa ulap.

Hindi niya inaakalang muli siyang iibig. Mula sa sakit na naranasan niya. Mula sa taong minahal niya noon.

She's really thankful that she meet Mike because of him she's happy again. Pero sana naman ay hindi niya na naman muling maranasan ang masaktan.

**

Kinabukasan
Friday.

Alas-nuwebe na ng umaga ng magising si Elise. Mabuti na lang at wala siyang duty ngayong araw kaya may oras siya para magpahinga.

Pumasok siya sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na siya. She combed her hair before walking downstairs.

Naabutan niya ang Kuya niya na nasa sala habang abala sa panonood.

"Hindi ka pumasok,Kuya?" Tanong niya. Lumingon sa kaniya ang kaniyang nakatatandang kapatid.

"Yeah,tinatamad ako." Sagot nito at ibinalik ang tingin sa pinanonood.

"Where's Mom and Dad?" Tanong niya.

"Out of the country.....bussiness matter." Sagot ng Kuya niya na hindi man lang lumingon sa kaniya. She pouted before walking towards the kitchen.

Napangiti siya ng makitang may breakfast na nakahanda. She immediately sat down and started to eat.

Nang matapos siyang kumain ay bumalik siya sa sala pero ganon na lang ang gulat na naramdaman niya ng makita si Mike sa salas at nanonood ng movie kasama ang Kuya niya.

"Mike?!" Gulat na wika niya habang nanlalaki ang mga matang nakatigin rito. Mike immediately looked at her. Natawa pa ito ng mahina dahil sa reaksyon niya.

Tumayo ito at lumapit sa kaniya.

"Hindi ka naman nagsabi na pupunta ka pala ngayong araw dito." Sambit niya. Hindi siya sinagot ng binata at yumakap sa kaniya.

"I miss you so much," bulong nito sa kaniya. Napangiti siya at yumakap din pabalik. Pakiramdam niya ay may mga paro-parong nagliliparan sa tiyan niya.

"I miss you too," sagot niya. Napahiwalay silang dalawa ng may tumikhim.

Nang tignan niya ay bumungad sa kaniya ang Kuya niya na lukot ang itsura habang nakatingin sa kanila.

"Really? Sa harap ko pa talaga," lukot ang mukhang wika nito.

"You sounds bitter,Kuya." Mapang-asar na wika niya. Umingos lang ang Kuya niya at muling bumaling sa pinanonood.

Marahang hinila niya ang binata at dinala iyo sa backyard kung nasaan ang pool.

Naupo siya sa isa sa mga sun lounger sa ilalim ng malaking payong. Ganon din ang binata sa isa pang sun lounger. Nasa gitna nila ang mesa.

"So,ahm bakit ka pumunta rito? Hindi ko pala nasabi sa'yo kahapon na wala akong pasok ngayon." Wika niya at tumingin sa binata.

"Hmm,pumunta ako sa Hospital kanina eh pero wala ka pala roon. Mabuti na lang at nakita ko si Ami kanina kaya nagtanong ako at sinabi nga niya sa'kin na wala kang pasok ngayon. Tapos dumeritso na ako rito." Sagot ng binata.
"Inasikaso ko rin ang pagtatrabaho ko roon sa Hospital na pinagtatrabahoan mo kaya naroon ako."

"Ganon ba,kailan ka papasok?" Tanong niya.

"Monday,"

Napatango-tango siya at lihim na napangiti dahil makikita na niya palagi ang binata sa Hospital. Pero agad ding nawala ang ngiti niya ng maisip na baka hindi sila masyadong magkita roon dahil sa pareho silang busy lalo na kapag maraming pasyente.

"Are you okay?" Nawala ang iniisip niya ng marinig ang boses ni Mike.

"A-Ayos lang ako," nauutal na tanong niya. Tumayo siya at tumingin sa binata.

"Anong gusto mo? Water,juice or coffe?" Tanong niya at tumayo saka lumapit. Tinignan siya ng binata at napatili siya ng hilahin siya nito dahilan para mapaupo siya sa mga hita nito.

"Are you really okay?" Tanong nito sa kaniya.
"Nakangiti ka kasi kanina tapos bigla ka ring sumimangot."

Pilit siyang tumawa saka pabirong tinampal ang braso nito.

"Ano ka ba! Ayos lang ako. May naisip lang. So,anong gusto mo?" Nakangiting wika niya. Tinitigan siya ng binata bago sumagot.

"Juice na lang." Sagot nito. Nakangiting tumango siya saka umalis sa pagkakaupo sa hita nito.

"Wait here,kukuha lang ako." Paalam niya at naglakad na paalis.

Nang makapasok siya sa kusina ay napabuntong-hininga siya ng malalim saka nagtimpla ng juice gumawa na lang din siya ng sandwich saka inilagay ang isang pitsel at dalawang baso sa tray ganon din ang isang plato na puno ng sandwich. Saka iyon dinala sa backyard.

Nang makalapit siya ay inilapag niya sa mesa ang pitsel at baso pati na ang sandwich. Saka itinabi yung tray.

Sinalinan niya ang dalawang baso ng juice saka inilapit niya ang isa sa binata. Kinuha niya ang isa at naupo sa lounger saka sumimsim sa basong hawak niya.

"Kain ka,masarap yang sandwich." Wika niya ng mapansing niyang umiinom lang ng juice ang binata.

Kumuha ito ng isa saka kumagat.

"Masarap?" Puno ng pag-asang tanong niya.

"Yeah," sagot nito at iniumang sa kaniyang ang sandwich. Tumitig siya sa binata saka kumagat sa sandwich.

Namula ang pisnge niya ng punasan nito ang gilid ng labi niya.

"Missy," mahinang wika nito pero narinig naman niya.

"Hindi kaya!" Pagtanggi niya. Natawa lang sa kaniya ang binata bago ilapit ang hawak nitong sandwich sa labi niya.

"Eat," mahinang wika ng binata. Nakangiting kumagat siya sa sandwich at tatango-tango habang ngumunguya.

Habang masayang pinagsasaluhan nila ang hinanda niyang sandwich ay panay kuwentuhan nila at asaran.

"Babe," sambit ng binata sa likuran niya. Parehong nakaupo silang dalawa sa may pool ang mga paa nila ay nakababad sa tubig. Nasa likuran niya ang binata habang nakayakap sa kaniya.

"Hmmm," she hummed while playing Mike's fingers.

"Sa tingin mo, magtatagal ba ang relasyon natin?" Tanong nito sa kaniya. She looked at him over her shoulder.

"Yes,let's trust each other. Naniniwala kasi akong kapag pareho kayong may tiwala sa isa't-isa magagawa niyong malampasan ang ano mang hamon sa relasyon niyo." Sagot niya.
"Bakit mo na tanong?"

"Wala lang. Ikaw kasi yung first girlfriend ko eh." Sagot ng binata.
"But I promise you,I will never cheat on you. I will never look for another woman because you're already enough for me."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya dahil sa kilig na nararamdaman. Her heart is beating so fast inside her chest.

"You're more than enough for me." Sambit niya.

Nilingon niya ang binata sa kaniyang likuran. Umuklo ang binata para magpantay ang kanilang mukha at marahang hinalikan siya sa labi.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang damhin ang halik nito. At ng maghiwalay ang kanilang mga labi ay parehong may ngiting nakaukit sa kanilang mga labi habang puno ng pagmamahal na nakatingin sa isa't-isa.

•••••

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now