CHAPTER 24

299 10 0
                                    

E L I S E

Nang matapos ang duty nila ni Ami ay sabay silang bumaba papuntang parking lot.

Habang naglalakad sila papuntang sasakyan ni Ami ay kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang driver at sinabihang si Ami ang maghahatid sa kaniya.

Nang makasakay sila sa kotse ay agad niyang isinuot ang seatbelt. Si Ami ang magda-drive kaya naroon ito sa driver seat.

"Ang lakas talaga ng sapak ng lalaking yon,diyos ko!" Naghihisterikal na sambit ni Ami habang nagmamaneho. Ang tinutukoy ang nangyari kanina sa may nurse station.

"Hindi ko nga din alam eh. Matapos akong lokohin babalik doon at aayain akong magdinner,hello! Mahiya naman siya di'ba." Hindi makapaniwalang sambit niya. Natawa naman sa kaniya si Ami.

"Tama ka. Kung ako nasa puwesto mo hindi ko bibigyan yon ng chance na makapagdinner. Ba't kasi pinayagan mo?" Tanong nito sa kaniya. Bumuntong-hininga siya.

"Narinig mo naman di'ba ang sinabi ng lalaking yon. Kapag hindi ako pumayag hindi yon tatayo. Nakakahiya kaya yung pinaggagagawa niya." Tugon niya.

"Sabagay,"

Nang makapagpark ay agad silang bumaba at magkahawak kamay na naglakad papasok.

Dumiretso sila sa opisina ni Althea dahil naroon raw ang kaibigan. Nang buksan nila ang pinto ay nagulat sila sa naabutan.

"What the hell!!" Gulat na sigaw ni Ami. Mabilis na naghiwalay ang dalawa mula sa pagkakalapat ng kanilang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Althea habang nakatingin sa kanila na para bang nahuli siya sa akto ng mga magulang.

Mabilis niyang tinulak ang binata. Nahihiyang yumuko sa harap nila ang lalaki. Nang titigan niya ito ng mabuti ay mas lalong nanglaki ang mga mata niya.

"Angelo!!!" Gulat na sambit niya. Napatingin naman sa kaniya ang binata at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Ikaw yung kaibigan di'ba ni Mike?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ami.

"Ahm,aalis na ako." Mabilis na tugon nito at mabilis na umalis ng opisina ni Althea.

Tahimik na nakaupo sila sa puwesto nila. Hindi makatingin sa kanila ng deritso si Althea. Habang sila naman ay nanliliit ang mga matang nakatingin sa kaharap.

"So,ano iyong nakita namain,ha?" Tanong niya. Namula ang mga pisnge ni Althea.

"I-It w-was accident. Hindi niya sinasadyang matapilok at na mali ang tumba niya kaya napunta siya sa akin. H-hindo ko n-naman alam na mahahalikan n-niya a-ako sa labi." Nauutal na tugon ni Althea.

"Pero bakit siya nasa opisina mo kung ganon?" Puno ng pang-aakusa ang mg mata ni Ami habang nakatingin sa kaibigan.

"Pinapasok ko siya dahil panay ang sunod niya sa akin para siyang batang iniwan ng mga magulang,eh. Kaya pinapasok ko na lang." Tugon naman ni Althea.

Sabay silang tumikhim ni Ami at nagkatinginan.

"Wew,SANA ALL." Natatawang sabay na sambit nila ni Ami. Nagtawanan sila ni Ami na sinalihan ni Althea.

Nang tumigil sila sa kakatawa ay namumula na ang mga mukha nila.

"Bakit ba tayo nagtawanan parang mga siraulo?" Natatawa pang tanong niya.

"Hindi ko din alam." Tugon ni Ami.

"Tumigil na nga tayo,ang sakit ng tiyan ko." Sambit ni Althea habang nakahawak sa tiyan nito.

"So,seryuso na to. Kailan kayo nagkakilala?" Seryusong tanong niya. Napatingala naman si Althea inaalala kung saan sila unang nagkita ng binata.

"I think sa airport yon eh?" Hindi pa siguradong sagot ni Althea. Habang nakahawak pa sa panga nito.
"Yeah! Sa airport nga yon. May hinatid kasi akong pinsan sa Airport. Nagkabanggaan kami sa parking lot ng airport,yon nga."

"Eh,kayo bakit niyo siya kilala?" Balik tanong naman ni Althea sa kanila.

"Alam mo naman ang tungkol kay Mike,di'ba?" Tanong niya. Tumango si Althea.

"Yung may gusto sayo." Sagot ni Althea.

"Kaibigan ni Mike,yung lalaking yon." Tugon ni Ami. Nanlaki ang mga mata ni Althea.

"Talaga?!"

Sunod-sunod siyang tumango.

"Yes,"

Humaba pa ang kuwentuhan nila kaya nagdesisyon silang kumain sa restaurant na paborito nilang tatlo.

Nauna silang dumating ni Ami sumunod si Althea na kotse nito ang gamit habang siya naman ay sumakay kay Ami.

Nang pumasok sila ay umupo na sila sa paborito nilang puwesto. Mabuti na lamang ay hindi marami ang mga customer.

Lumapit sa kanila ang waiter at tinanong ang order nila.

Habang hinihintay ang pagkain nila ay nagkuwentuhan na lang muna sila.

"You like him?" Tanong niya kay Althea. Tinutukoy si Angelo.

Namula ang mga pisnge ni Althea dahil sa tinanong niya.

"Y-yeah." Nauutal na sagot ni Althea. Napatili sila ni Ami. Kaya napatingin sa kanila ang ibang mga customer. Nahihiyang ngumiti siya at sinaway ang kaibigan.

"Mabuti pa kayo,masaya ang lovelife." Nakangusong sambit ni Ami.
"E,ako eto naghihintay pa rin."

"Bakit hindi mo gawan ng move yung si Xander? Para hindi ka naman lonely girl." Tugon niya.

"Tsk,hindi ko nga alam kung saan yon nakatira. I tired searching in social media pero wala akong nalaman." Sagot ni Ami na prang sinakloban ng langit at lupa.

"Then I will ask Mike about him,what about that?"

Mabilis na nag-iba ang aura ni Ami dahil sa sinabi niya na para bang ang sinabi niya ay ang makakatulong sa kaniya.

"Gagawin mo yon?" Excited na tanong nito sa kaniya. She nodded.

"Yeah,para hindi ka naman lonely." She teased.

Ami playfully glared at her before chuckling.

Nang may tumikhim.

"I'm sorry guys but hindi kasi ako makarelate." Althea said like she was lost.

"Hahaha,sorry Al. Ikukuwento ko sa'yo lahat para hindi ka naman nahuhuli sa balita sa life namin,di'ba?" Ami teased Althea. Napapout na lang si Althea.

"Tell me,okay. Or else..." Pagbabanta ni Althea. Natawa silang dalawa ni Ami.

"Okay..okay" Natatawang sambit ni Ami at itinaas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

Matapos nilang magdinner ay napagpasyahan na rin nilang umuwi. Ami drive her home.

"Thanks for the ride,see you tomorrow." Paalam niya sa kaibigan at humalik sa pisnge nito.

"Yeah,see you." Tugon ni Ami at bumalik na sa kotse nito.

Ami opened the window in the shotgun seat and waved at her before leaving.

Sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Ami hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

**

Napabuntong-hininga siya ng makahiga siya sa kama niya. Ramdam niya ang pagod na unti-unting nilalamon ang katawan niya.

Masyado siyang naging abala kanina. Kaya sobrang pagod ang inabot niya.

She yawned at pipikit na sana when her phone beeped. Inaantok na kinuha niya ang phone niya sa sidetable

And a smile escape in her lips when she saw Mike's text.

Good night,Eli. Dream of me. Have a nice sleep. I'm falling inlove with you.

She typed her reply.

Good night too,Mike. Have a nice sleep.

Then sent..

Nakangiting ibinalik niya ang phone niya sa bedside table at umayos ng higa.

Dahil sa pagod ay agad siyang nakatulog ng mahimbing.

-----

Love Again - DonbelleWhere stories live. Discover now